KABANATA VI

3K 111 14
                                    

"Hey, pupunta kaming bar nila Kent mamaya, gusto mo bang sumama?"

Halos tumalon yung puso ko nang mabasa ko yung text na ito galing kay Olive. Sa totoo lang hindi ako nagbabar dahil ayokong nalalasing ako. Pero this time, gusto ko munang lumabas sa comfort zone ko.

Gusto ko kasing lasingin yung sarili ko ngayon para magkaroon ako ng pagkakataong ipagtapat lahat ng nararamdaman ko kay Kent. Hindi ko kasi iyon nasabi noong party dahil hindi pumapasok sa sistema ko yung alak. Pero this time, I will make sure na tatagos yung kapangyarihan ng alak sa buto ko. Feeling ko kasi kapag naipagtapat ko na kay Kent yung nararamdaman ko ay mas mapapadali ang pag-momove on ko.

"Hey, are you not going with us? Kung nag-aalangan ka pwede mo namang isama si Cess." Text uli sa akin ni Olive.

"Ahm. Hindi sa nag-aalangan ako. Sadyang Late reply lang. Sige, sure sama ako.. Ahm, text ko lang si Cess kung sasama siya." Reply ko. Ilang minuto din akong naghintay sa reply nya and after a minute ay nakatanggap rin ako ng reply sa kanya.

"Ah, sige. By the way, wag mo ng idala car mo, susunduin ka nalang namin nila Kent sa condo mo. Just prepare. See you. 9:00 pm."

Pagkatapos nun ay tinawagan ko kaagad si Cess. Tinanong ko siya kung pwede ba siyang sumama sa lakad kaso sabi niya overtime daw niya today. Ang hirap talaga kapag hindi mo hawak yung oras mo. Andaming restrictions. Well, thanks to my perks of being the owner. Dahil dun nagiging flexible ako sa mga biglaang event kagaya nito.

Olive is calling..

Napatigil ako sa pagtitig sa sarili kong nakaayos na para sa lakad namin ng bigla kong makita na tumatawag  na si Olive sa cellphone ko. Sinagot ko iyon.

"Hey, andito na kami sa elevator ng Art building. Sa 204 ba yung unit mo?" Tanong ni Olive na sobrang nagpa-panic sa akin.

"P..pupunta kayo dito sa unit ko? T..teka? Paano nyo nalaman yung number ng unit?" Kinakabahan kong tanong.

"Oo. Ahm, uso magtanong sa front desk. Tinanong ni Kent. Makiki-ihi raw siya, eh." Napasapok ako sa noo ko. Gosh! Hindi pwede 'to!

"Ah.. H..hindi pwede!" Sagot ko.

"Ah? Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"W..wala akong cr!"

"Pwede ba naman yun?" Alam kong nakakunot na yung noo niya sa kabilang linya. At alam ko ring hindu siya naniniwala sa mga sinasabi ko.

"Ah.. Eh, ano.. Basta.. Hindi pwede. Nasa ground floor na rin kasi ako." Pagsisinungaling ko. Hindi talaga sila pwedeng pumunta dito, lalo na si Kent dahil malalaman nya kung gaano ako kabaliw sa kanya.

Punong puno lang naman kasi ng naglalakihang picture nya yung dining ko. Kasama na dun yung panakaw kong picture nung minsang nagjojogging siya ng hubad. Andun din yung picture namin nung prom night. Basta marami! Ganun ako kabaliw sa kanya! Actually, sa dining ko talaga nilagay dahil kapag tinatamad akong magluto, tititigan ko lang yung mga pictures niya ay busog na ako.

Okay lang naman sana na makita nya, eh, pero hindi pa ako handa. At wala akong will power na gawin yun ngayon. Gusto ko masabi ito sa kanya mamaya kung saan lasing ako at malakas ang loob. Please not this time. Tss! Sana pala talaga ay tinanggal ko na lahat ng yun after nung party.

Akmang palabas na ako ng unit ko ng biglang bumulaga sa akin yung tatlo. Nakatingin sa akin si Olive, si Zuk. Pati na si Kent. Pulang pula ako. Wala na ata akong takas.

"T..Tara na ba?" Tanong ko.

"I knew it. Wala ka pa talaga sa ground floor." nakakainis na sabi ni Olive. 

"Ahm. Teka, naiihi ako. P..pwede bang maki-ihi?" Tanong ni Kent. Tinitigan ko si Olive. Gusto kong iparating sa kanya yung gusto kong sabihin gamit yung tingin kong may ibig sabihin kaso pati siya ay nakisabay na rin.

"Ahm, ako rin.. Pwede bang maki-inom?" Tanong ni Olive.

"Wala akong tubig. Wala akong Cr." Sabi ko. Saka sila nagtawanan.

"Kung nahihiya ka kasi madumi yung cr mo, okay lang sa akin yun. Hindi ako maarte. Please, paihiin mo na ako. Di na kaya ng pantog ko." Nakatingin sa akin si Kent na para bang tupang nagpa-paawa. Kaya ang ending pinayagan ko na rin siya. Malayo naman sa dining area ko yung Cr, kaya okay pa. Pinayagan ko na din si Olive na uminom dun sa dining ko dahil sobrang pilit niya. Bahala na kung anong makita niya dun. Hindi naman niya siguro sasabihin iyon kay Kent. Dinaldal ko naman si Zuk para hindi na maglibot sa unit ko.

Nung bumalik na yung dalawa kung saan kami nila kami iniwan ni Zuk ay isang ngisi ang natanggap ko kay Olive. Ngising nakakainis. Kainis 'tong tomboy na to! Sarap makeup-an!

"Malinis naman pala yung Cr mo, eh. What wrong? Bakit ayaw mo akong payagan kanina?"

"Ah, w..wala.. Excited kasi ako mag Bar, eh." Pagsisinungaling ko. Iniwanan ko naman ng matalim na tingin si Olive na nagbunga sa kanya ng takot. Kaya yun di na siya nagsalita pa. Ay subukan lang talaga niya! Magiging babae siya ng wala sa oras!

Pagkatapos ng makapagpigil hiningang pangyayari ay tumuloy na kami sa bar gamit ang sasakyan ni Olive. Gusto pa ni Kent na siya nalang ang magdrive kaso baka matagalan pa raw kami bago makapunta dun. Si Olive lang kasi ang nakakaalam nung lugar.

Nang pumasok kami sa bar ay tumambad sa akin ang isang matao at makabasag eardrums na lugar. Naaalala ko tuloy si Cess dahil dito. Kasing lakas kasi ng bunganga niya yung speaker. Sana sumama na lang siya. Eto na sana yung pagkakataon niyang maka-reunion yung mga kamag-anak niya.

"Dun tayo." Turo ni Olive sa dulo kung saan may isang table doon na walang tao.

Sumunod naman ako sa kanila, nasa huli ako. Nasa-unahan si Olive. At yung dalawang magsyota naman ay nasa harapan ko. Magkahawak sila ng kamay. Pinagtitinginan sila ng mga tao, actually, pero mukhang namaster na nila ang art of dedma kaya parang wala nalang iyon sa kanila.

"Anong sa inyo?" Tanong ni Olive na mukhang lagi dito. Halatang sanay na siya eh.

"Hard." Sagot ni Kent. Binulungan pa ni Kent si Zuk saka siya uli nagsalita. "Dalawang hard pala." Sabi nito.

"Ahm.. Ako rin Hard." Sabi ko. Napatingin sa akin si Kent at si Olive. Di yata makapaniwala sa sinabi ko.

"Are you sure? Magha-hard ka na agad? Pwede namang mild muna, o kaya citrus juice." Tanong ni Olive. Baliw din talaga itong tomboy na ito, eh! Magtatanong ng kung anong gusto pero hindi naman susundin.

"Hard. Dont worry, kaya ko ang sarili ko." sagot ko.

"Okay." Sabi ni Olive saka siya lumapit dun sa bartender. Naiwan tuloy kaming tatlo sa upuan. Ang awkward lang. Kasi naman yung dalawang love birds na katabi ko ay nagtutukaan ng birds ay este nag-uusap ng alien language. Meaning, sila lang nagkakainitindihan.

Kawawa naman is me.

Pinagkaitan na nga ng isang Kent Reign Sylvestre. Pinagkaitan pa ng kausap. Im so lonely na talaga. Or should I say Im alone? Yes, this word perfectly describe my soul right now.

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon