"A..aray" narinig kong sigaw ni Olive sa akin.
Hindi ko namalayan na sobrang higpit na pala nung pagkakahawak ko sa kamay niya. Siguro'y dala iyon ng inis ko sa mga nakita ko kanina.Talagang sa harap ko pa sila mag-hoholding hands at magyayakapan? Hindi man lang sila nahiya sa akin? Prinoprovoke nila ako! Gusto yata ni Kent na makakasapak ako ng foreigner ngayon.
"Easy." Bulong sa akin ni Olive na tila alam niya yung tumatakbo sa utak ko.
"Sorry." Yun nalang yung nasabi ko.
Para akong nanghihina nung mga oras na yun. At feeling ko, anytime ay pwede akong bumulagta dito dahil sa mga nakikita ko ngayon.
Tinitigan ko si Kent. Halata sa mukha ang pagiging masaya. Abot langit kasi ang ngiti nito habang nakayapos sa likod nya yung foreigner na gwapo rin. Eto na ba yung sinasabi nilang kapag gwapo, gwapo rin ang hanap?
Mas nainis pa ako nung may nagpatunog ng baso gamit nung spoon na para bang sinasabi na maghalikan yung dalawa sa harap ko. Buti na nga lang ay hindi pumayag si Kent. Sabi niya, ireserve nalang daw para sa kasal. Napakunot naman ako. Anong reserve ang sinasabi niya, eh, nakita ko nang naghalikan sila sa post niya!!
Maya-maya pa ay bumaba si Kent kasama nung foreigner doon sa table sa harap namin para umupo. Nagsimula na silang kumain. Niyaya ako ni Olive na kumain pero tinanggihan ko siya, nakatitig kasi ako kila Kent. Atsaka hinihintay ko rin kasi kung anong magiging reaksyon ni Kent kapag natikman na niya yung tawhong ko. What I mean is yung tahong na niluto ko.
Hindi naalis yung tingin ko kahit nagsusubuan na ng hotdog yung dalawa. FYI, may hotdog kasing nakahain sa mesa nila. For sure, nirequest yun ni Kent dahil paborito niya iyon. Napaismid ako. Subukan niya lang talagang tikman yung tahong ko, hindi lang pangalan niya makakalimutan niya, kundi pati yung lasa ng hotdog na paborito niya! Kaya naman nang makita kong sinubo na niya yung tahong na niluto ko ay halos manlaki ang mata ko sa reaksyon niya. Mukhang nasarapan siya sa tahong ko. Sinunod naman niyang tikman yung bibingka. Naexcite ako bigla nung nakita kong napapangiti siya na para bang sinasabi niya na mas masarap pala talaga ang bibingka't tahong kesa sa hotdog. Di ko naman siya masisisi dahil masarap talaga yung tahong at bibingka ko.
Nang matapos silang kumain ay inisa-isa nilang nilapitan lahat ng bisita. At mukang save the best for last kaming dalawa ni Olive dahil inuna nila yung mga tao sa likod. Which I think it is a good decision kasi mas makakausap namin siya ng matagal ni Olive. Buti nalang talaga lumipat kami dito.
Nung lapitan na kami nila Kent ay bahagya akong kinabahan. Nakita kong tumayo si Olive para yakapin yung pinsan niya habang ako naman ay mukhang tinubuan na ng ugat sa upuan dahil hindi na ako makatayo. Hinila lang ako ni Olive kaya ako nakatayo.
"Kamusta Tol?" Tanong ni Kent kay Olive habang nag-pi-feast bump sila. Grabe, napaka-manly pa rin nung boses niya. Di mo aakalaing may bahid ng berdeng dugo itong isang 'to.
"Okay naman tol, 'eto pusong lalaki pa rin. Btw, congrats pala sa inyo ni..." Sabi ni Olive saka nya tinuro yung partner ni Kent.
"Ahm, Zuk Williams is his name." Pagpapakilala ni Kent dun sa katabi niya.
"Oh, by the way, babe. He is Oliver, my cousin. he's a lesbian." Pagpapakilala ni Kent kay Olive.
"So, kelan ang kasal?" Tanong ni Olive. Bwisit tong Olive na to, di marunong makiramdam! Ipakilala mo naman ako!
"Ahm, after my contract here in the Philippines."
"So, probably, 6 months later? Best wishes mga Tol!" Sagot naman ni Olive.
BINABASA MO ANG
He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)
RomanceKapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng hopeless na si Rio Andrea Jimenes sa mga kaibigan niya. Ultimate crush kasi nito ang gwapong may abs...