CHAPTER 13

2.9K 93 8
                                    

A/N

HAPPY 10K GUYS! LOVE YOU ALL! THANKSS!'❤🤗

Zhiana's POV

heto ako nangangatog ang paa habang papalapit sa board kung san nakapaskil kung sino ang mga honor. Dyuskuh lord pleasseeeeee!!

Medyo madaming istudyante, nag tutulakan na nga yung iba para makasiksik lang. Katabi ko parin si dave. Tumikhim lang sya ng konti tapos na agaw na nya lahat ng atensyon ng mga istudyanteng nag kukumpulan sa board. Nag tataka nga ako ng bigla silang tumakbo para umalis don. Tumakbo naman ako agad papalapit sa board para tingnan kung kasali ba ako sa top. Grabeh!!!! Naka-kakaba!

1. ZHIANA KATH ORTEGA

AHHHHH!!!! OMYGHADDDD!!!! Grabeh ang saya ko! Shet!!! Sulit lahat ng pag hihirap ko! Sa sobrang saya ko ay napayakap ako kay dave.

"YEESSSSSS!!!!" Hiyaw ko habang nakayakap sakanya.

"C-Congrats!" Saad ni dave.

Naitulak ko naman sya ng bahagya ng na realise ko na niyakap ko napala sya! Ay ang shunga shunga ko! Ngumiti nalang ako sakanya tapos nag peace sign.

Muli kong tiningnan ang list ng mga kasale sa top. At nahagip naman agad ng mata ko ang pangalang nasa ibaba ng pangalan ko.

2. DAVE CHRISTIAN LAURENT

Hindi ko maiwasang mapangiti at mapatingin sakanya. Medyo nagulat pa ako nung napagtanto kong nakatingin din pala sya saken. My ghad! Ang gwapo na ang talino pa!

"Congrats!" Ngiting ngiti kong saad sakanya. "At dahil dyan! Tara mag cecelebrate tayo! Hihihihi!" Sabay higit ko sakanya. Napatigil naman ako nung napagtanto kong sarili ko lang naman ang dala ko pati yung cellphone ko. Ni wala akong dalang bag at pera dahil ang sabi naman ni dave eh madali lang daw kami dito sa school.

Paano na yan?! Ako yung nagyakag na mag cecelebrate pero ako yung walang pera! Lintek ang bobo mo talaga zhiana! Nag tataka na tuloy ako kung bakit ako naging top 1.
(-_-)

Nilingon ko naman si dave na halatang nag pipigil ng tawa. Etong mokong natoh! Siguro alam neto na wala akong pera, kaya kung makapag pigil ng tawa wagas!

"Wala pala akong pera dave. Heheheh tara na uwi na ta-"  napatigil ako ng biglang may sigaw sa likuran ni dave.

"DAVE?!!!!" Ngiting ngiti nyang saad. Halos ma tumba na ako dito dahil shet lang! Ang ganda ni ate girl! Sexy pa sya sa sexy! Napakatuwid ng buhok at ang puti nya tapos yung ngiti nya--- dyuskuh! Model ba toh ng colgate? Sobrang ganda nya shet!

"Sofia?! Sofia mae?" Gulat na tanong ni dave. Ano bang meron sa kanilang dalwa?

Tuluyan nang nakalapit si sofia kay dave, okay? Anong meron?

"Oo ako nga!" Ngiting ngiting saad nya kay dave. Pero hindi ko ina asahan ang sumunod na pang yayare.

"Ikaw nga! I miss you mae mae!" Sabay yakap nya ng mahigpit kay sofia. At teka lang! 'Mae mae' ANO YON! MAY TAWAGAN AGAD! hindi kona ulit naramdaman ang mga insects sa tiyan ko. Na iyamot nadin ata sila kay dave! GRABEH makapag yakapan wagas! Sige lang dave mag paka sub-sob ka dyan sa sofia mo! Hayp ka!!!

Halos umusok na ang ilong ko dito, PARA LANG AKONG HANGIN SA KANYA MGA BES! Tinatawag ko sya pero ang lintek na lalaking toh ni hindi ako nililingon. Nakipag kwentuhan pa sa sofia'ng yon! Sige dave! Sige lang! Kalimutan mo nang nandito ako!

Naiiyamot na talaga ako! Susugurin kona sana si dave para hilain pabalik sakin ng biglang may tumawag sa na paka dyosa kong pangalan (-_-)

"ZHIANA KATH ORTEGA!" At talagang buo pang pangalan! Napalingon naman ako sa lalaking tumawag sakin. Boses palang kilalang kilala kona, hindi si dave kundi si jhanos.

"Congrats! At dahil dyan ibibigay kona ang supresa ko sayo" tapos tumawa sya ng konti at niyakap ako. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nakuha ko ang pansin ni dave pati ni sofia. napansin ko namang naka kunot ang noo ni dave habang pinagmamasdan ako habang nakayakap kay jhanos HAHAHAHHA.

Binaliwala ko lang ang nakasimangot na mukha ni dave. Ngiting ngiti naman akong humarap kay jhanos nung pagka kalas namin sa yakap namen.

"THANKS!" At mas lalo pang ngumiti kay jhanos. Sinadya ko talaga yon para madama ni dave na wala akong pake alam kung naka simangot man sya. HMPPP! Bahala sya dyan.

"Ang supresa ko sayo ay--- teka pikit ka muna." Saad nya.

Sumimangot naman ako pero agad naman akong pumikit, narinig ko pa syang nag bilang ng 1-5.

"Mulat kana." Simpleng saad ni jhanos. Pag ka mulat na mulat ko ay nakita ko ang isang lalakeng dalwang taon konang hindi nakikita. Si Cycie Rosales ang aking kababata.

hindi ko agad mapigilang umiyak habang yakap yakap sya. Sya lang kase yung nakakaintindi saken noon, lagi nya akong dinadamayan pag may problema ako, lagi nya ako pinapasaya, halos kilala na ako ng buong angkan ng Rosales family dahil sobrang close namin, mag bestfriend kame, mula pagkabata hanggang sa lumaki na kame. Dumating nga sa point na gusto na akong ampunin ng pamilya nya dahil hindi na kami mapaghiwalay.

"Shh... tahan na zhiana.." tapos hinagod nya ang likoran ko para kumalma sa pag iyak.

Bigla akong kumalas sa yakap namin. Sumimangot ako sakanya, antagal tagal kaya nyang nawala!

"Bat ngayon kalang umuwe! Tapos hindi kapa nag paparamdam! Ni hindi ka nag tetext o natawag!" Bulyaw ko sakanya

"Sorry na.. kaya nga babawi na ako sayo ngayon diba?" Tapos ngumiti sya at kinurot ang pisnge ko. Lumingon sya kay jhanos at nag pasalamat, tinanguan nalang sya ni jhanos. Agad naman akong inakbayan ni Cycie, nag simula na syang maglakad papalayo kina dave. Kaya napalakad nalang din ako papalayo sa kanila. Usapang bestfriend toh, ngayon ko lang ulit sya makaka bonding kaya susulitin kona itong araw na toh na kasama sya.

Sorry dave, manigas ka dyan HAHAHAH ang bad kona masyado.

Andami naming ginawa ni Cycie, pumunta kami sa mall at nag liwaliw nanood din kami ng movie. Pinuntahan namin yung mga lugar na madalas naming puntahan noon, buti nga dala dala nya yung kotse nya. Ang saya saya lang. Ini turn off ko ren ang cellphone ko, para walang mange-alam sa araw ko ngayon. Hindi na ako nag pahatid kay Cycie papunta sa bahay, ayoko kasing malaman nyang kina Dave ako tumitira. Sa may 7-11 na ako bumaba, nag pa alam na ako kay cycie, umalis naman sya agad. 7:30pm ako nakadating sa bahay. Buti nalang hindi pa umuuwi si tita amanda.

Dahan dahan kong binuksan ang malaking pinto ng bahay nila, andilim na kase mukhang tulugan na ang lahat, walang ingay akong nag lakad papunta sa kusina para sana uminom ng tubig ng biglang bumukas ang ilaw sa dining area.

"Ay palaka!" SHET! Tumambad saken ang galit na mukha ni dave.

"Anong oras na? Bat ngayon kalang umuwe." Seryosong saad nya pero mararamdaman mo talaga na galit sya.

Patay!

=============
Elyssa42

Vote and comment THANKS GUYS!🎉😊

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon