KABANATA XXVIII

2.6K 67 3
                                    

"Oo. Dont worry. Sabi ko naman sayo, hangga't okay ka, okay lang din ako. Just make sure na babalik ka. Hihintayin kita. "

Yan yung sinabi ni Kent sa 'kin na hanggang ngayon patuloy paring umiikot sa isip ko. Daig pa nito ang sirang plaka. Gusto ko na nga sanang patigilin, eh, kaso hindi ko magawa. Gusto kong alisin sa isip ko pero naging playlist ko na ata.

Kanina pa ako hindi matigil-tigil sa pag-iyak nung mapagpasyahan kong lumuwas ng probinsya namin sa Isabela para sana iwan lahat sa Tagaytay yung problema ko. Kaso mukhang naisama ko iyon habang nasa biyahe ako. Binabagabag kasi ako ng takot at konsensya.

Takot, dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

At konsensya..

Nakokonsensya ako, hindi lang dahil iniwan ko si Kent nang walang paalam, kundi dahil na rin sa mga nalaman ko kay Olive kanina nung makausap ko siya.

Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit galit si Olive sa akin.

Naiintindihan ko na kung bakit pilit niyang dinidikdik sa utak ko na ako ang dapat masisi.

Naiintindihan ko na ang lahat.

Dapat lang na magalit sya akin. Ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang dahilan ng aksidente.

Kung hindi ko inagaw kay Olive yung manibela, sana okay pa ngayon ang lahat. Oo, inagaw ko kay Olive ang manibela. Dahilan para bumangga kami.

Ayon kay Olive, lunod na lunod raw ako sa alak nung gabing iyon. At sa sobrang lunod ko, andami ko raw nagawa at nasabi na ngayon di ko na maalala.

Hinalikan ko raw si Kent sa harap ni Zuk. Nagbanta pa raw ako na aagawin ko si Kent sa kanya. At nung pauwi na raw kami nagbitiw daw ako ng salita na akala nila di ko gagawin. Pero nagulat na lang daw sila nung inagaw ko yung manibela kay Olive. Ang rason ko raw kung bakit ko ginawa iyon? Gusto ko raw maamnesia si Kent para maibalik ko siya sa dati.

Sa lahat ng narinig ko, hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa sarili ko. Hindi ko alam na magagawa ko pala 'yon. Napakasama ko. Ay, hindi. Sobrang sama ko. Sobrang makasarili ko. Haloa hindi ko inisip kung anong pwedeng mangyari kapg ginawa ko iyon.

Kaya tama lang yung desisyon kong magpakalayo-layo sa lahat, eh.

Atsaka nasira ko na si Olive. Dahil sa akin wala na siyang pag-asang makapag lakad pa. Hihintayin ko pa bang masira ng tuluyan si Kent at si Zuk bago ako umalis?

Eto lang yung tanging paraan para makabawi ako sa mga nagawa ko sa kanila. At kung kailangan ko mang mahirapan, tatanggapin ko kapalit ng kapayapaan sa puso't isip ko.

Alam kong hindi sapat ang paglayo ko sa buhay nila para mapagbayaran ko ang kasalanan ko. Pero mas mabuti na 'to, kaysa wala akong gawin at all.

Alam ko rin naman kasing darating ang araw na buburahin ng panahon ang lahat. Alam kong darating ang panahon, hihilumin rin ng panahon ang sugat.

"Anak, seryoso ka ba sa desisyon mong iyan? Mahirap ang buhay sa Isabela." Kausap ko si mama sa cellphone ko. Pati siya ay nagulat sa biglaang pagluwas ko.

"Alam ko yun ma.. Kaya ko nga piniling dun mag-stay, eh. Kahit man lang sa hirap ng buhay ng probinsya ko mapagbayaran yung mga nagawa kong kasalanan sa kanila."

"Ano ba talaga kasi yung ginawa mo anak? Masyado bang malaki? Atsaka, bat mo tinatakasan yung buhay mo dito? Paano nalang yung business mo? Paano nalang si Kent? Akala ko ba nagkakamabutihan na kayo?"

"Saka ko na lang po ikwekwento ma. Atsaka wag po kayong mag-alala ni papa. Nasabihan ko na po si Cess tungkol sa business. Umoo naman po siya..atska yung tungkol sa amin ni Kent, ma. Hindi po totoo yun."

"Oh, sige, nak, ginagalang ko yung desisyon mo. Matanda ka na. Pero wag kang mag-alala, tutulong na lang din ako kay Cess para di siya mahirapan. Pero sana tandaan mo na hindi sulusyonan ng pagtakas ang problema. At tandaan mo ring wala pang taong sumaya na tumakas sa problema."

"Opo..alam ko po yun."  Napayuko nalang ako habang pinupunasan yung luhang nagkakanda hulog mula sa mata ko.

"O, sya. Tumawag ka uli mamaya kapag nakauwi ka na sa bahay nila inang ha? Mag-ingat ka diyan. Wag ka na ring mag-alala sa sasabihin ng papa mo. Ako na ang magpapaliwanag.."

"Opo. Salamat po. Pero ma, may pakiusap po sana ako.."

"Ano yun nak?"

"Kung may magtanong man po sa inyo tungkol sa akin, sana po wag nyo nalang pong sagutin. Wag nyo rin pong sasabihin kung saan ako pumunta."

"Kahit si Kent?"

"Lalo na po si Kent, ma." Sagot ko saka ko pinatay yung tawag.

Kailangan kong maging matapang lalo na ngayon at iiwan ko na ang buhay na nakagisnan ko.

Kailangan kong magpakatatag dahil tiyak kong pagmulat ng mata ko, isang bagong buhay ang papasukin ko. Bagong buhay na walang isang Kent Reign Sylvestre.

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon