KABANATA I

4.9K 123 22
                                    

Dahil sa sobrang kasabikan ko sa binalita ng kaibigan ko,napastalk ako sa mga social media account niya. Inuna ko ang facebook kaso hindi siya masyadong active 'dun. Sinunod ko naman yung twitter niya kaso May 2017 pa nung last na nagtweet siya, mag No-november na. Hinuli ko ang Instagram. And shoot!

Hawak-hawak ko ang cellphone ko habang ini-istalk ko si Kent sa Instagram account nya na umaabot ang followers sa hundred thousands.

Akala ko dito lang siya sa Pinas kilalang kilala, pati pala sa ibang bansa.Iba talaga nagagawa ng ka-gwapuhang hindi nakakasawa. Siya na!

Una kong pinansin yung feed nya. Kakaiba. Napakakulay kasi nun medyo taliwas sa personality niyang bad boy.

Sa perspective ko kasi, black ang national color ng mga lalaki lalo na ng mga bad boy at kung hindi naman black, minsan naman grey.

Anyway, sa tagal ba naman ng lalaking ito sa US ay baka nagbago na ang mga pananaw nya sa kulay.

"Ang gwapo't ang yummy niya talaga." Bulong ko sa sarili ko habang ini-scroll ko yung feed nya.

Nakabalandra kasi yung hubad nyang katawan na tanging shorts lang ang suot. Napalunok pa ako. Ugh! Mas sumarap sya. -yan yung perfect term to describe yung oozing sexy body niya.

Charaught! Pero totoo, mas na-define kasi yung maskels nya, v-line and perfect abs. Then yung bulge. Yumm! Gosh, ang nostalgic ng pakiramdam na 'to, parang gantong ganto yung pakiramdam ko nung mga panahong sumisilip lang ako sa bintana habang nag-jojogging siya.

Maya-maya'y napatigil ako sa isang picture sa feed nya. Nalungkot ako bigla. Nasa harap ko kasi yung picture ng dalawang kamay na magkaholding hands.

May Girlfriend na ba siya? Gosh! Hindi pwede! Tinitigan ko yung picture na yun ng maigi. Halatang kamay ni Kent yung isa dun dahil may tattoo na dragon sa finger ring nya, pero ang weird lang nung ka-holding hands niya. Parang kamay rin kasi yun ng lalaki. Ganun ba kamay ng babae sa ibang bansa? Pan-lalaki? Oh, baka naman kamay rin ni Kent yun. Ah, baka nga!

Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-iiscroll ko sa feed nya nang isang picture uli ang bumulaga sa akin.

Gosh, am I really seeing this stuff? Bigla akong kinabahan, napamura tuloy ako sa utak ko. May iniisip kasi yung marumi kong utak na hindi naman kapani-paniwalang bagay. Hindi pwede.

Nang iniscroll ko uli yung feed nya ay isang picture uli ang nagpakita sa akin. Shet! For the second time ay ayaw maniwala ng sarili ko though the two pictures confirmed my agony already! Agony talaga?

Pero totoo ba talaga tong nakikita ko? Nakabalandra kasi sa akin ang dalawang magkaibang picture ni Kent na may.. Shet! I can't say it!

Pero this is the thing. Sa unang picture ay litrato ni Kent nang nakahawak ng placard na may nakasulat na Out and Proud, sa pangalawang picture naman ay litrato nyang may kahalikan. Okay lang sana kung babae, pero grabe! Lalaki rin yung kahalikan nya, sa background nila ay may isang bandila na Rainbow. Alam ko kung ano yun. Flag yun ng LGBTQ! Gosh! Bakla si Kent? Kelan pa? Huhuhu!

Atsaka anyare??

Hindi naman siya ganun nung umalis siya dito sa Pilipinas, ah! Katunayan kahit mabigat sa damdamin ko, andami kong nabalitaan na naging girlfriend niya noon. Atsaka lalaking-lalaki siya kung kumilos, alam ko iyon dahil stalker niya ako. Hindi lang stalker, masugid na stalker!

Naalala ko pa nga nung minsang nakipagbasag ulo siya ng dahil sa babae. Nakakalungkot nga lang dahil hindi ako yung babaeng yun. Pero hindi na iyon yung issue ngayon, ang issue ngayon ay yung pagbabagong gender nya.

Paano na yung pangarap kong makatipan siya kung katulad din naman pala niya yung gusto nyang maging katipan?

Paano na yung mga baka sakali ko na katulad ng kay Rosie at Jacob sa novela ni Jonaxx?

Paano na yung mga baka sakali ko kung napalitan na ng Bakla sakali?

Gosh! I can't, Kent!

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon