Sarah’s POV
May pasok na naman. Susunduin kaya ako ni Gerald? Baka hindi siguro, paniguradong nagtatampo pa yun. Makapagready na nga ako.
Pagkatapos kumain
Sarah: Alis na po ako.
Mommy Kristina: Mag-ingat ka anak. Hindi ka ba susunduin ni Gerald?
Sarah: Hindi po ako sigurado mommy. Alis na po ako, baka malate pa ako eh. *halik sa mommy niya*
Paglabas niya ay nagulat siya sa nakita niya.
Ang kotse ni Gerald.
Lumabas ng kotse si Gerald.
Gerald: Good morning. Sakay na.
Sarah: Good morning din.
Halata sa mukha ni Gerald na hindi siya masaya. Hindi sila nag-usap ni Sarah nung papunta na silang university. Nang dumating sila sa univ ay dali-daling bumaba si Gerald. Bumaba na din si Sarah.
Gerald: Sabay na tayong umuwi mamaya. *sabay alis*
Sarah: *pabulong* Salamat.
Dumaan ang dalawang lingo na ganun ang kanilang ginagawa. Hinahatid sundo siya ni Gerald pero hindi sila nag-uusap.Parasiyang hangin sa paningin ni Gerald.
Uwian
Sarah: Bes, usap tayo. Ok lang ba?
Gerald: Sige pero wag dito.
Sarah: Sige, saan naman tayo mag-uusap?
Gerald: Sa may Trinoma na lang tayo mag-usap.
Sarah: Sige bes.
Tahimik silang dalawa sa loob ng kotse hanggang sa binasag ni Gerald ang katahimikan.
Gerald: Kanina yung audition para sa mga new members ng Acting Org. Nag-audition ba si John Lloyd?
Sarah: Oo. Nagpapasama nga pero sabi ko may gagawin pa akong importante.
Gerald: Ano naman yung gagawin mong importante?
Sarah: Ito. Ang makausap ka.
Gerald: Ahhhh.
*kinilig si Gerald sa sinabi ni Sarah pero hindi niya ito pinahalata*
Sarah: Bes, wag ka ng magtampo. Magalit at magtampo na lahat ng tao, wag lang ikaw. Alam mo namang hindi ko kayang nagagalit ka sa akin eh.