CHAPTER 32

732 18 4
                                    

Gab's POV

Hinampas nya ako paulit ulit. Natatawa nalang ako sa iniisip ng babaitang toh. Jusmiyo! Nakakapang diri ang mga sinasabi nya! Anong panagutan panagutan! Nek nek nya wala namang nangyari samin! Pati

DUHHHH!!!!

mandiri nga sya!

May naisip naman akong kalokohan.

"Ano ba zhiana! Hindi ko naman yan ginusto eh. Inaakit moko ng gabing yon kaya nangyari yun sa ating dalwa! Pasalamat kanga binihisan pakita e! " lalaking lalaking saad ko kay zhiana. Pigil na pigil akong mapatawa sa mukha nya ngayon! Grabeh lang!

Gulat na gulat sya sa sinabi ko. Oh well! Magaling ako umacting eh. Hahaha.

"WALANG HIYA KA!" sigaw ni zhiana sakin.

"joke lang naman besty! Walang nangyari satin noh! Like iwww! So kadiri! Di lang ako sanay na di matulog sa sofa kaya.. No choice kundi tabihan ka sa kama!" saad ko sabay irap.

Zhiana's POV

Kinabahan talaga ako ng bonggang bongga sa pang uuto sakin ni gab! Kala ko talaga may nangyari na samin! Nag suka at nahilo kasi ako kaninang umaga! Plus! Topless pa si gab.

Buti nalang ini explain nya lahat sakin! Yung mahilo daw at mag suka pag katapos mag laklak ng alak ay talang natural lang daw. Tapos yung tungkol sa topless nya sanay na daw syang ganon pag natutulog.

Tawa nga lang ako ng tawa dahil sa ka bobohan ko kanina. Sorry naman first time eh!

"tawa ka ng tawa. Hoy para sabihin ko sayo te! Halatang hindi ka masaya! Nako yang mga mata mo parang any minute iiyak ulit e. " pag tataray nya sakin..


Yung mga peke kong ngiti ay nawala dahil sa sinabi ni gab.

Bat ba ang dami nyang alam tungkol sakin. Nag si patakan nanaman ang mga luha ko. Na alala ko nanaman lahat. Si papa.. Si dave...

Napangisi nalang ako kay gab.


"Thank you Gab. Thank you kasi hindi moko iniwan. Nakinig kasa mga hinanakit ko... Basta thank you talaga! " saad ko at agad na ngumiti kahit alam kong pilit lang naman.

Nag buntong hininga lang sya at hinawakan ang mga kamay ko.


"besty. Lagi mong tatandaan na nandito lang kami sa tabi mo. Hinding hindi ka namin iiwan. Never!" saad nya at may pag irap pa ng konti. Pinilit ko nalang na ngumiti sakanya.


Ilang minuto din ang lumipas naisipan ko nading umalis sa bahay ni gab. Nakakahiya na kasi e, kanina pa akong tambay dun sa bahay nya.

Nag byahe ako papunta sa puntod ni mama. Iniisip ko palang kung paano ko ito sasabihin lahat kay mama, na paaiyak na agad ako.


Nilapag ko ang bulaklak na binili ko para kay mama. Sinindihan kona ang mga kandila. Sinimulan ko nading buksan ang binili kong piatos na mahal na mahal.


Nang mapatingin ako sa lapida ni mama ay agad na akong napaluha. Ang sakit lang isipin na wala na yung mga taong mahal mo. Ang sakit sakit lang na nangungulila ka sa pag mamahal nila. Na ngungulila ka sa presensya nila.


"Ma... Miss na miss na kita. Hindi ko alam kung paano ko ito tatangapin lahat. Ang sakit sakit na e. Sobra. " saad ko. Patuloy na tumutulo ang luha ko habang nakatingin ako sa lapida ni mama. Ayokong umiyak at maging mahina ngayon dahil nasa puntod ako ni mama kaso ang ta traydor ng mga luha at damdamin ko.


I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon