CHAPTER 25

1.2K 28 2
                                    

A/N

Thank you po dahil naka abot ng 41k reads! Maraming naraming salamat po. \( ö )/ (≧ω≦)

Zhiana's POV

"Dave alis na ako ah? Babyeee!! " saad ko tapos kiniss yung cheeks nya. Hanggang ngayon wala paring alam si dave. Saan ako pupunta ngayon? Sa bahay ni papa. Gusto ko sanang mag sorry dahil sa attitude na pinakita ko sakanya kahapon. Pati nag luto din ako ng adobo dahil yun ang favorite ni papa. Hindi ko pala nasabi sainyo na dalwang linggo kaming walang pasok. Wag nyo na itanong sakin kung bakit kasi hindi ko rin alam. Basta ang sabi sabi may aayusin daw dun sa school. Ay ewan ko! Hahaha!

Okay fast forward muna natin ah?

Sa wakas nandito nadin ako sa labas ng gate nila papa.

"Tao poo!!! Tao p- ay juskuh ang bobo mo zhiana may door bell naman sigaw ka ng sigaw dyan! " saad ko! Juskuhhhh na luluka na ako!  Nakaka kaba kasi eh you know!  Pinindot kona ng tatlong beses yung door bell at sa wakas may lumabas ng maid sa bahay.

"yes maam? Sino po sila? " saad nung maid.

"uhm.. ako po si zhiana anak po ako ni Fernando Ortega." saad ko.

"ahh kayo pala maam zhiana. Sige po pasok po kayo." saad nung maid. Nag pasalamat naman ako tapos hinatid na nya ako kung nasan si papa.

Pag ka pasok na pag kapasok ko sa office ni papa ay na abutan ko syang nakakunot ang nuo at para bang stress na stress sa mga binabasa nyang mga papeles. Hayyy kawawa naman si papa. Umalis na agad yung maid at isinara ang pintuan na dahilan kung bakit napa tingin si papa sa kinatatayuan ko. Grabhiiiiiii kinakabahan ako.

"HI PAPA!" masiglang tawag ko sakanya. Tila ba nagulat sya hindi na ako nag aksaya pa ng oras. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at mahigpit syang niyakap.

"papa sorry.. Sorry sa mga nasabi ko sainyo kahapon. Sorry po talaga. " saad ko. Niyakap nya ako pabalik at tinapik ang likod ko.

"ayos lang anak. " saad nya. Pinahid ko ang mga luhang nag sisilandasan sa aking pisnge. Umalis na ako sa pag kaka yakap ko sakanya.

"papa may dala akong adobo! Diba favorite nyo toh?" saad ko habang nakangiti.

Ngumiti sya at tumango.

"kain po tayo? Tawagin po natin yung asawa nyo pati yung dalwa nyong anak mas maganda po pag madami tayo. Oh diva pa! Para mas masaya!" saad ko para mapagaan ang loob namin sa isat isa. Napatawa naman si papa. Pumunta na kaming kusina para kumain nandun nadin yung dalwa nilang anak pati yung asawa ni papa.

Bago kami kumain ay nag dasal muna kami ng taimtim. Hayyy nakaka miss naman yung mga genetong eksena. Hindi ko namalayan na habang kumakain pala ako ay panay ang ngiti ko. Jussmeee na babaliw na ata ako! Hahaha! Ang sarap kasi sa feeling na maranasan ulit yung mga genito. Yung mag tatawanan habang kumakain kasama ang buong pamilya. Yung walang katapusang kwentuhan. Feeling ko tuloy isang masayang pamilya kami ngayon.

"anak eto ngapala si nick at nicole. Mga pamangkin sya ni Elizabeth, dito sila nag stay kasi yung parents nila nasa ibang bansa para mag trabaho. " saad ni papa. Ayyyy juskoohh!!! Kala ko panaman anak nila.

Ay oo ngapala! Ang pangalan ng bagong asawa ni papa ay si Elizabeth Ortega. Ang bait bait nya sobra! Kaya nga nalapit agad kami sa isat isa.

"hi!!" saad ko sa dalwang bata. Kumaway lang sila sakin at ngumiti tapos bumalik na ulit sa pagkain. Ang cute cute nila grabehhhh!! Mga matatabang bata! Si nicole 2 years old na samantalang si nick naman ay 3. Ang cute nila parehas tapos ang sweet sweet nila sa isat isa. Minsan nga nakikita ko si nick na pinupunasan yung bibig ni nicole kanina eh. Sobrang sweet hayyy!!! Di ako maka get over graveh lang!  Hahaha

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon