Nagpalit na ng damit si Gerald sa changing room. Dahil sa naka-polo siya kanina ay may sando syang panloob. Nanghiram na lang siya ng shorts na nakalagay sa changing room. Lumabas na sya ng changing room pagkatapos magpalit.
Gerald: Baby Girl, magpalit ka na din.
Sarah: Opo, hinihintay lang kita matapos.
Gerald: Ano naman isusuot mo?
Sarah: Ed yung usual. Parang hindi mo pa ako nakitang naka-swim wear.
Gerald: Sige na, magpalit ka na Baby Girl.
Nagpalit na si Sarah at paglabas niya ay titig na titig sa kanya si Gerald.
Sarah: Mr. Gerald Anderson! Baka matunaw ako sa titig mong yan.
Gerald: Alam mo kasi Ms. Sarah Geronimo, ang ganda ganda mo. Kahit ilang beses na kitang nakitang nakaganyan eh palagi pa rin akong name-mesmerize sa ganda mo.
Sarah: Hindi ka lang bolero eh, ehosero ka din! Hahaha! Kaya tigil tigilan mo nga ako ah. *sabay hampas sa braso ni Gerald* Swimming na tayo Baby Boy!
Gerald: Mauna ka na Baby Girl. Papanuorin na lang kita dito.
Sarah: Ang daya mo naman eh! Magswimming ka din!
Gerald: Ayaw ko po Baby Girl.
Sarah: Sige na! Pleaseeee?
Gerald: …
Sarah: Sige na Baby Boy!
Gerald: Gusto mo lang makita yung maganda kong katawan eh!
Sarah: O-hhh… Hindi ah!
Gerald: Asus! Kunwari ka pa! Aminin mo na lang! Hahaha!
Sarah: Hindi kaya!
Gerald: Asus! Ang Baby Girl ko talaga. Sige na, pagbibigyan na kita! *sabay hubad ng sando*
Sarah: *nakatitig sa katawan ni Gerald* *pabulong* OMG. *tapos biglang binawi ang titig*
Gerald: Baby Girl?
Sarah: O—oh? Bakit?
Gerald: Titig na titig ka kasi kanina sa katawan ko eh. Baka matunaw!
Sarah: Ahhh… Ano kasi…
Gerald: Ano po?
Sarah: Ngayon…
Gerald: Ngayon?
Sarah: Nga---ngayon lang ako naka---nakakita ng ganyang katawan.
Gerald: Talaga lang ah? Eh bakit may nakita akong mga magazine na cover si Zac Efron, Robert Pattinson at Ian Somerhalder?
Sarah: Huh? Eh ano kasi… ang gagwapo nila. Saka crush ko sila eh. Masama ba yun?
Gerald: Hindi naman. Pero alam kong tinitignan mo din yung mga katawan nila.
Sarah: Eh maganda naman kasi yung mga katawan nila!
Gerald: Eh bakit ganun ka makatitig sa katawan ko? Maganda ba?
Sarah: Uhhhhh… ayos lang. Maganda naman.
Gerald: Pero bakit parang iba yung titg mo sa katawan ko?
Sarah: Uhhhhmmmm… ano kasi…
Gerald: Ano?
Sarah: Ngayon lang kasi ako nakakita ng malapitan ng katawan ng lalaki.
Gerald: Hmmmmm.. oo nga noh. Ngayon pa lang pala talaga ako magsi-swimming dito sa inyo. Palagi lang kasi akong nanunuod dati.
Sarah: Opo.