Chapter 25

1K 12 0
                                    

Sumilong sa isang maliit na kubo sina Sarah at Gerald. Basang basa silang dalawa dahil nagharutan at kulitan pa sila habang nagpapaulan.

Napansin ni Gerald na nanginginig na sa lamig si Sarah.

Gerald: Sorry Babe. Hindi ko naman alam na uulan ng malakas. Uwi na tayo, mukhang lalagnatin ka na eh.

Sarah: *sniffs* Ok lang ako. Wag ka mag-alala.

Gerald: *may kinuha sa bag na dala niya* Ito, isuot mo to.

Sarah: Ito na lang ata yung tuyo mong damit eh.

Gerald: Kaya ko namang tiisin yung lamig eh. Wag ka lang magkasakit.

Sarah: Ge…

Gerald: Sige na Babe. Isuot mo na yan, baka lalong kang sipunin kasi mabababad ka sa basang damit.

Sarah: Eh…paano ka?

Gerald: Ok lang ako. Wag ka ng makulit. Magbihis ka na.

Sarah: Saan ako magbibihis?

Gerald: Dyan.

Sarah: *sniffs* Dito?

Gerald: Oo. Wala naman ng ibang lugar dito eh.

Sarah: Sigurado ka?

Gerald: Oo.

Sarah: Eh…

Gerald: Oh sige. Lalabas na muna ako tapos magbihis ka.

Sarah: *pinigilan si Gerald* Eh mababasa ka lang eh.

Gerald: Ayaw mo kasing magpalit ng damit eh.

Sarah: Talikod ka na lang.

Gerald: Sige po. *tumalikod* Suot mo na din yung long sleeves kong polo para may dagdag proteksyon ka sa lamig.

Sarah: Ge, paano ikaw?

Gerald: Tatawagan ko na lang si manong para makauwi na din tayo agad.

Sarah: Kaya mo pa ba?

Gerald: O—oo.

Napansin niya na nilalamig na din ito. Lumapit siya kay Gerald at hinila niya ang damit nito.

Gerald: A—anong ginagawa mo?

Sarah: Hubarin mo na yung damit mo. Matutuyuan ka niyan, baka lalong kang magkasakit niyan.

Gerald: Wala na akong extrang damit eh.

Hinubad niya ang long sleeves na polo at binigay kay Gerald.

Gerald: Oh bakit m—mo hinub—bad?

Sarah: Hindi naman pwedeng ok lang ako tapos ikaw nahihirapan. Share na lang tayo dito.

Gerald: Share?

Sarah: Ikaw magsuot nito tapos ikaw naman yayakap ka sa akin.

Gerald: *napangisi* Hahaha.

Sarah: Oh bakit ka natawa?

Gerald: Gusto mo lang maka-score sa akin eh.

Sarah: Che! Ewan ko sa’yo Ge. Ako na nga tong nagmamagandang loob eh. Oh, suot mo na tong long sleeves mo. Kaya ko naman na yung lamig.

Gerald: Babe, sorry po. Nagjojoke lang naman ako eh.

Sarah: Bahala ka. Suot mo na yan.

Gerald: Babe…

Sarah: Ops! Dyan ka lang! Wag kang lalapit. Distansya ah. Galit galit tayo ngayon. Tutal ayaw mo naman ng tulong ko, hindi ko din kailangan ang tulong mo.

Gerald: Babe…

Sarah: Wag ka ding mgsasalita dyan. Antayin na lang natin si manong.

Gerald: Sorry…

Sarah: …

Gerald: Babe…

Sarah: *pasigaw* Di’ba sabi ko walang magsasalita? Ang kulit mo din eh!

Gerald: Sorry na po…

Sarah: Ako na kasi tong nagmamagandang loob tapos iisipan mo pa ng ibang motibo yung ginagawa ko. Bahala ka dyan.

Gerald: Babe, sorry po.

Matagal na hindi nag-imikan ang dalawa. Nakatalikod sila sa isa’t isa.

Sarah’s POV

Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi ni Gerald.

Mukhang mababaw ung dahilan kung bakit ako nagalit sa kanya pero nasaktan kasi ako na inisip niyang gusto ko lang maka-score o maka-tsansing sa kanya at ginawa ko lang na dahilan yung sitwasyon naming ngayon.

BADTRIP! Joke na kung joke, pero masakit eh!

Alam niya namang yun ang pinakaayaw ko sa lahat eh! Kainis ka talaga Gerald Randolph Anderson! Bahala ka sa buhay mo! Kala mo hindi kita kayang tiisin ah. Tingnan lang natin.

 Maya-maya pa ay nakaidlip na si Sarah, hindi niya na naramdaman ang sobrang lamig dahil na rin sa pagod.

Gerald’s POV

Ano na namang pumasok sa utak mo Gerald! Napaka-gag* mo talaga!

Sinira mo pa yung napakagandang araw niyong dalawa!

Arrrggghhh! Ang tanga mo!

BADTRIP!

Sa lahat pa ng araw na balak mo siyang asarin, bakit ngayon pa? Arrrrggghh. Gerald Anderson, napakalaki mong—arrrgghhh!

Lumingon si Gerald kay Sarah. Napansin niyang natutulog na ito, balak niya sanang kumutan ito ng long sleeves polo niya pero biglang…

Manong: Sir Gerald!

Gerald: *nagulat* Oh manong!

Manong: Sakay na po kayo para makahanap na tayo ng sisilungan.

Gerald: Hindi po, uuwi na po tayo.

Manong: Sir? Ang lakas po ng ulan. Mahirap pong bumiyahe.

Gerald: Uuwi po tayo.

Manong: May nangyari po bang hindi maganda?

Gerald: Basta manong, uuwi tayo. Maliwanag po ba?

Manong: Sige po sir. Kayo po ang masusunod.

Binuhat na ni Gerald si Sarah papuntang sasakyan. Malalim na malalim ang pagkakahimbing ng tulog ni Sarah dahil hindi man lang ito nagising ng buhatin siya ni Gerald. Maya-maya pa ay umalis na sila pabalik ng Manila. Nakahiga si Sarah sa binti ni Gerald habang ipinatong naman ni Gerald ang polo niya sa katawan ni Sarah para maging kumot nito. Dahan dahang hinalikan ng binata ang noo ni Sarah at marahang binulong sa tenga ni Sarah, “I love you.”

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon