KABANATA IX

2.8K 88 1
                                    

Apat na araw na ang nakakalipas simula nung nangyari yung aksidente sa aming apat. At apat na araw na ring unconscious yung tatlo.

Sabi nung doctor sa akin kanina, maaring tatlong buwan raw ang itagal nung tatlo dito sa ospital bago sila tuluyang magkamalay. Buti na nga lang talaga ay nagkamalay na ako. Nababantayan ko tuloy sila ng salitan lalo na kung wala yung mga kamag-anak nila.

Nagpapasalamat rin ako dahil hindi magkamayaw yung suporta ng nakakakilala kay Kent at Zuk.
Hindi naman kasi lingid ang kasikatan nung dalawa especially ni Kent. Kaya naman nung kumalat yung balitang na-aksidente kami ay dagsaan agad yung mga reporter at bisita para sa big scoop tungkol sa nangyari sa dalawang international model.

Maliban sa mga pulis na rumesponde sa amin, isa rin ako sa mga initerview kanina tungkol sa mga nangyari sa aming apat. Dun ko tuloy nalaman na bumangga raw kami sa puno kagaya nung kwento nung pulis na nag-rescue sa amin at dun ko rin nalaman na maaring may kaharaping kaso si Kent kapag hindi pa siya nagising in 15 days. May pinirmahan raw kasing contract si Kent sa isang magazine dito sa Pinas. Though, maari rin namang maareglo dahil hindi naman ginusto ni Kent ang madisgrasiya.

Kagagaling ko lang sa kwarto ni Zuk ng mapagpasyahan kong bantayan si Kent. Hindi kasi ako makalapit sa kwarto niya kanina dahil andaming bisita kaya napagpasya akong si Zuk muna yung bantayan ko. Buti na nga lang ay may taga-bantay na rin si Olive kaya hindi na ako nagkaproblema kung paano ko hahatiin yung atensyon ko sa tatlo.

Sumilip pa ako sa kwarto ni Kent bago ako tuluyang pumasok. Andun yung mama ni Kent na kahapon pang nagbabantay.

"Ikaw pala, hija." Bati ng mama niya. "Kamusta po?" Sagot ko. 'Eto malungkot pa rin. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaganto yung anak ko." Sabi niya na naiiyak.

"Hayaan nyo po, kasama po ako sa mga nagdarasal sa muling paggising niya." Sabi ko.

"Salamat, Hija." Sabi niya saka ko siya niyakap. Buti na lang talaga hindi sarado yung isip ni tita nung sabihin ko yung naging sagutan namin ni Kent bago  nangyari ang lahat.

"Huhupa po ang lahat." Sabi ko pero hindi pa rin naalis yung pag-aalinlangan sa mata niya. Sadyang iba talaga makaramdam ng takot ang mga ina kapag may nangyaring hindi maganda sa mga anak nila. Parang si mama kahapon, nung malaman niyang gising na ako ay todo siya kung makayapos sa akin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil isang buwan na rin yata simula nung di ko sila nakita ni papa. Once a month lang kasi akong bumibisita sa dati naming bahay simula nung naisipan kong mag-condo.

Maya-maya pa ay napatigil ako sa pagda-drama ng mapansin kong hinaplos haplos ni tita si Kent sa mukha.

"Ang gwapo ng anak ko, di ba?" Sabi niya.

"O..Opo, s..sobra po." Sagot ko saka siya napangisi.

"Sayang lang dahil hindi niya pala ako mabibigyan ng apo." Tumawa pa si tita saka tumingin sa akin.

"Pero masaya naman po kayo sa naging desisyon ni Kent, 'di ba tita?" Tanong ko pero nagulat nalang ako nung biglang tumangis yung mama niya. Para bang may kinikimkim iyong sama ng loob.

"Sa totoo lang, ayokong tanggapin dahil mag-isa lang siyang anak ko. At lalaki pa. Ayoko sanang suportahan yung desisyon niya pero anak ko siya, eh. Dun siya masaya. Wala akong magawa kundi ang suportahan siya." Pati ako'y naiiyak na sa mga nalalaman ko.

"K..Kelan po ba nagsimula ang lahat?" Tanong ko. Bumuntong hininga si tita sa tanong ko.

"Sa tingin ko nagsimula lahat nung iniwan siya ni Ariane.." Biglang nanlaki yung mata ko nang marinig ko yung pangalan na binanggit ni tita. A..Ariane? Ariane Velasco? Yung long time girlfriend niya bago siya umalis dito sa pinas?

"S..Siguro po mahal na mahal niya si Ariane.." Hindi siguro. Mahal na mahal niya talaga si Ariane. Kasi naaalala ko pa nung prom night nung tinanggihan niya yung libreng date ng King and Queen of the night nang dahil raw sa girlfriend niya. Nainggit pa nga ako nun, eh, kasi ang swerte swerte nung girlfriend  niya dahil nakakilala siya ng katulad ni Kent.

"Oo. Mahal na mahal niya si Ariane. Katunayan, pinakilala niya sa akin yung babae, eh. Grabe magmahal yang si Reign. Kaya hindi na ako nagtaka nung napagod na siyang magmahal ng babae." Nasaktan ako bigla nung marinig ko yung dahilan kung bakit biglang nagbago yung pananaw niya tungkol sa pagmamahal. Akala ko pa naman na yung pagpunta niya mismo sa ibang bansa ang tanging dahilan kaya nagbago siya pero hindi pala. Oo, may factor din naman yung culture shock pero maliit na porsyento lang yun kumpara sa pag-iwan sa kanya ng hinayupak na Ariane na yun! Kung ako na lang sana yung minahal niya baka ngayon isang dosena na yung anak namin dahil gabi gabi kong ipapa-alala sa kanya kung gaano kasarap ang bibingka't tahong!

"Bat ka ngumingisi, Hija?" Halos mamula ako ng mapatigil ako sa pag iimagine sa maaring kahihinatnan namin ni Kent kung kami ang nagsama ngayon.

"Ah..w..wala po. May naalala lang po ako na nakakatawa." Sagot ko.

"Ah, ganun ba?" Ngumiti si tita."Siya nga pala
Hija, maari bang iwan mo muna kita dito? Uuwi muna ako sa bahay para magdala ng mga kakailanganin dito. Saglit lang ako."

"Ah..s..sige po. Okay lang po. Take your time, tita. Halatang pagod na po kayo, eh." sagot ko naman.

"Ang bait mo talaga bata! Hayaan mo paggising ng anak ko irereto kita." Sabi pa niya sa akin. Natawa tuloy ako.

"Hayaan na lang po natin sila ni Zuk,  tita." Sagot ko saka ngumiti.

"Kunsabagay. Sige, aalis na ako. " sabi niya saka siya tuluyang umalis.

Trenta minutos na ang nakakalipas simula nung umalis si tita dito sa kwarto ni Kent. At halos mag-tetranta minutos na rin akong nakatingin sa mukha ni Kent. Kanina ko pa inisa-isa ko yung facial features niya. Yung iilong niyang matangos. Yung pilik mata niyang mahahaba. Yung makapal niyang kilay. Yung lips niyang natural ang pagkapula. Tapos yung jaw line niyang nagdedefine ng kabuuan nyang mukha. Shet! Ito yung mga dahilan kung bat ko siya napansin, eh. Oo, inaamin ko. Yung pisikal na katangian niya ang una kong napansin. Wala namang masama dun, 'di ba? Kasi kahit pag balik-baliktarin natin ang mundo, yung pisikal na katangian ng isang tao talaga ang unang mapapansin natin.

Napapansin natin sila sa pisikal. Pero mas minamahal natin sila sa sa ugali nilang kamahal-mahal.

Napatigil ako sa pagkatitig sa kanya nung biglang gumalaw yung kamay niya. Nataranta pa ako nung makita kong sumasama na ring gumalaw yung katawan niya. Mukhang nagkakamalay na siya. Nakita kong unti-unti niyang minulat yung mata niya.

"K..Kent." Pagbanggit ko ng pangalan niya. "K..Kent, gising ka na.." Sabi ko nang naiiyak kaso tinitigan niya lang ako. Galit pa rin ba siya?

"K..Kent, sorry sa mga nasabi ko kamakailan." Pagpapaliwanag ko kaso nagwala siya. Mukhang galit nga talaga siya.

"Arrgh." Sigaw niya saka niya hinawakan yung ulo niya. Humahapdi siguro yung tinahi run.

"B..bat ako andito? Anong ginagawa ko dito? A..atsaka s..sino ka?" Halos magpanting yung tenga ko nung marinig ko yung huling sinabi niya. Tinatanong niya kung sino ako? H..Hindi niya ba ako maalala? T..teka?

N..Naamnesia ba siya?

He's My Bading Boyfriend (Book 1) Completed #Wattys2018 (To be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon