Papasikat na si haring araw nang magising ako nung araw na iyon. Mukhang napasarap yung pagtulog ko sa sobrang pagod ko kakahanap kay Kent kagabi. Nag-inat inat pa ako bago tuluyang umupo.
Kinusot-kusot ko yung mata ko saka ko ibinaling yung tingin ko sa kabilang kama kung saan nakahiga si Kent kagabi lara sana batiin siya ng goodmorning. Pero nagtaka na lang ako nung hindi ko siya makita dun. Umalis na naman ba siya? Saan naman kaya siya nagpunta?
Hindi masyadong malawak yung kwarto namin kaya naikot agad ng mata ko yung buong paligid. Hindi ko siya makita. Nagsimula na naman tuloy akong kabahan. Buti na lang ay bigla akong may narinig na ingay mula dun sa Cr. Nawala yung kaba ko. Feeling ko andun siya.
"Kent, nandyan ka ba sa loob?" Kinatok ko yung Cr. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko pa tinanong kung nasa loob ba siya, eh, obvious na obvious naman. Tss. Napaparanoid na yata talaga ako.
"Yeah. You wanna join me here?" Halos mamula ako nung sabihin niya iyon.
"Bilisan mo na diyan. Uuwi na tayong Tagaytay." Sabi ko na kunwari'y naiinis.
"Ayoko pang umuwi." Sigaw naman niya. Nag-echo tuloy yung boses niya sa sobrang lakas.
"Hindi pwede. Papasok pa ako sa shop." Sigaw ko.
"Wag ka nang pumasok. Di ba ikaw naman may-ari nun?" Ay talagang sinulsulan pa niya ako?
"Hindi pwede. Atsaka 'di ba monday ngayon? Baka hanapin ka ng manager mo." Sagot ko.
"Okay lang na siya ang mahirapang maghanap sa akin, wag lang ikaw." Nagulat na lang ako nung biglang buksan ni Kent yung pinto ng Cr. Bumulaga tuloy sa harap ko yung katawan niyang nakatapis lang. Gosh. Ang sarap kurot-kurotin nung abs niya.
"Hey, you look startled. Do you like my body?"
My head nodded involuntarily. What the fuss! Bat ako tumango?
"Ikaw, huh!" Nakangisi siya. That evil smile again!
"Ha?" Napalunok na lang ako. Shet! Nakakahiya!
He's making me sick talaga. Nag-biglang iwas tuloy ako ng tingin. kunwari, wala akong nakitang sparkling abs, well defined muscles, at v-line.
"Seriously, the way you look at me or should I say at my abs is as scary as hell. You're creepy babe, huh!" Sobrang pula na ng pisngi ko. Kailangan pa ba niyang i-emphasize pa yun?
"Tss! Magdamit ka na nga. Ang halay mo." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya. Nagsisimula na siyang tumawa.
"Sus! Ang halay ko daw pero kung makatingin sa katawan ko, wagas!" Tss. Pinaparinggan ba niya ako?
"Magdamit ka na nga." Paguulit ko. Naramdaman ko siyang palapit sa akin kaya tumili ako saka ko tinakpan ng unan yung mukha ko.
"Don't be shy, babe. Hindi naman kita pipigilang hawakan yung abs ko, eh." He said."Sayong sayo lang 'to." Gusto kong kilabutan sa mga pinagsasabi niya. He's seducing me already. Ayokong bumigay.
"Magdamit ka na nga, sige ka. Di kita papansinin buong araw." Banta ko.
"Really?" He replied. Shocks! He's really freaking me out!
"Isa." I said in a loud voice.
"Dalawa..." Bumulong siya sa tenga ko. What the fuss nasa tabi ko na siya. Mas lalo kong ibinaon yung mukha ko sa unan. Gosh, I can't Kent.
Wala ba talaga siyang balak tumigil? Mas umakyat pa tuloy yung dugo sa pisngi ko nung maramdaman kong may daliring nagtatravel sa kamay ko pataas hanggang dun sa balikat ko. His hands. His hands! What the fuss is he doing?
"sisigaw ako." I shouted. I think, maiiyak na ako.
"Sure, Babe. Sigaw ka lang hanggang wala ka ng boses.." What? Is he going to rape me? Oh, no! Ayoko pang mabuntis!
"Kent please... Wag." Sabi ko na akmang iiyak na. Nung wala na akong marinig na panunuya mula kay Kent ay unti-unti kong iniangat yung ulo ko. Nagulat nalang ako nung wala na pala siya sa tabi ko. Inikot ko pa yung mata ko. And there, nasa likod ko na siya. He's laughfing. And shet! Nakadamit na pala siya!
"You're so funny, babe. Hahahaha did I scare you a lot?" Sabi niya. Di ko nalang namalayan humihikbi na pala ako. Nagbago naman bigla yung facial expression ng mukha niya. Kung kanina ay tumatawa siya, ngayon naman ay he looks alarmed. Lumapit pa siya sa akin.
"Sorry. I didnt mean to scare you. It's just a prank. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo, eh. I respect you and your decisions as well. If you want to marry me first, before doing that. Okay, I'll wait. I can wait, Rio." What's the reason of my crying? Am I really scared na baka may mangyari sa amin? Or sadyang takot lang ako sa idea na baka may mabuo sa amin pero at the end of the day baka iwan niya lang ako.
"Tahan na.. Tahan na." He hugged me. And then kissed me on my forehead. And that's it. Isang halik niya lang sa akin. Isang yakap niya lang sa akin, nawala na naman yung takot ko.
---
"But babe, uuwi na ba talaga tayo?" Nasa kotse na kami ngayon. Napalingon ako sa kanya. He's acting like a child again. Nagpapaawa siya. Feeling naman niya, maawa ako sa kanya. Sa lahat ng pang-aasar na ginawa nya kanina sa tingin niya maawa ako sa kanya?
"Oo. Kailangan na nating umuwi." Sabi ko pero umalma uli siya.
"Please?" He said in a pouty lips. Okay, Im out again!
"Okay, sige. Babalik tayo dun pero saglit lang ha?" Sabi ko. Tumango naman siya. Then ganun nga yung ginawa namin. Bumalik kami dun sa Luneta.
"Ano bang pumasok sa isip mo kung bakit gusto mong bumalik dito?" Tanong ko sa kanya kaso nginitian lang niya ako. Secret daw muna. Nagpalakad lakad pa kami. Nasa unahan ko siya. Mamaya pa ay nakarating kami dun sa fountain kung saan siya nawala at saan ko siya nahanap.
"Oh, anong ginagawa natin dito? Balak mo bang panoorin uli yan? Wag mo sabihing gusto mong hintaying gumabi.." Hindi ko na naituloy yung gusto kong sabihin dahil tinakpan niya yung bibig ko gamit nung daliri niya.
"Ssh. I just want us to have a picture here." Sabi niya. Napatango na lang ako sa sinabi niya. Like what? Gusto niyang magkaroon kami ng picture sa tapat ng fountain? For what?
"Remembrance.. Gusto kong magkaroon tayo ng remembrance dito." He said. Napatigil ako sa sinabi niya. He's really a romantic partner. Ang swerte ni Zuk sa kanya.
*Click!
I thought, one picture was already enough to satisfy what he wants. Kaso nakailang pose na yata kami mula kanina pero hanggang ngayon di pa rin kami natatapos. Naaawa na tuloy ako bigla dun kay kuyang Guard, mukhang naaabala na namin siya.
Buti nalang after 15 minutes, natapos rin kami. Atlast! Pero akala ko nung matapos yun ay pwede ko na siyang ayain umuwi, kaso humirit pa siya ng isa. Gusto niya raw kumain uli dun sa karinderyang kinainan namin kahapon. Pinagbigyan ko naman siya para matapos na. kaya naman andito kami ngayon sa Karinderya. Kagaya kahapon, pinagtitinginan na naman nila kami. Or should I say, si Kent lang yung pinagtitinginan sa aming dalawa.
"Ikaw na lang ang kumain, bilisan mo ha? Tatawagan ko lang si Nina para ipaalam na male-late ako." Sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin pagkatapos nun ay kinontact ko na si Nina para ipaalam yung gusto kong sabihin.
Nung matapos yung usapan namin ni Nina ay binalikan ko ng tingin si Kent na busyng busy sa pagkain. Napaawang pa yung bibig ko nung makita ko kung ano yung kinakain niya.
"H..Hotdog?" Halos pagpawisan ako nung makita kong may apat na stick ng hotdog sa kaliwang kamay niya. Actually, lima yun pero nilalantakan na niya yung isa.
"Yeah. Ansarap pala nito. Simula ngayon paborito ko na ito." Sabi niya sabay alok sa akin nung isa. Napaling na lang tuloy ako.
Kahit pala na-amnesia na siya, hotdog pa rin ang paborito niyang pagkain.
Kakabahan na ba ako nito? Tss! Makapagluto nga ulit ng bibingka't tahong!
Pero seriously, ano bang meron sa hotdog at nagustuhan niya iyon?
BINABASA MO ANG
He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)
RomanceKapag ba ang isang bakla na-amnesia, ma-aalala pa rin ba nyang bakla siya dati? Sana hindi." Yan ang isa sa mga katanungan at kahilingan ng babaeng hopeless na si Rio Andrea Jimenes sa mga kaibigan niya. Ultimate crush kasi nito ang gwapong may abs...