KABANATA XXV

2.4K 66 5
                                    


"Sorry. But I can't answer that question for now. If you wont mind, please give me more time to think." Sagot ni Kent.

Napatingin pa siya sa mata ko nga para bang may gusto siyang sabihin na hindi ko alam. Bat parang may nasesense akong kakaiba? Mas lalo tuloy akonguly naguluhan. What's happening?

"Oh, sorry. My bad. Ahm, ito na lang.a Letq's change the question into more exciting one." Mas lalo tuloy akong kinabahan. Maya-maya pa ay nagpatuloy na yung interviewer sa sasabihin niya.

"Last time may paparazzi na nakakita sa iyo sa Luneta. And according to this paparazzi, may kasama ka raw na babae at mukha ka raw masaya nung kasama mo siya. So, this is the question, sino siya sa buhay mo?"

My jaw dropped when I heard the question. Ako yung babaeng binabanggit nung interviewer. Kumuyom yung kamao ko. The hell. May nakakita pala sa amin nun? Parang pinagsisisihan ko tuloy nq dinala ko pa siya dun.

Gusto ko ng umiyak. I know Kent will deny my existence. At ayokong marinig sa kanya iyon. Tatayo na sana ako para umalis kaso hinigpitan pa ni tita yung kamay ko. Mukhang na sense na niya na gusto kong umalis. Please tita, paalisin mo na ako.

"Please stay, Hija. You'll not regret this." Napatingin na lang ako sa sinabi ni tita. Hindi ko alam yung gusto niyang sabihin pero alam kong may gusto siyang iparating. At malalaman ko lang kung maghintay ako dito.

Maybe, tita's right. Ill not regret kung marinig ko mismo sa bibig niyang dinedeny ako. Narealize ko, mas maganda nang ideny ako ni Kent sa lahat. Mas mabuti nang sabihin niya na hindi niya ako kilala para naman mas madali akong makakamove on kung sakali mang matapos na itong kalokohang ito.

Ang tahimik ng paligid.

Wala akong ibang marinig kundi yung tibok ng puso ko.

Halos lahat kami ay nakatingin kay Kent naghihintay sa sagot niya.

Pero parang hindi niya ata sasagutin yung tanong na iyon.

"Sorry everyone. Kent can't answer that questi.." Napatigil yung manager ni Kent sa pagsasalita nung inagaw ni Kent yung mic sa kanya. What the fuss. Is he going to answer it?

My heart's beating so fast.

Konti na lang maiiyak na ako... Kaunti na lang idedeny na niyang kilala niya ako.

"Yung babaeng tinutukoy nyo..." Kent started...

Tumahimik pa lalo ang paligid.

Sobrang nakakabingi ang katahimikang iyon.

"Yung babaeng tinutukoy nyo... Ay yung babaeng mahal ko."

Halos magsigawan yung mga tao sa loob ng conference hall. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Kumakabog ng sobra yung dibdib ko. I didnt really expect him to answer that. I really thought, idedeny niya ako. Pero bat hindi niya ginawa iyon? Anong dahilan? Bat wala akong maintindihan?

Pero tama ba yung narinig ko? Tama ba yung sinabi niyang mahal niya raw ako?

Pero hindi..

Hindi pwedeng mangyari yun...

Sinabi niya lang yun dahil yun yung pinaniwalaan niya.

Sinabi niya lang yun dahil yun ang akala niya.

"Oh, would you mind to tell us who's the lucky girl?" Napatigil ako sa tanong nung isa sa mga interviewer. Napatitig sa akin si Kent dahilan para umiwas ako sa kanya.

"She's no other than Rio Jimenez. And She's actually here." Biglang nagsilingunan yung mga tao sa loob na para bang hinahanap kung sino man yung babaeng iyon.

Mas nagkagulo pa yung mga tao nung nilapitan ako ni Kent sa audience saka nagsalita. Pinagkaguluhan na kami ng camera ngayon. Alam kong pagkatapos nito, kalat na ito sa news.

"Everyone. Siya yung babaeng gusto kong pakasalan. Wala ng iba." Pagpapatuloy niya.

Ewan ko kung matutuwa ba ako sa sagot niyang iyon o maguguluhan pa lalo.

Wala kasi akong maintinidihan sa nangyayari. Ang pinagtataka ko pa ay bakit iniwasang sagutin ni Kent yung tanong sa kanya tungkol kay Zuk kanina.

May alam ba siya tungkol dun?

Kung meron man. Kelan pa? At bakit niya itinago iyon sa akin?

Nagkakagulo na ang press. Na-corner na nila kaming dalawa ni Kent sa gitna.

"So, paano na si Zuk Williams ngayon..." One interviewer tried to asked Kent pero he didnt get a single answer from him.

Hindi ko alam kung anong takbo ng utak ngayon ni Kent. Bakit ba ayaw niyang sagutin iyon? Bat ba hindi man lang siya magtaka kung sino yung Zuk Williams na tinutukoy ng lahat? May alam ba talaga siya?

Hinawakan ni Kent yung kamay ko. Mahigpit na mahigpit. Binulungan pa niya ako na tatakas raw kaming dalawa. Pagbilang raw niya ng tatlo, tatakbo na kami. Tumango na lang ako dahil gusto ko na ring makaalis dito. Gusto kong maipaliwanag na sa akin ni Kent ang lahat. Gusto ko na ring sabihin kay Kent lahat ng gusto kong sabihin.

"Isa." Bulong niya.

"Dalawa.."

"Tatlo.." Akmang tatakbo na kami nung bigla siyang bumunggo sa mga taong nakaharang sa amin. And with that. He passed out.

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon