CHAPTER 6

4.3K 72 1
                                    

Zhiana's POV

"About your dad..." Psh. That jerk.

"Oh ano namang meron sakanya?" Boring kong saad

"Nakita ko sya......"

Bigla naman akong napatingin sakanya. Ano raw? Nakita raw nya yung papa ko?

"Saan?"takang tanong ko..

"Sa States"

"Kelan pa?" Tanong ko pero hindi ako nakatingin sakanya.. ARGH! basta pag napapagusapan talaga yung papa ko naiiyak na lang talaga ako.. bigla kasing bumabalik yung mga alaala kung pano nya kame iwan ni mama nung araw na yon.

"Last month, bago ako umuwi dito sa pinas" tumango nalang ako bilang sagot sakanya. Hindi parin kasi ako makatingin sakanya baka kase biglang tumulo tong luha ko. Teka? Nakita raw nya si PAPA? sa STATES? wait lang ah, processing..

At pano naman nya makikita si papa? Eh hindi ko nga pinapakita ni isang picture ni papa sakanya eh. Pinagloloko ako netong mokong na toh eh!

Bigla ko syang tiningnan, at aba! Pigil na pigil ang tawa! Pinag hahampas ko nga!

"HOY JHANOS! Pano mo naman makikita si papa eh hindi mo nga alam ang itsura nya?!" Tapos pinag hahampas ko sya! At eto namang mokong na toh tawa lang ki tawa! Napapatawa nalang din ako sa tawa nya.

"Sayang! Gusto sana kitang pa iyakin!" pinag hahampas ko nga sya!

"Hahahahha j-joke lang! Hahaha A-aray! Oo na sorry na!"

"HEH!" Pag tataray ko sakanya.

"Sorry na nga eh! Sorry na po sa baby namen.."pag lalambing nya tapos sinusundot sundot nya yung tagiliran ng bewang ko. Hindi ko tuloy ma iwisang mapangiti.

"H-hep! JHANOS! W-wag! May kiliti ako dyan! Tamo pag hindi ka tumigil k-kili - HAHAHHAHAHAHAHA" pano ba naman kiniliti na nga ako ng tuluyan! Muntik na nga ako mag tumba buti nalang nasambot nya ako agad, umayos na kame ng upo napansin kasi namen na pinag titinginan na kame.

"Ikaw kasi! Ang kulit kulit mo! Ayan tuloy lahat sila napatingin sa atin!" Pa ninisi ko sakanya

"Oh bat ako?" Tanong nya

Inirapan ko nalang sya. Eksakto namang napatigil ang mata ko sa unahan at ayun nakita ko si Dave nakasimangot.

Oh ano namang problema ng lalaking toh?

"Uhhh zhiana alis na ako ha hehe ingat ka sa pag uwi mamaya" tapos niyakap nya ako pag katapos non umalis naren sya. Nakasanayan ko na yung pag yakap yakap nya lalo na pag nakikita ko sya or pag aalis na sya.

Lumakad sya papalapit sa table namin. Ang mata ng mokong na toh galit na galit ah.

"Oh bakit genyan ka makatingin, parang may ninakaw ako sayo ah!"

"Oo yung puso ko." ano raw? Ang hina kase ng boses nya tapos ang bilis pa ng pag kaka salita nya.

"Ano?" Takang tanong ko sakanya

Ang mokong na toh! Inirapan lang ako!

"Ano nanaman yun zhiana, umalis lang ako ng ilang minuto may kasama kanang iba?"

Natahimik ako, hindi ko maiwasang magalit sa sinabi nya. Wow ah! Ang ganda ng line nya don dapat pala yun yung sinabi ko nung nakita ko silang dalwang mag kasama noong araw kung kelan niloko nya ako!

Bumuntong hininga na lang ako.. kelangan mong mag timpi zhiana.. baka ma isumbong ka nyan sa nanay nya.. 

"Uh..." tiningnan ko ang relo ko

"....madami pang oras ang na titira, san mo gustong pumunta?" Tapos nginitian ko sya ng tipid, ayos na toh kesa naman sa nag babangayan kame dito pati kelangan ko ng kumilos bilang maid nya baka mabalitaan pa ni tita na sinisigawan ko sya mapapatalsik ako sa bahay nila ng wala sa oras.

Bored lang nya akong tiningnan. Ang lalaking toh! Nagpapaka baet na nga ako sakanya eh!

"Oh ikaw ang magdala ng bag ko. May kukunin lang ako sa room naten intayin moko doon sa labas. Wag na wag na wag kang aalis don, at wag na wag na wag mong papansinin yung mga taong napansin sayo bale nalang sa akin."

Tapos hinagis nya saken yung bag nya. Abat ang mokong na toh makapag hagis ng bag nya saken wagas muntikan na akong ma tumba ah! Tapos ang bigat bigat pa ng bag nya! May laman ata tong maraming bato eh?! Sarap ihagis pabalik sakanya yung bag nya tapos tumama sa ano nya, Hahahhaha!

Ay! Ano ba naman tong iniisip ko! Masyado ko na atang binubully si dave sa isipan ko.

"Oh pasan ka? Hindi mo ba uubusin itong kinakain mo?" Pano ba naman kase pag ka tapos nyang ihagis yung bag nya nag lakad na agad sya palayo. At eto nanaman sya, bored na tiningnan ako.

"Hindi ba obvious?" Tapos lumakad na ulit sya. Yung lalakeng yun! Hindi nya ba alam na madaming mga bata ang hindi naka-ka- kain tapos sya basta basta nalang nyang iiwan ang plato nyang halos 3 o 4 lang na subo ang nabawas?! Kaya naman kinuha ko yung plato nya tapos pina lagay ko sa tupperware sayang kase ibibigay ko nalang sa pulubi sa labas mamaya..

"TEKA LANG DAVE!" Ang mokong na toh! Hindi man lang akong nagawang lingunin at intayin! Kinawayan nya lang ako habang patuloy parin syang nag lalakad palayo! Abah feeling cool tong unggoy na toh!

Napabuntong hininga nalang ako. Mamaya ko nalang sya susundan dun sa room namen baka kase ma panis itong pagkain natoh. Teka mapapanis ba toh? Napapanis ba toh? Ay ano bayan! Favorite na favorite kong pag kain hindi ko man lang alam kung napapanis o mapapanis. Wait? Parehas lang nmn ang ibigsabihin nun ah? Ma at Na lang ang pinagkaiba. AISH! EWAN KO! Ang gulo ko! Hehehe sorry po!

Nag tatakbo na ako palabas ng gate ng school. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan lang ako ng guard na lumabas eh, ngumiti panga sya saken eh.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate may nakita akong batang pulubi. Lumapit ito sa aken tapos ini aro ang kanyang kamay. Napangiti nalang ako sakanya

"Hi po! Palimot naman po ako kahit pito(piso) lang" ngiti nyang saad pero pag tiningnan mo yung mata nya ma hahalata mong hirap na hirap na sya. Nakakatuwa kasi sahalip na palimos ay palimot at sa halip na piso ay pito.. medyo may problema ata toh sa letrang 's'

Ibinigay ko yung tupperware na may laman na kanin at caldereta binigyan ko ren sya ng plastic na kutsara at tinidor. Kita ko naman na sumaya sya.

"MAH! may kakainin na tayo!" Sigaw nya sa mama nya. Ay ang cute naman! Namiss ko tuloy bigla si mama.

"Thank you po!" Ngiting saad nya tapos nilapitan na nya yung mama nya. Nginitian nalang ako ng mama nya tapos tumango sya. Sign siguro ito sa pasasalamat nya. Nginitian ko nalang silang dalwang mag ina tapos umalis na. Nakuh patay ako netoh kay dave! Baka hinahanap na ako nun.

_____________

"Zhiana" nandito na ako sa hallway at papunta na akong classroom para makita ang nakasimangot na mukha ni dave pero may biglang tumawag saaken kaya naman napalingon ako sa may likod ko. Pero... walang tao, nag simulang manindig ang balahibo ko.

HALA! LORD LORD LORD! i love you so much! Nag simula akong mag dasal. Tapos pinag sign of a cross ko yung mga daliri ko. Juskuh! Juskuh!

Biglang humangin ng malamig, AYOKO NA!

"AHHHHHHHH!!!!!" Tapos tumakbo na ako papunta sa room namen. Eksakto namang lumabas si dave sa pinto kaya na untog ako sa dibdib nya. Muntik na nga akong matumba dun eh buti nalang nasambot nya ako pero mukhang na wala ren sya sa balanse nya.

"Aray." Hilot ko sa likod ng ulo ko. Tumama kase sa bato! Napapikit nalang ako ng mariin sa sakit. Ano ba naman yan! Pero actually kanina pa ako nakapikit simula nung matumba kame. Sino ba naman ang hindi mapapapikit dun!

"Ano ba naman yan zhiana!" Napa mulat naman ako agad. Sheeettt ang lapit nya ah! Aba aber baka may balak kang tumayo. Masyado na syang mabigat ah.

"Ang bigat mo dave." Nahihirapan kong saad sakanya.

Inirapan nya lang ako tapos tumayo na. Ano nanaman bang problema ng mokong na yon? Daig nya pa yung taong mag memenopause eh!

=============
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon