Chapter 16

1K 8 0
                                    

Author's Note:

Medyo mabigat tong chapter na to. Pagpasensyahan niyo na. Medyo frustrated kasi ngayon kay boypi kaya nadala dito. Bawi na lang ako next time. :)

Chapter 16

Lumipas ang isang buwan ng pag-eensayo ng grupo para sa production. Mas naging close na sila sa isa’t isa. Nililigawan pa rin ni Gerald si Sarah (hard to get kasi si Sarah, hahaha XD). Napalapit na din sa ibang boys sa grupo si Sarah lalo na kay Sam at John Lloyd.

Halos nakakalahati na sila sa kabuuan ng production. May mga eksena na magkasama si Sam at Sarah, si John Lloyd at Sarah, at Gerald at Kim.

Isang beses sa kanilang rehersals ay hindi nakasama si Sarah dahil may sakit ito.

Gerald: Nung weekend pa may sakit si Sarah eh. Sobrang pagod saka may mga times kasi na nagskip siya ng pagkain.

Sam: Ganun ba? Saan ba bahay nila? Baka pwede ko siyang bisitahin.

John Lloyd: Ako din, gusto ko din siyang bisitahin. Kakamustahin ko lang siya.

Gerald: *nakaramdam ng selos si Gerald kay Sam at John Lloyd dahil alam niyang malapit it okay Sarah* Uhmmmm, itatanong ko muna kay Sarah saka kay Tita mamaya kung pwede lang na may bumisita.

Sam: Sige bro. Pakisabihan na lang kami.

Gerald: Sige. Practice na ulit tayo.

Nagpapratice sa isang room sina Gerald at Kim para sa isang eksena nila. Pagkatapos nilang magpractice ay nagkwentuhan muna sila.

Kim: Kamusta ka na?

Gerald: Ito ok lang. Ikaw?

Kim: Ok din lang. Nageenjoy ako dito sa production.

Gerald: Ako din eh. Mas marami akong natututunan. Gusto ko kasing mag-artista, pangarap naming dalawa ni Sarah yun eh.

Kim: Oh talaga? Gusto ko ding mag-artista eh. Thankful nga ako kasi napasama ako dito sa production, at least may chance akong matupad yung pangarap ko.

Gerald: Ako din eh. Hindi ko nga expected na makakasama ako dito. Kamusta naman yung relationship mo sa iba nating kasama?

Kim: Ok naman. Halos close ko na lahat. Masaya nga silang kasama eh. Lalo na kayong dalawa ni kuya Fred.

Gerald: Oo nga eh. Hahaha!

Kim: Hahaha.

Gerald: Practice natin yung sayaw nating dalawa.

Kim: Sige.

May lifting ang sayaw nila. Pagdating sa part ng lifting ay hindi masyadong na-control ni Gerald ang pag-angat niya kay Kim. Na-out balance silang dalawa. Nasalo ni Gerald ang likod ni Kim habang pabagsak na ito sa sahig. Hindi naman na nila napigilan ang pagkahulog nila. Awkward ang posisyon nila ng bumagsak sila. Nasa ibabaw ni Kim si Gerald. Nagulat silang dalawa sa posisyon nilang iyon pero hindi agad sila nakaalis sa ganoong posisyon. Unti-unting lumapit ang mukha ni Kim kay Gerald at nahalikan niya ito. Nagulat si Gerald sa nangyari at doon niya pa lang nagawang tumayo at lumayo kay Kim.

Kim: I’m sorry.

Gerald: …

Kim: I’m very sorry. Nadala lang siguro ako ng emosyon ko.

Gerald: Alam mo bang nababagabag ako ngayon kasi kahit papaano ay nagtaksil ako kay Sarah! Alam mo namang may mahal na akong iba eh. Bakit mo ba nagawang gawin yun?

Kim: Hindi ko alam.

Gerald: Kalimutan nating nangyari to. Ayaw kong malaman ni Sarah to. Ayaw kong magalit siya sa akin. Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun.

Kim: Hindi niya malalaman ang nangyari. Pangako.

Gerald: Balik na akong auditorium.

Lingid sa alam ng dalawa ay nanuod sa kanila si Sarah. Buong araw niya kasing tinetext at tinatawagan si Gerald pero hindi ito sumasagot sa mga text at tawag niya. Sa sobrang pag-aalala niya ay pinuntahan niya si Gerald sa university para kumustahin, kahit na mataas pa ang lagnat niya. Nang makita na niya ang room kung saan nagpapractice sina Gerald at Kim ay mas pinili niyang wag ng istorbohin to. Naabutan niya kasing nagbabatuhan ng linya ang dalawa. Pinapanuod niya lang ang dalawa hanggang sa nagpractice na sila ng isang sayaw nila. Pupuntahan n asana ni Sarah si Gerald nung natumba ito at si Kim pero napahinto siya sa kanyang kinatatayuan ng makita niya ang ginawa ng dalawa. Nakita niyang unti-unting lumalapit ang mukha ni Kim kay Gerald at nakita niyang lumalapit din ang mukha ni Gerald kay Kim. At nabasag ang kanyang puso sa nakita, hinalikan nila ang isa’t isa sa labi. Hindi na niya napigilan ang kanyang nararamdaman, tumulo ang kanyang mga luha. Tumakbo siya palayo sa kwartong iyon upang hindi na siya makaistorbo pa sa dalawa at upang hindi na mas masaktan pa ang puso niya.

Sa sobrang pagmamadali niyang tumakbo ay hindi niya namalayang may nabangga siya. Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig.

John Lloyd: Sarah? Bakit ka umiiyak?

Hindi na nakasagot si Sarah at yumakap na lang siya kay John Lloyd. Naguguluhan man sa nangyayari ay yinakap pabalik ni John Lloyd si Sarah. Matagal silang magkayakap hanggang sa naramdaman niyang lumuluwag ang pagkakayakap sa kanya ni Sarah. Nawalan ng malay si Sarah. Hinawakan niya ang pisngi nito at nalaman nitong ang taas ng lagnat ni Sarah. Binuhat niya si Sarah at mabilis niyang dinala sa kanyang kotse at dali-daling pumunta sa ospital.

Sa bahay ng mga Geronimo

*ring**ring*

Mommy Kristina: Hello?

John Lloyd: Hello po, mama po ba ito ni Sarah?

Mommy Kristina: Oo, sino sila?

John Lloyd: Kaibigan po ako ni Sarah, andito po ako ngayon sa ospital, saMedicalCitypo. Nawalan po kasi ng malay si Sarah kanina.

Mommy Kristina: Whhaaat!?! Sige pupunta na kami dyan. Salamat.

*end of call*

Maya-maya ay dumating na sa ospital ang mga magulang at kapatid ni Sarah. Dumiretso sila sa kwarto ni Sarah. Natutulog si Sarah ng dumating sila.

Miggy: Salamat bro. *shake hands* Buti na lang andun ka.

Mommy Kristina: Maraming salamat talaga…

John Lloyd: John Lloyd po.

Mommy Kristina: Maraming salamat John Lloyd. *yinakap si John Lloyd*

Daddy Louie: Salamat iho. *shake hands* Nagpaalam lang siya sa akin kanina na may kukunin lang daw siya sa univ kaya ko siya pinayagan. Bakit ba siya nawalan ng malay?

John Lloyd: Tumatakbo po siya, bali nabangga niya lang po ako. Umiiyak po siya nun. Hindi ko po alam kung bakit. Tapos y un yinakap ko po siya para ma-comfort siya, tapos maya-maya po nawalan na siya ng malay.

Miggy: Umiiyak? Sino naman nagpaiyak sa prinsesa naming?

John Lloyd: Hindi ko po alam eh.

Danny: Maraming salamat talaga John Lloyd.

John Lloyd: Wala po iyon. Aalis na po ako. Babalik po akong univ. Sasabihan ko lang po yung prof na in-charge sa play saka yung mga kasamahan naming tungkol sa lagay ni Sarah.

Daddy Louie: Sige iho. Maraming salamat ulit. Mag-iingat ka ah. And iho, wag mo muna silang papuntahin dito hanggat hindi ko pa sinasabi. Gusto ko munang malaman kung sino ang nagpaiyak sa prinsesa ko.

John Lloyd: Masusunod po tito.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon