KABANATA VII

2.9K 95 16
                                    

Ang tanging goal ko ngayong gabi ay ang magpakalasing para masabi ko na nang tuluyan lahat kay Kent. At mukhang konting konti na lang ay maa-achieve ko na iyon. Medyo tipsy na kasi ako. Halos apat na baso na yata yung nainom ko mula kanina.

Napatingin ako sa paligid ko. Nagtatawanan yung tatlong kasama ko sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman kasi ako nakafocus sa usapan nila dahil nakatitig lang ako sa dance floor. Parang may nagtutulak kasi sa akin na sumayaw. Actually may nagyaya sa akin kanina kaso tinanggihan ko. Hindi kasi ako sanay makipagsayaw sa hindi ko kilala.  Huling sayaw ko nga yata ay nung prom night pa, eh. At kung sinuswerte nga naman, si Kent pa yung nakasayaw ko nun sa kantang Be my lady ni Jason Dy.


Ewan ko pero, basta naririnig ko yung kantang yun. Nagbabalik lahat ng masayang ala-ala ko nung gabing mahawakan ni kent yung kamay ko at bewang ko. Tapos yung mga titig niyang nakakawala sa sarili. Ugh, I miss the old times. I miss the old Kent Reign Sylvestre.

Maya-maya'y napatigil ako sa pagbabaliktanaw ko nung biglang may lumapit sa upuan namin. Grupo yun ng mga babaeng nakasuot ng maiikling shorts at crop top. Grabe! Halos lumuwa na yung dapat lumuwa sa kanila!

"Hey, wanna dance?" Narinig kong sabi nung babae na leader ata nung grupo. Nakatingin siya kay Kent. Nilingon ko naman si Kent tapos nakita kong may binulong siya kay Zuk. Nagpaalam yata kay Zuk. Ang expected kong sagot niya sa mga babae ay  pass pero nagulat ako nung tumango tango si Zuk na para bang okay lang na makisayaw si Kent sa iba. Maya-maya pa ay sumama na si Kent dun sa mga babae at nagsayaw na dun sa dancefloor.

"Hey? What did you just do?" Nakatingin ako kay Zuk. Dinuduro duro ko siya.

"Huh?" Blangko yung mukha ni Zuk na nakatingin sa akin.

"You're Crazy fuck*ng idiot! Why did you let him dance with those bitches. Are you not aftraid that they might steal Kent from you?" Galit kong tanong sa kanya.

"Na ah! Not a big deal. They're just going to dance. Haha Nothing more. Nothing less." Ngumisi pa ang ga*o saka niya nilagok yung alak sa baso niya. Ganoon ba sa ibang bansa? Okay lang na inaagaw ng iba sa kanila yung fiancé nila? Pwes sa akin hindi.

"Not good. I'll get Kent from them!" Sagot ko saka ko nilagok sa isahang inuman yung basong may kalahating alak. Tatayo na sana ako para kunin si Kent sa mga babaeng kasayaw niya sa dancefloor kaso hinawakan ni Olive yung braso ko.

"Anong gagawin mo." Tanong niya sa akin. Nginisian ko siya.

"Kukunin ko si Kent. Di pwede yun para sa akin!" Sabi ko.

"Woah! Mas selosa pa kesa sa fiancé, ah?" Natatawang sagot nito.

"Hindi ako nagseselos." Sagot ko. Medyo sumisipa na sa kalamnan ko yung alak. Ramdam ko na. Umaabot na sa 100 % ang confidence ko.

"Kung hindi ka nagseselos, eh, anong ginagawa mo?" Tanong niya na nakataas yung isang kilay sa akin. Napasulyap pa ako kay Zuk na parang walang pakeelam sa nangyayari.

"Eh, di ginagawa ko yung tama! Please, Olive wag ka na munang maekelam. Akin na muna tong gabing to." Sabi ko saka niya binitawan yung braso ko.

Hirap man sa paglalakad ay nagawa ko pa ring puntahan si Kent sa gitna ng sayawan, napaawang nalang ako sa nakita ko na hinahalikan na nung babaeng lider si Kent sa leeg, nakakapagtaka lang dahil hindi umaalma si Kent sa ginawa nung bitch na yun sa kanya gayong may fiancé na siya. Dahil sa nakita ko ay hindi na ako nag-atubiling hilain si Kent sa gitna ng dance floor, umalma pa yung mga kasayaw niya na halos hubaran na si Kent pero pinandilatan ko lang sila. Wala naman silang nagawa. Nagtataka din si Kent kung bat ko siya hinila.

"Anong problema? Bat mo ko hinila? Uuwi na ba tayo?" Tanong niya habang hinihila ko siya papunta sa dati niyang upuan. Tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

"Gwapo ka nga pero tanga ka naman , di mo alam yung problema?! Sh*t ka palang! " Napa-awang yung bibig niya nung sabihin ko iyon. Si Zuk ay walang reaksyon. Di kasi siya nakakaintindi ng tagalog. Gusto pa akong pigilan ni Olive pero tinignan ko siya ng matalim. Back off, Olive. Akin na muna itong gabing ito.

"Teka, ano bang problema mo?" Nagtataka na yung boses niya. Nakatingin siya sa akin as if gusto niya talagang malaman yung problema ko. Dinuro duro ko siya.

"Ikaw! Ikaw yung problema ko! Alam mo kung bakit? Kasi ang manhid mo! Alam mo bang ako yung nasasaktan kapag nakikita kitang may ibang kasama? Pero balewala lang sayo iyon!" Sabi ko na naluluha na. Nagtataka na rin si Zuk kasi nasisigawan ko na si Kent. Buti nalang busy yung ibang tao sa sarili nilang business, hindi tuloy nila nakikita yung sigawang nagaganap sa banda namin.

"A..no bang pinagsasabi mo, Rio? Di kita maintindihan?" Nakatingin si Kent sa mata ko. Hinakawan ko yung kwelyo niya, sinubukan pang alisin iyon ni Olive at Zuk pero iwinaksi ko iyon.

"What's happening?" Narinig kong sabi ni Zuk. Hindi ko iyon pinansin.

"Alam mo bang tinanggap ko na ikakasal na kayo ni Zuk? Kasi akala ko mahal na mahal niyo ang isa't isa. Pero kanina nainis ako sayo kasi nakipagsayaw ka sa ibang babae as if na wala ka pang fiancé!"

"Bat ba big deal sa iyo yung pakikipagsayaw ko sa ibang babae? Bat ba napa..."

"Dahil mahal kita! Mahal kita noon pa. Sa sobrang pagmamahal ko sayo, ayoko sanang nakikita kita na inaagaw ng iba dahil nasasaktan ako hindi lang para sa sarili ko, kundi pati sa parte ni Zuk. At sa sobrang pagmamahal ko sayo mas gusto kong sumaya ka na lang sa piling ni Zuk kaysa sa ibang tao!" Halos mapaawang yung bibig ni Kent sa sinabi ko.

"You're crazy. I think you're just drunk." Napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Yes, Im drunk but I'm pretty sure that I'm fully aware of what I am saying right now! H..Hindi naman sa humihingi ako ng pagmamahal ko sa iyo. Ang gusto ko lang sana ay panindigan mo yung pagmamahal mo kay Zuk! Ayokong malaman kung gaano ka karupok sa ibang tao dahil tiyak na masasaktan lang ako kasi narerealize ko na nasasayang lang pala yung pagsasakripisyo ko na tanggapin yung kung ano kayo ni Zuk." Halos takpan na ng mga luha yung mata ko.

"I got your point, Rio. You're just concerned sa kung ano ang meron kami ni Zuk ngayon. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ka ganyan mangelam? Didnt you realized na napapasobra ka na? And didnt you realized na wala kang karapatan na pigilan ako o kami sa mga gusto naming gawin? Ano naman sayo kung makisayaw ako sa iba? Ikaw ba yung tunay na masasaktan? Hindi naman diba? So, please shut your fuck*ng mouth up! I don't care about your feelings!"

Natigilan ako sa mga binitawang salita sa akin ni Kent. Bat parang ako pa yung may kasalanan? ako na nga yung concern sa kanila ni Zuk pero masasakit na mga salita pa yung maririnig ko. Ang unfair lang. Sobrang unfair!

Hindi ko alam kung paano natapos ang gabing iyon. Pagkatapos kasi nang sumbatan namin ni Kent ay wala na akong maalala. As in wala na.

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito sa hospital ngayon, eh. Nagulat na lang ako pag-gising ko, kinakabitan na ako ng dextrose ng nurse sa kamay.

WTF! Anong nangyari?

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon