Chapter 21

1.6K 18 3
                                    

Author's Note:

Dedicated po to kay SGfannabee05 na palaging sinusubaybayan yung fan fic ko. Salamat po. :)

Chapter 21

Sa kotse, habang nagdadrive si Gerald

Gerald: Uhmm, kamusta ka na Sasa?

Sarah: Ok naman.

Gerald: Eh yan? *sabay turo sa puso ni Sarah*

Sarah: Ok din naman. Masaya kahit papaano.

Gerald: Hindi ka ba masayang masaya?

Sarah: Uhm, hindi masyado eh. Parang may kulang kasi.

Gerald: Ano naman yung kulang?

Sarah: Hindi ko nga alam. Naguguluhan ako.

Gerald: Naguguluhan? Saan?

Sarah: Basta. Ang hirap iexplain eh.

Gerald: Ano ba kasi yun? Kahit sobrang haba pa ng explanation mo pakikinggan ko yan.

Sarah: Eh nakakahiya eh.

Gerald: Eh ano mo ba ako?

Sarah: Bestfriend

Gerald: Yun naman pala eh. Bakit mo pa kailangan mahiya?

Sarah: Nahihiya lang ako sa pwede mong sabihin.

Gerald: Alam mo namang hindi ako ganyan. Hindi ako judgmental.

Sarah: Alam ko naman yun eh.

*natahimik silang dalawa*

Maya maya ay binasag na ni Gerald ang katahimikan

Gerald: Kumusta na kayo ni John Lloyd?

Sarah: Ok naman.

Gerald: Hindi mo pa siya sinasagot?

Sarah: Huh?

Gerald: Di’ba nanliligaw siya sayo?

Sarah: Sino naman nagsabi sayo niyan?

Gerald: Wala, nahalata ko lang. Ang sweet niyo kasi lately.

Sarah: *hinampas si Gerald* Adik ka din noh! Hindi nanliligaw yun kasi alam niyang may hinihin…taaay… *napabulong sa sarili* Patay! Nadulas ako! >.<

Gerald: *nagulat sa sinabi ni Sarah* May hinihintay ka? Sino? *sabay kiliti sa kili-kili ni Sarah* Ikaw ah. Ang dami mong hindi kinukwento sa akin.

Sarah: Haaay. Ano pa nga bang point kung maglilihim pa ako sayo? Sige, ganito kasi yun. Matagal na akong ok. Ok na yung puso ko. Naghilom na yung sugat. Binalak manligaw ni JL pero sabi ko ayaw ko siyang paasahin saw ala kasi nga may iba akong mahal.

Gerald: Wait lang, bago mo ituloy yung kwento mo, baba muna tayo. Andito na tayo sa pupuntahan natin.

Sarah: Akala ko ba uuwi na tayo?

Gerald: Gusto pa kitang makasama at makausap eh. Pero kung ayaw mo, ayos lang. Ano?

Sarah: Gusto kong mag-usap pa tayo. *sabay kurot sa magkabilang pisngi* Miss ko na din kasi tong gwapo kong bestfriend!

Pumasok na sila sa building kung saan nakatapat ang kotse ni Gerald. Umakyat sila sa rooftop kung saan tanaw ang kalakhan ng Maynila.

Sarah: Ang ganda naman ng view dito. Lord, thank you! Paano mo nalaman tong lugar na to bes?

Gerald: Simula nung patigilin mo ako sa panliligaw dito ako palaging pumupunta. Dito ako nagpapalipas ng oras, nag-iisip isip. Ang ganda kasi dito. Tahimik din kahit papaano.

Fallin' (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon