Chapter 2

1.4K 10 0
                                    

14 years ago nang may makilala akong makulit na bata sa ampunan. Sobrang kulit niya na nadapa siya sa kakatakbo at talon sa playground ng bahay ampunan.

>>>FLASBACK<<<

Habang naglalaro si Gerald ng basketball niya ay may batang babae na nangulit sa kanya.

Sarah: *kinurot si Gerald*

Gerald: Aray!

Sarah: Habulin mo ako! Habulin mo ako!

Gerald: *bumulong* Ang kulit naman nitong batang to.

Sarah: *iniikutan si Gerald* Hahabulin na ako nian. Hahabol na yan! Habulin mo ako.

Gerald: *umakmang hahabulin ang batang nangungulit sa kanya*

Biglang tumakbo si Sarah. Mabilis siyang tumakbo para hindi siya maabutan. Pero sa kakamadali niya ay nadapa siya. Sumubsob siya sa lupa. Buti na nga lang ay naprotektahan niya ang ulo niya bago ito sumubsob sa lupa.

Gerald: OH! Mamaaaaang! *nagmamadaling tumakbo papunta kay Sarah na nakaupo at umiiyak*

Sarah: *umiiyak ng malakas* ANG SAKIT SAKIT!

Gerald: Tahan na. Gagamutin na ni Mamang ang mga sugat mo. Nasugatan ba ang mukha mo? *sabay tingin sa mukha ni Sarah*

Sarah: Ang sakit sakit! Kasalanan mo to eh! *sabay hampas kay Gerald*

Gerald: Hala! Kasalanan ko pa? Ikaw tong makulit eh. Hindi naman kita inaano eh.

Sarah: *umiiyak* Isusumbong kita kay Mamang! Kala mo!

Gerald: Bahala ka. Ohtara, tumayo ka na. *inalalayan tumayo si Sarah*Paramagamot na yang mga sugat mo.

……………………

Pagkatapos linisin at lagyan ng gamot ang mga sugat ni Sarah

Mamang: Oh Gerald, ikaw daw may kasalanan kung bakit nadapa si Sarah.

Gerald: Hindi naman po eh. Siya nga po yung nagpapahabol eh. Siya po yung takbo ng takbo. Hindi ko naman po tlaga siya balak habulin eh.

Mamang: Mag-sorry ka na lang sa kanya Gerald para matapos na yan. Saka hayaan mo na. Intindihin mo na lang.

Gerald: Opo Mamang.

Mamang: Sige na. Tawagin mo na mga kapatid mo. Nakahain na yung pagkain.

Gerald: Opo. Salamat po pala Mamang. Akala ko kasi paparusahan mo ako eh.

Mamang: Wala ka naming kasalanan eh. Sige na.

……………………

Pagkatapos kumain

Lumapit si Gerald kay Sarah.

Gerald: Uhhhmmm… Sarah?

Sarah: Bakit po?

Gerald: Naaalala mo ba ako?

Sarah: Uhhhmmm… Hindi na eh.

Gerald: Ako yung akala mong humabol sayo kanina.

Sarah: Ikaw po b yun?

Gerald: Oo.

Gerald: Uhhhmmm… Sorry nga pala ah.

Sarah: Wala na po yun kuya.

Gerald: Gerald na lang itawag mo sa akin.

Sarah: Ok Gerald.

Gerald: Kumusta na yung mga sugat mo? Masakit pa ba?

Sarah: Ok naman na po. Hindi na po masyadong masakit.

Gerald: Ed mabuti. Bati na ba tayo?

Sarah: Oo naman. Wala naman yun eh. Basta maglalaro tayo bukas ah.

Gerald: Oo sige ba.

Sarah: Sabi mo yan ah. Sige. Magto-toothbrush na ako.

Gerald: Sige.

>>>END OF FLASHBACK<<<

Dyan nagsimula ang pagiging magkaibigan naming ni Sarah. Pagkatapos nun mas naging mas malapit kami sa isa’t isa. Ako ang naging kuya niya sa loob ng ampunan. Nung may mag-ampon na sa amin ay hindi pa rin nawala ang aming communication at mas lalo pang tumibay ang aming pagkakaibigan. Buti nga at magkaibigan ung pamiya na umampon sa amin kaya nagkikita pa rin kami.

Mababait ang mga umampon sa akin. Bilang kaisa-isa nilang anak ay ibinigay nila sa akin lahat ng kailangan at gusto ko. Ipinaramdam nila na tunay nila akong anak. Lahat ng ginagawa ko ay lagi nilang sinusuportahan. Malaki ang pasasalamat ko kay Daddy Oscar at Mommy Isabel sa lahat ng pag-aalaga, pagpaparangal, pagsuporta at pagmamahal na kanilang patuloy na pinararamdam sa akin.

Ako nga pala si Gerald Anderson, 19 yrs old at 3rd year college student. Iisang university lang an pinapasukan namin ng bestfriend kong si Sarah kaya araw-araw ay magkasama kami.

Ang tagal na din pala naming magkaibigan ni Sarah. Pero habang tumatagal mas lumalalim pa sa isang kaibigan ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko ba alam. Parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya, pero baka wala siyang nararamdaman para sa akin kaya tinatago ko na lang ang nararamdaman ko. Bahala na kung kalian ko aaminin sa kanya. Bahala na.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon