CHAPTER 15

2.8K 77 6
                                    

A/N
Happy 14k THANK YOU PO!
lalo na sa mga silent readers ko na ngayon ay nag cocomment at nag vovote na! Grabeh maraming maraming salamat po! Maraming salamat po sa pag soporta ng story ko!

And! Thank you very much faithcharmzzz sa pag gawa ng cover ko dito sa story ko! 😘

At may idadagdag papo ako!

Sana po bisitahin nyo at basahin nyo ren po ang story na ginawa ng mga kaibigan ko! Magaganda po ang story na ginagawa nila! Sana bisitahin nyo at soportahan nyo ren po!

Puppy Love
By:QueenOfBitchesZXC

Haunted Academy
By:user71545995

Thank you po!🤗😘

Zhiana's POV

Ilang buwan na ang nakalipas pero todo ngiti parin ako, kahit na chi-chismis na ako dito sa school. Pano ba naman araw araw nalang may nakalagay na bouquet at chocolates sa desk ko. JUSKUH! Hindi ko alam kung pano itatago kay dave ang pangingisay ko sa kilig! OA na kung OA pero shettt!!! Ikaw ba naman ang bigyan nya ng genyan araw araw! Ewan ko lang kung hindi kayo mangisay sa kilig! Hahahha

Kumalat ang balibalitang ni lalandi ko nanaman 'daw' si dave. Na napaka walang hiya ko daw at napaka gold digger ko. Sus! Bahala sila dyan, gaya ng sinabi ni dave, wag ko naraw sila pansinin dahil hindi naman daw nila alam ang totoo ang intindihin ko nalang daw ay ang salitang 'ikaw at ako'  AHHHH!!!

Minsan hindi ko na talaga alam kung san kopa ilalagay yung mga bulaklak sa kwarto ko. Pwede na ata akong magbenta ng mga bulaklak sa kadamihan! At yung mga chocolate naman, halos mag ka tonsil na ako kaka kain ng chocolate! Minsan ayaw ko nalang tanggapin yung mga chocolates na binibigay nya pero na iisip ko kung gaano sya nag effort para bilhin yun!

Mga 3 months na ang nakalipas at hindi ko parin sinasagot si dave. OO NA! AKO NA ANG PABEBE! pero may rason naman kung bakit hindi ko pa sya sinasagot. Gusto ko kasing tingnan kung hanggang kelan nya kayang mag tiis at mag hintay para sa matamis kong Oo Hahahaha!

Sa loob ng ilang buwan na pagtapak ko dito sa pa aralang ito ay may mga tao na akong na ka close. Si Gab na pogi, malambing, matalino, matcho, palatawa halos nasa kanya na ata ang lahat eh. Ang swerte ko nga dahil naka close ko sya at naging matalik na kaibigan. Andaming nag kakagusto sakanya dito sa school. Nandidiri naman si Gab sa mga babaeng nagkakagusto sakanya. Duhhh!!! Gab likes PINK! oo pink! PINK! PINK! PINK! And this is my first time to have a gay friend! Ansaya pala nilang kasama!

Pero syempre hindi lang si Gab ang kaibigan ko. Pati narin si Yeshal at Fiona, sila yung tipo ng mga babaeng kada oras ay nag mamake up. Si Denise, sya yung babaeng palagi nalang nag papa cute sa crush nya na si james!

Sa kanilang apat, ang pinaka close ko talaga ay si baklang Gab. Kami lang mag kakatropa ang nakaka alam ng sikreto ni Gab. Hindi alam ng mga istudyante dito sa school na bakla si Gab. Ni si dave ay hindi rin alam yun.

Napabalik naman ako sa huwisyo ng bigla akong itulak ni Gab. nasa canteen kami ngayon nag lulunch. Tahimik akong nakain dito at nag iisip ng kung ano ano tapos bigla bigla akong itutulak ng bakalang Gab natoh!

"Ayan na sya beshieee!!!" Pabulong na saad ni dave. Siguro nakita nanaman nito ang crush nya kaya genyan maka tili! Napansin ko naman ang reaksyon nina yeshal, fiona at denise na literal na naka nganga. Kahit si Gab talagang nakakanga din sya! Ano bang nangyayare sa mga toh! Naka tingin lang sila sa likod ko. Kaya naman napatingin rin ako sa dereksyon kung san sila nakatingin.

at BOOM! nakita ko si dave! Si dave na naka jersey! Medyo basa pa ang buhok nya dahil sa pawis. yung pang itaas nya naman na damit ay ipinapaypay nya sa sarili nya. Kaya ayan tuloy! Sumisilip yung abs nya! (T_T)

Kahit ako ay literal na napa nganga. Pero agad ko naman itong isinarado, baka mapasukan pa ng langaw o baka tumulo pa ang laway ko sa harapan nya. Dyuskuh! Yung iba talaga ay pinag pyepyestahan na ang tingin sa abs nyang sumisilip! BILHAN KITA NG PAMAYPAY DAVE PARA HINDI YANG PANG ITAAS MO ANG IPINAPAYPAY MO SA SARILI MO! AT PARA HINDI NA SUMILIP YUNG ABS MO!

Deretsyo ang tingin nya sa aken. Hindi ko naman namalayan na naka upo napala sya sa tabi ko. Nung nag tama ang paningin namen ay agad ko syang inirapan! Hmp! Bahala sya dyan! Makapag paypay at makapag pasilip ng abs wagas!

Bale nasa gitna ako nina Gab at Dave. Yung tatlong lukaret naman ay nasa tapat namin. Todo ngisi kay dave. (-_-)

Naramdaman ko naman ang pag hawak ng kamay nya sa akin. Hindi yun kita nina Gab kasi nasa ilalim ng table. Hinila ko naman agad kase, ewan ko kinakabahan ako baka kasi may makakita sa amin. Inilagay ko agad ang dalwang kamay ko sa table para hindi na nya ito mahawakan. NOH SYA SINESWERTE! Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na gulat syang nakatingin sa akin tapos bigla syang sumimangot.

Minuto ang lumipas at nakikipag kwentuhan naren ako sa mga katropa ko. Napapahawak naman ako sa braso ni Gab pag nag papatawa sya. Halos maubusan na ako ng hininga kaka tawa dito grabeh! Kung ano ano kasi ang kinekwento nya! Basta nakakatawa talaga sya! Ni hindi ko na nga ren napagtuunan ng pansin si dave. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko ang pag irap nya tuwing mapapahawak ako sa braso ni Gab dahil sa kakatawa.

"Psh. Ang ingay nyo." Bulong ni dave na ikinabigla namin. Sabay sabay kaming napatingin sakanya. Eksakto namang naka tingin sya saken. Bigla nyang kinuha ang bag ko at hinigit ako papa alis don.

"Tsk! May pa hawak hawak braso kapa kay Gab ah! Sabihin mo! May relasyon ba kayo ha! Pinag tataksilan mo na ba ako zhiana ha? Mababaliw ako tuwing tumatawa ka habang hinahawakan ang braso nya! Dapat sakin lang yun! Dapat SAKIN KALANG!"

Okay. Wag kang ngingiti zhiana! Isaksak mo sa utak mo yung pa libreng pasilip abs nya kanina!

"Eh ano naman! Kaibigan ko lang sya dave! Ikaw nga dyang may pa silip abs kanina eh! Pinagpyestahan na ng tingin ng mga babae sa canteen!" Tapos inirapan ko sya. DAPAT LANG YAN SAKANYA! lintik sya!

"Eh dapat sayo lang yun! Hindi ko naman akalain na madaming titingin!" Saad nya tapos sinipa yung maliit na bato malapit sa may sapatos nya. Nag pout sya. SHET WHY SO CUTE!

"Antanong. Ano nga ba ang relasyon nyo ni Gab! Palagi nalang kayong magkasama! Sa halip na pipicturan kita sa malayo palagi nalang sumusulpot si Gab! Lagi nalang si Gab! Gab! Gab! Lintek na Gab yan!" Nakapout parin sya habang sinasabi nya yun. Hinawakan pa nya ang balikat ko at inuga uga.

"Magkaibigan lang kame. Yun lang yun. Hanggang dun lang yun. Akala ko ba ang isipin ko nalang ay yung salitang 'ikaw at ako' ano na nangyare dave? Dapat yung salitang ikaw at ako nalang den ang isipin mo, magtiwala ka saken dave. Ikaw lang at ako. Okay?"

Nakita ko namang namula yung pisnge nya. As in sobrang pula. Magkaparehas na ata kame. Kanina pa ako kinikilig dito! AHHH!!! GRABEH!!!

lalo syang lumapit sakin.

"Ulitin mo nga ulit. Yung ikaw at ako." Nakangiti nyang saad. Feeling ko konting konti nalang sasabog na ako sa kakiligan!

"Ikaw at ako.." saad ko. tumalikod sya bigla. Tapos ginulo gulo nya yung buhok nya namay ngiti sakanyang labi. Grabeh kung hindi mo sya kilala mapagkakamalan mo syang poging baliw. Hahahha

Lumapit sya bigla saken. Hinawakan nya ang pisnge ko.

"Oo zhiana. Ikaw lang at ako." Tapos bigla nya akong niyakap. Shet ramdam na ramdam ang pag bilis ng tibok ng puso namin.

"Sht! Bat mo ba ako pinapakilig!" Tapos tumawa sya at mas lalong hinigpitan ang yakap saken.

=============
Elyssa42

HAPPY HAPPY HAPPY 14K! SAYO ANG PAGKAIN! SAYO ANG INUMIN! HAHAHA 🎉🎉😂😂😂

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon