CHAPTER 28

1.1K 32 1
                                    

Zhiana's POV

Nag punta nakami sa lugar kung san kami mag kikita kita ulit. 12:00 am na kasi mga besh! Kain kain rin pag may time! Naabutan namin sila na nag tatawanan.

May bili ngapala akong bracelet para kay papa. Humanap pa ako ng tamang chempo para patagong bumili nun. Baka kasi mag tanong pa si dave kung kanino ko yun ibibigay eh.

"Guys! Tara na kumain?" Tanong ni dave sakanila. Nag si tanguan naman silang lahat. Habang nag lalakad kami papunta sa pag kakainan namin parang may iba? Bat parang feeling ko may nag bago? Ano bayan! Napailing iling naman ako sa naiisiip ko.

Napatigil naman ang mga mata ko kay denise at james.

O_O

HALAAAAA?!!!!! Sila naba agad agad?! Holding hands while walking! Grabe kayapala ang pula pula ni denise! I kinat beleb dessss!!!!!!!!

Napansin nya atang nakatitig ako sakanya kaya napatingin si denise sakin. Binigyan ko sya ng "what the heck is going on?" Look. Nag kibit balikat lang sya sakin tapos tumungo na ulit. NYEMSSSS!!!!!

Nakaratimg na kami sa pag kakainan namin. And i wont deny it! Ang sarap ng pagkain!

"Gutom na gutom ah?" Bulong ni dave sakin sabay tawa! Binatukan ko nga! Makapang galaw toh! Parang hindi sya!

Siniringan ko lang sya tapos kumain na ulit. Tawa lang sya  ng tawa kaya ayan napatawa na din ako! pag katapos namin kumain ay napag desisyunan nanaming mag beach! Yeh beybe!

"HINDI. MO. AALSIN. YAN!" gigil na saad sakin ni dave tapos dinuro duro pa nya yung tshirt na binigay nya sakin. Haynekers. Tumango lang ako tapos sabay sabay na kaming tumakbo ng mga girls sa dagat para mag swimming!

Di nag tagal ay nag swimming narin ang mga lalaki. Sobrang saya ng araw na to! Aahon para kumain tapos lulublob na ulit. Genyan lang kami ng genyan! Ang saya nga eh. Kung ano anong ginagawa namin. Umahon muna kaming mga girls para kumain ng hotdog na iniihaw ni lex.

"Girls kayo muna mag ihaw ah! Swimming lang ako! Bye WOHOOO!!" Sigaw nito saamin tapos tatakbo na sa mga boys na nag swiswimming sa dagat.

Sabay sabay nalang kami napatawa sa ginawa ni lex. Kumuha kami ng upuan tapos bumilog. Habang kumakain ng hotdog ay bilang may nag salita.

"So denise!! Baka may gusto kang i kwento?" Saad ni fiona kay denise. Nag tawanan naman kami tapos sumang ayon sa sinabi ni fiona.

"Ihhhh!!" Sabi ni denise! Jusmeee kinikilig ang luka! Hahahah!

"Gento kasi yan!......" tapos sinimulan na nyang mag kwento.

GRABEHHHHH MALA WATTPAD YUNG AMINAN AH?! HAHAH.

kilig na kilig naman kami habang nag kwekwento si denise! Matagal na palang may gusto si james sakanya! Nakailang hotdog nadin kami. Kada kuha namin ng hotdog nilalagyan ulit namin ng panibago sa ihawan. Ang takaw namin!

"Oh ikaw fiona? Paano naging kayo ni jerome? Yieee!!" Tanong naman ni denise kay fiona! Hahaha! Oo nga naman! Paano ba naging sila. Hindi naman kasi nag kwekwento saamin itong si fiona at yeshal!

"Denise ah! Pero sige i kwekwento ka narin! Alam nyo naman na hilig kong mag paparty sa bar diba?" Tanong ni fiona samin. Nag si tanguan naman kami. Parang alam kona ang mang yayari! Tiningnan ko sila denise at yeshal yung itsura nila parang alam na nila kung anong mangyayari! Napangiti naman ako. Pare parehas lang ata kami ng iniisip.

"Nag kita kayo tapos nalasing ka then may nangyari sainyo genon?" Saad naman ni yeshal na nakapag patawa saming tatlo! Hahaha pare parehas nga kami ng iniisip!

"NO! Matagal ko na syang kilala. Actually matagal nanatin silang kilala. Di ko nga ini expect na makita ko dun si jerome e. As in syalang talaga. Lumapit sya sakin tapos kinausap ako. Naging close kami. Hanggang sa palagi na kaming nag kikita sa bar then one day nag kita ulit kami but i was so shocked nung makita ko syang nasa stage kumakanta pagkatapos nyang kumanta nilapitan nya ako na merong hawak hawak na red rose then he asked me to be his girl likeeee omgggggg ahhhh!!!"

"Ahhhhhhh!!!"" Sabay sabay naming tili grabeehhhhhh. Nakakakilig! Nag si tawanan naman kami tapos tumingin kaming tatlo kay yeshal. Sa tingin palang alam na nya. Hahaha!

"Okay! Its my turn now ha? Ehem! So na sa amin ako nag chichilax lang tapos may nag message sakin. Walang profile! Ang creepy! Tapos yung pangalan nya "Gago Ka" like what the heck?! Nag message sya sakin ng "hi" since hindi naman ako snober nag message back ako. Hangggang sa naging close tapos napag planuhan naming mag meet. Nasa mall ako nun nakain ng ice cream ng biglang may nag takip ng mga mata ko. Tatadyakan kona sana ng bigla syang nag salita. Pag kaharap ko si allen!!!!! Sabi nya sya daw yung chinachat ko!!! AHHHHH kilig na kilig ako nun! Tapos nalaman ko nalang na nakipag usap sya kay mama at papa nagpa alam kung pwede raw manligaw tas yun!" Saad ni yeshal! Umirit ulit kami kasi syempre nakaka kilig! Hahaha! Di ko inaasahan na gagawin yun ni allen!

Bigla silang tumingin sakin. Oh no..

"Zhiana its your turn." Sabi ni denise.

"No way." Patol ko.

"YES WAY!" sabay sabay nilang saad.

"Okay! So......"

Flashback

"Nyetang kalabaw ang initt!!!!!!!" Sigaw ko. Ang init kasi! Bat ba hindi lumalamig sa pilipinas! Jusmiyo naman! Pag naging mayaman nga ako dun na ako titira sa canada!

Yan ka nanaman zhiana! Pano ka yayaman eh wala kapangang nahahanap na trabaho! Yes! Nag hahanap ako ng trabaho. Part time job lang para lang matustusan ko yung school na papasukan ko pati nadin mabayaran yung bahay na nirerentahan ko. Hayyy buhay nga naman!

Nandito ako sa park nag papahangin at nag papatagtag stress. Napag desisyunan kong umalis na at mag gorabels para humanap na ulit ng trabaho. Pawis na pawis nako! Kinuha ko yung pulbo ko tapos pumunta dun sa kotseng naka park.

Natigil ako sa pag pupulo ng biglang bumaba yung window nung kotse. At mas nakakagulat ng may nakita akong napakagwapong nilalang! Ulala! Ang yummy!

"Miss, tanong ko lang ah? Kelan naging salamin ang bintana ng kotse ko?" Ay ang yabang ng kumag na toh ah! Gwapo pa naman sana!

"Bakit bawal bang manalamin sa bintana ng kotse mo? Kasalanan koba kung bakit sobrang tinted niyang bintana mo na halos mukhang salamin na sa pangingin ng mga tao?" Patol ko.

napatawa sya ng konti. "Ang yabang ng babaeng toh." Bulong nya! Ano raw! Sapakin ko yun eh!

"Wala kabang salamin? At talagang kotse ko pa ang naisipan mong pag salaminan ha? Gusto mo bilhan kita ano?" Ang yabang! Pa cool ang kumag na to! Palibhasa mayaman!

"Abah talaga nga naman, napaka simpleng bagay na gagalit ka! Palibhasa mayaman! kung apak apakan ang mga mahihirap syang syana! Yung mga taong katulad mo dapat pinapadala sa mars eh! Yabang!" Saad ko.

"Ang mahal mahal ng kotseng toh tapos pag sasalaminan mo lang?! Gago ka ba?!"

Abat talagang pinupuno ako ng lalaking toh?! Huminga ako ng malalim. Yung mga taong ganyan dapat hindi na pinapatulan zhianaa.... hoooo!!! Nilagyan ko ng pulbo ang aking kamay. Ngumiti ako dun sa lalaki tapos itinapat ko yung kamay ko na merong pulbo at hinipan yun deretsyo sa mata nya sabay takbo.

"YABANG MO! MADOMOT NA NILALANG!" sigaw ko. For sure pakinig nya yun! Napakinig ko panga yung sigaw nya eh. Bumusina sya ng sunod sunod kaya napatawa ako. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa napatigil ako sa jollibee. Hayyy nakakagutom!

Flashback end.

"Yun ang una naming pag kikita." Saad ko. Tawa lang sila ng tawa. Pati ako napapatawa sa ginawa ko nun. Juskuhhhh!!

"Grabeh ang lakas mo girl!!!" Saad ni yeshal kaya nag tawanan ulit kami.

"Okay continue!" Saad naman ni denise na natatawa pa ng konti. Nakakatuwa kasi parang interesadong interesado sila.
==========
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon