Nakatanga lang ako sa kama ko habang nakatingin sa dingding kung saan nakasabit yung mga dress na pinagpipilian ko.
Kahapon pa ako ganito, hirap akong magdecide kung alin sa tatlo ang isusuot ko. Pareho kasi silang magaganda at pareho sila na may kapangyarihang iseduce yung mga lalaking tinalikuran na ang pagiging masarap.
Ang red backless kaya na abot hanggang paa ang tela? O yung blue na may mahabang manggas na akala mo pang evening gown? O di kaya yung pulang sleeveless na may above the knee-pencil cut na style? I can't decide, actually mamayang hapon na yung party.
Ang balak ko sana ay iseduce si Kent sa huling pagkakataon bago siya tuluyang magpatali dun sa kaespadahan niya, kaya naman gusto ko daring ang full look ko mamaya. Pero bahala na.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga saka ako naligo para dumeretso sa restaurant ko. Naalala kong kailangan ko pa rin palang i-open ngayon iyon. Siguro'y mas maaga na lang akong magsasarado para makahabol ako sa pa-welcome party mamaya.
Nang makarating ako doon ay nagprepare ako ng kaunting ma-idadala sa party ni Kent mamaya. Itinuloy ko kasi yung balak ko na magdala ng bibingka at ibat-ibang klase na luto ng tahong para ipaalala kay kent yung nakalimutan niyang putahe ng pagkalalaki niya.
Alas tres na noong natapos ako sa pagluluto. Buti na nga lang talaga ay walang naka-schedule na cater ngayon dahil baka hindi ko maisingit ito or worse, baka hinid ko siputin yung nagpa-cater para lang matapos ito.
Ilang oras pa ang lumipas ng tuliyan na akong nagpaalam sa tatlong apprentice ko na sila muna ang bahala dito sa restaurant ko dahil lalandi pa ang lola nila. Pumayag naman sila dahil wala din silang choice. Ako amo, eh. Subukan lang nilang tumanggi tutusukin ko mga ano nila!
Lulan ng BMW kong sasakyan ang maganda kong sarili na nakasuot ngayon ng.. Tantararan! Pulang sleeveless na pencil cut yung above the knee dress. Halos trenta minutos rin bago ko napili itong damit na 'to, buti na nga lang talaga ay tinulungan ako ni Cess. Actually, siya na rin mismo ang nagmake-up sa akin. Kaya eto, sobrang ganda ko na. Sapat na para maseduce ang gwapong baklang may abs na si Kent Reign Sylvestre.
Wala pang 15 minutes nang makarating ako sa venue kung saan sinabi ni Olive sa akin kamakailan. 5:17 na sa relos ko ng tignan ko iyon pero mukhang hindi pa rin nagsisimula.
Nang tuluyan akong pumasok sa isang hall ay bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng tao. Halos lahat sila'y mayayaman. Kunsabagay, sa gantong cozy type na lugar, hindi mo maiiwasang pasusyalan ang makikita mo sa bawat sulok.
Inilibot ko pa yung mata ko sa paligid hanggang sa nakita ko si Olive na nakasuot ng tuxedo, kala nya naman kinagwapo niya yun. Iss. Nasasayangan na nman ako sa kanya. Pero what more kaya kung makita ko mamaya ang pinsan niya? For sure, mas masasayangan ako sa taong yun! Pero may chance ka pa, Rio. kaya mo yan!
Bumuntong hininga ako saka ako lumapit kay Olive tapos ay iniabot ko yung dala kong paper bag na may lamang special bibingka at tatlong klase na luto ng tahong.
"Oh, you came!"Niyakap ako ni Olive. Paraparaan pa itong tomboy na 'to, gusto lang ata akong tsansingan.
"Teka para saan 'to?" Tanong niya habang nakatingin sa paper bag na iniabot ko sa kanya."Thank you for inviting me, Olive. By the way, niluto ko yan para kay Kent, sana ihain mo yan a table niya." Sabi ko.
"Oh, sure." Sabi niya then saka kumindat. "By the way, it's Oliver, not Olive." Pagtatama niya saka kami nagtawanang dalawa.
"Ahm, mamaya pa pala darating si Kent. Baka mainip ka." Sabi nito habang palakad lakad kami.
"H..Hindi ko naman siya hinihintay, eh." Sagot ko. Napatingin naman si Olive sa akin na para bang sinasabi niya na telege be? Kehet memetey?
"Okay, sige na, hinihintay ko na siya. Wag mo nga akong tignan ng ganyan." Sabi ko saka ko siya hinampas.
"Wag mo nga rin akong hampasin ng ganyan, baka mainlove uli ako sayo." Sabi naman niya. Galawan talaga ni tomboy, oh!
The whole time ay hindi ako nilayuan ni Olive kahit na andami nang nagtatawag sa kanya. Alam kasi niya na wala akong kasama. Ayoko din naman na mg-isa dahil wala din naman akong kakilala na malalapitan dito.
Maya- maya naman ay napatigil ako ng magsalita na yung emcee ng naturang event. Napatingin ako sa relos ko. Mag se-seven pm na. Halos 2 hours na rin pala since nung tinubuan ako ng ugat sa kinalalagyan namin ni Olive.
"Good evening everyone! In a few minutes, we will be starting the welcome party for our very own Kent. So, please find your own table now. Sit back and relax. And please, enjoy the night!" Sabi nito. Hinatak ko naman si Olive sa braso nya, sabi ko sa kanya ay lumipat kami dun sa table sa harap para mas makita ko si Kent ng mas malapitan. Pumayag naman siya kaya pumunta na kami dun.
Maya-maya pa ay may lumapit sa aming wine server. Tatanggi sana ako kaso naisip ko na kailangan ko ng lakas ng loob para sa kahuli-huliang paandar ko sa gabing ito once na hindi umepekto lahat ng balak ko.
Feeling ko ka-kailanganin ko ng kapal ng mukha at tapang ng dila para gawin iyon. Hindi kasi sapat na maganda at sexy lang ako. Dapat wild din. At alam kong alak ang makakapagbigay sa akin ng will power para magawa ko iyon.
Habang lumilipas ang oras ay mas bumibilis yung kaba sa puso ko. Alam ko na anytine ay lalabas na si Kent sa stage.. At alam ko rin sa paglabas niyang iyon ay hindi siya nag-iisa. Alam kong kasama niya yung partner niya, yung ka-espadahan nya ng isang stick ng hotdog ni aling kepyang sa may kanto ng village.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ni Olive sa akin.
"Oo naman. K..kinakabahan lang talaga ako." Sabi ko, nagulat naman ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Hinayaan ko nalang iyon. Wala din namang mawawala kung taggalin ko iyon.
"S..Saan pala uupo si Kent." Tanong ko sa kanya habag hawak pa rin niya yung kamay ko.
"Dun, oh." Sabay turo niya sa table sa harap namin na may nakahain ng mga pagkain. Kasama dun yung isang slice ng bibingka tapos tatlong luto ng tahong. O M G! sana magustuhan niya nang magbago naman ang pananaw niya na di hamak na mas masarap ang bibingka at tahong kesa sa pinritong hotdog na sunog!
Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan ng nagsimula ang party. Halos mag-hyperventilate ako nung tinatawag na nung emcee yung pangalan ni Kent. Gosh! Nakatitig lang ako dun sa pintuan sa harap kung saan ko ine-expect na lumabas si Kent pero di ko nalang namalayan nung biglang nagsilungunan sa likod yung mga tao. Oh, Gosh! Sa likod pala siya dumaan! Kainis! I missed his first glance!
Parang slow mo ang moment habang naglalakad papunta sa harap si Kent habang nakafull smile at kumakaway. Nakadenim polo siya, tapos blue pants and leather shoes. Grabe! Ang gwapo na niya sa pictures, pero mas gwapo pa siya sa personal. Buti nalang talaga, na kahit bakla na si Kent ay hindi pa rin niya binago yung pananamit niya. Ang pangit naman kasi kung pambabae yung damit niya tapos yung katawan niya pala ay borta.
Nagpapalakpakan ang mga tao sa hall. Grabe, ibang iba talaga yung karisma niya. No wonder kung bakit naging successful model ito sa ibang bansa.
Nang madaan siya sa harap ko ay hindi ko napigilang mapatulala, gosh, dumaan yung gwapong nilalang sa harap ko. Ang bango bango niya! Tapos ang sarap sarap pa!
Nakahawak na siya ng mic tapos nagsasalita pero parang wala akong naririnig sa mga sinasabi niya, nakatitig na lang ako sa kanya na para bang gusto ko siyang lapitan tapos yakapin para paulanan ng halik.
Bigla namang nabasag yung pag-iimagine ko nang biglang may isang matangkad na foreigner na lumapit sa kanya sa harap ng stage. Shet!
Napaawang yung bibig ko nang makita kong hinawakan niya yung kaliwang kamay ni Kent, itinaas niya iyon saka nila iniharap sa mga tao yung parte kung saan nakalagay yung singsing nila.
BINABASA MO ANG
He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)
RomanceKapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng hopeless na si Rio Andrea Jimenes sa mga kaibigan niya. Ultimate crush kasi nito ang gwapong may abs...