Chapter 7

1.1K 9 0
                                    

Gerald’s POV

Bata pa lang kami may gusto na ako kay Sarah. Hindi lang naman kasi siya isang magandang babae. Maganda rin ang ugali niya. Yun siguro ang nagustuhan ko sa kanya. Mabait siya sa lahat ng tao kahit sa mga taong ayaw sa kanya. Maalaga din siya. Mas pipiliin niyang siya ang masaktan o mahirapan kaysa ang iba ang maghirap.

Masyado yang mabait kaya minsan inaabuso ng iba pero syempre andyan ako palagi para ipagtanggol siya. Ako ata ang Knight in Shining Armor ni Sasa.

Alam ko kapatid lang ang tingin niya sa akin, pero sino bang lalaki ng hindi mahuhulog ang loob kay Sarah. Maalaga, pala-ngiti, masaya kasama, hindi maarte at higit sa lahat may malalim na pananampalataya kay Bro.

Siya ang babaeng pinapangarap ng bawat lalaki. Swerte nga ako kasi nakilala ko siya at naging matalik na magkaibigan pa kami.

Isa sa mga hindi ko makakalimutang ginawa niya sa akin ay nung sagipin niya ang buhay ko. Yun din siguro yung naging dahilan para magka-crush ako sa kanya. Bata pa kasi kami noon kaya crush lang.

Nag-outing kasi kaming mga ampon kasama si Mamang sa isang resort sa Antipolo. Sobrang dami namin noon kaya hindi kami masyadong nabantayan ni Mamang. Hindi pa ako masyadong magaling lumanggoy noon pero sinubukan kong lumanggoy sa medyo malalim na lugar. Tapang tapangan lang ako noon. Nalulunod na ako ng mapansin ako ni Sarah. Dali dali niya akong sinagip noon. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya at hinding hindi ko iyon makakalimutan. Pagkatapos ng insidenteng yun ay tinuruan niya na akong lumanggoy para hindi na maulit yun.

Maalaga at maalalahanin din yang si Sasa. Lumalim yung nararamdaman ko sa kanya noong palagi niya akong pinapanuod magbasketball, bestfriends na kasi kami noong mga panahong yun. Pero hindi lang siya basta nanunuod. Binibigyan niya pa ako ng Gatorade tuwing may laro para hindi daw ako ma-dehydrate tapos pinapahiram niya din ako ng bimpo niya. Supportive siya sa akin at sa pangarap kong maging basketball player.

Talented din yan. Napakaganda ng boses niyang si Sarah. Dagdag ganda points sa akin yun kasi mahilig akong kumanta, take note, mahilig hindi magaling. Magaling din siyang sumayaw at umarte.

Sobra akong humanga sa kanya.

At unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon