KABANATA XXII

2.4K 69 5
                                    

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari sa amin ni Kent these past few days. Hindi ko kasi matiyak sa sarili ko kung tama pa na ipagpatuloy ko pa namin yung maling nasimulan namin. Para lang kasi akong nagsusugal sa isang laro na una palang, alam kong talo na ako.

Gusto ko mang tapusin pero hindi ko alam kung paano. Nasasanay na kasi ako sa kanya. Nasasanay na akong kasama siya araw-araw. Parang hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala siya sa tabi ko. Ito na yata yung depinisyon ng salitang selfish. 

"You okay?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Oo, naman. Bat naman hindi." Pagsisinungaling ko dun sa taong dahilan kung bakit ako nagiging selfish ngayon.

"Then eat with me."

"Ha?" Ano daw sabi niya? Kainin ko daw siya? Ay este samahan ko raw siyang kumain?

"Eat with me." Pag uulit niya. Nakangiti pa siyak habang nilalantakan yung bibingka't tahong na niluto ko sa kanya kanina.

"Sorry, I dont eat bibingka and tahong." I shrugged. Napakunot naman siya ng noo.

"Really? Then why did you cooked this two? I thought this was your favorite." I rolled my eyes. Kelan ko pa naging paborito ang sarili kong kalahi? Ay este ang bibingka't tahong?

"Ah, eh, that's not my favorite. It's actually your's. Paborito mo yan noon pa." I lied again.

"Really? Well, it's delicious, huh!" Natuwa naman ako dahil nasarapan siya sa bibingka't tahong na niluto ko.

"Mas masarap ba sa hotdog?"

"Ha?"

"Wala, wala." I replied.

Shocks! Ano ba yung mga tinatanong ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako napaparanoid ng ganito. Wala naman siguro talagang kinalaman ang hotdog sa pagbabago niya ng gender identity 'di ba?

Speaking of hotdog ay este of gender identity. May nabasa ako tungkol dun kahapon nung magkaroon ako ng free time sa shop.

Ayon kay kumareng Google, ang gender identity raw hindi isang sakit, ofcourse, kundi isang 'choice' na anytime pwedeng magbago.

Yes, pwede raw magbago ang gender identity ng isang tao kahit na napagdaanan na nito ang puberty stage. Ayon din kay mareng Google, maraming factor daw ang pwedeng i-consider para mabago ang gender identity ng isang tao. Kasama na dun ang attachment, curiosity, interes, mga bagong kaibigan, lugar na pinupuntahan at mga biglaang pangyayari kagaya ng break-up at aksidente na maaring humantong sa pagkalimot o amnesia.

Well, sa case ni Kent, tatlo sa factors ang sure kong naranasan na niya. Una, yung pagpunta niya sa ibang lugar. Pangalawa, yung break-up niya with his ex. At pangatlo, yung accident na nangyari sa amin last time.

So, what's the point of gathering these informations? Wala naman. Wala lang. Gusto ko lang malaman kung sa anong case kabilang si Kent.

"Bes!! Kamusta na, long time no see." Napaigtad ako sa lakas ng boses ng walang iba kundi ng kaibigan kong walking speaker. Shet na malagket! Bat siya andito? Baka Makikita niya si Kent!

"Cess." Halos manlaki yung mata ko.

"Oh, babe, who is she?" Tanong ni Kent. Nakita ko yung reaction ni Cess nung makita niya si Kent. Purely nagtataka.

"Ha? Kayo na? Kelan pa?" Kitang kita ko yung pagtataka ni Cess.

"Last 5 year's ago. Right, babe?" Halos lumabas yung mata ni Cess nung marinig niya yung sagot ni Kent. Napaawang pa siya ng bibig nung makita niyang inakbayan ako ni Kent.

"Y..Yeah." Napilitan kong sagot. Tinitigan ko si Cess na para bang may gusto akong iparating sa kanya.

"I thought, she's your friend? Why she doesnt even know me or even know one hint about us?" Sa, totoo lang Kent, wala talagang 'us'. Realtalk yan!

"Ah.. M..Matagal kasi siyang nawala. Ah, eh.G..galing kasi siyang England. 'Di ba Cess?" Nilakihan ko ng mata yung kaibigan ko. Buti nalang ay tumango siya.

Pagkatapos nung intense na usapan na iyon ay nagpaalam muna ako kay Kent na maguusap muna kami ng 'balik bayan' kong kaibigan. Oo, kailangan talaga naming mag-usap ni Cess.

Nung makalabas kami nung shop ay pinanlakihan ako ng mata ni Cess. Inexpect ko na iyon.

"Hindi ako informed, beh ha?. Galing pala akong England." Hinarap ko siya saka ko hinawakan yung kamay niya. I need to explain the fire bago pa matupok lahat ng dapat matupok.

"Beh.." Nag-make face ako. That was the first time I called her 'beh', siya lang kasi palagi yung nagtatawag saming dalawa nung ganong tawagan.

"Anong mukha yan. Wag mo akong iiyakan." I was about to cry pero pinigilan niya ako.

"Paano ko ba sisimulan, 'to?"

"Simulan mo una."

"Hindi ko alam, paano ba simulan sa una."

"Hindi ko rin alam. Ikaw lang nakakaalam ng kwento sa ating dalawa." She said. Walang lumabas sa bibig ko. Sa halip ay pinagpatuloy ko yung namuong emosyon sa mata ko.

"Umiiyak ka na. Naturally, ginagawa lang yan ng taong nakagawa ng kasalanan. What makes you guilty? Or should I rephrase my question into Who makes you guilty?" Sabi niya. Alam kong may kaunting idea na siya sa mga nangyayari.

"Kelan pa naging kayo nung baklang yun?" She's mean. And I hate it dahil tinawag niyang bakla si Kent. Pero hindi nga ba? Reality hurts, Rio. Bakla yung minamahal mo.

"Walang kami, Cess." Sabi ko. Kumunot naman yung noo niya.

"Paanong walang kayo, eh, tinawag kang babe nung tao? Dont tell me, pagkatapos ng aksidente ay nagpapalit ka na bigla ng pangalan sa birth certificate mo? So, ikaw na pala si Babe Jimenez ngayon? Gigil mo si aqoeh, beh, magtapat ka nga!"

"Totoo yung sinabi ko, wala talagang kami. Yun lang yung buong akala niya." I said pero mukhang wala pa rin siyang maintindihan.

"Naalala mo ba nung nadisgrasiya kami?" I asked. Then she nodded in reply.

"Nagkaroon ng surgery sa ulo ni Kent. At epekto ng surgery na yun ang amnesia. Na-amnesia siya. Wala siyang maalala at all."

"So, ginamit mo yung kahinaan niya para magpanggap na girlfriend nya for five years?" Natigil ako sa sinabi niyang iyon.

"Hindi. Mali yung iniisip mo. Hindi ako yung nagpanggap. Si tita, yung mama ni Kent. Hindi kasi niya matanggap na nagkagusto sa lalaki yung anak niya kaya pinagpanggap niya ako. Nagbabaka sakali kasi siya na kapag nagpanggap ako bilang girlfriend ng anak niya, baka mabago ko yung damdamin ni Kent sa same sex." Kahit na naiiyak ako, I still managed to explain what's behind the story.

"Pumayag ka naman? Ginusto mo naman. Gosh, Rio, maling mali ka sa ginawa mo. Alam mo yun? Paano kung biglang makaalala si Kent? Paano kung iwan ka niya? Paano kung masaktan ka? Alam mo, ang tanga tanga mo!"

"Alam ko. At tanggap ko yun. Ginusto ko to, Cess. " hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Marahil, yun talaga ang laman ng puso ko sa ngayon.

"Hindi ganyan yung Riong nakilala ko 8 year's ago." Sabi niya.

Then she walked out. Naiwan tuloy akong tumatangis.

Ba't ba hindi niya maintindihan yung nararamdaman ko? Bat ba hindi na lang niya suportahan kung anong gusto ko?

Gusto ko lang namang magmahal at makaramdam ng pagmamahal sa taong minsan ko ng pinangarap, ah? Masama ba iyon?

Atsaka ano bang pakeelam niya kung masaktan man ako sa huli? Ako naman ang makakaranas nun, eh. Hindi ibang tao. Hindi siya. Ako lang.

Nang matapos akong iwan ni Cess ay bumalik ako sa loob, lumapit ako kay Kent saka ko siya niyakap ng mahigpit.

Tinatanong pa niya kung bakit raw ako umiiyak, inaway raw ba ako ni Cess pero ang sabi ko na lang ay "Dahil narealized kong sobrang mahal na mahal pala kita."

Then after that. We kissed.

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon