Sarah: Sabihin mo sa akin kung sino gusto mo, sasabihin ko kung sino gusto ko.
Gerald: Hmmmmm… Sige. Basta sabihin mo yung totoo ah.
Sarah: Oo naman. Kailangan ba ako nagsinungaling sayo?
Gerald: Sigurado na to ah. Wala ng bawian.
Sarah: Oo naman. Pero bago mo sabihin kung sino yung gusto mo, sabihin mo muna kung ano yung mga hinahanap mo sa isang babae.
Gerald: Gusto ko yung simple lang, talented, masaya kasama, mapagmahal sa pamilya, yung may takot kay Lord saka yung humble lang. Hindi naman ako choosy kung maganda ba o hindi gaano. Pero swerte kasi ako dun sa gusto ko eh. Nasa kanya lahat ng hinahanap ko sa isang babae tapos maganda pa sya.
Sarah: Galing naman pumili ng bestfriend ko.
Gerald: Syempre naman!
Sarah: Eh sino ba yung maswerteng babae na yun?
Gerald: Gusto mo ba talagang malaman kung sino?
Sarah: Oo naman.
Gerald: Sigurado ka ba talaga?
Sarah: Oo.
Gerald: Siguradong sigurado?
Sarah: Oo nga. Paulit-ulit. Paulit-ulit.
Gerald: Sorry naman. Naninigurado lang. Wag kang magugulat ah.
Sarah: Oo, dami mo pang sinasabi eh. Sabihin mo na kung sino yun!
Gerald: IKAW!
Sarah: Huh?
Gerald: Ikaw yung babaeng gusto ko. Ikaw yung babaeng tinutukoy ko.
Sarah:…………
Gerald: Hello? Bes? Sasa? Andyan ka pa ba?
Sarah:…………
Gerald: Sarah? Sars? Sasa?
Sarah: O-oo. Andito pa ako.
Gerald: Sabi ko kasi sayo wag kang magugulat eh.
Sarah: Binigla mo kasi ako.
Gerald: Ikaw kaya yung atat na malaman kung sino yung gusto ko.
Sarah: Bakit mo lang kasi ngayon sinabi?
Gerald: Matagal ka na bang naghihintay?
Sarah: Ahhh…hindi…oo pala.
Gerald: Matagal ka ng naghihintay?
Sarah: Oo! Ikaw kasi yung gusto ko!
Gerald: Ano?
Sarah: Narinig mo na yung sinabi ko. Hindi ko na uulitin.
Gerald: Ang daya naman nito. Yung akin nga ilang beses ko inulit.
Sarah: Sorry ka. Hindi mo pinakinggan ng mabuti eh.
Gerald: Eh…
Sarah:………
Gerald: Ulitin mo na Sarah…please…
Sarah: Ikaw yung lalaking gusto ko. Ok na?
Gerald: Whoooo! Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya dun sa sinabi mo.
Sarah: Ako din naman eh.
Gerald: Ibig sabihin ba nito tayo na?
Sarah: Ano ka? Sinuswerte?
Gerald: Hala! Akala ko ba gusto mo ako? Gusto din naman kita ah.
Sarah: Pero hindi ibig sabihin nun tayo na.