CHAPTER 11

3.3K 93 3
                                    

A/N

Happy 6k! Maraming salamat po sainyo!🤗🎉

Zhiana's POV

Sobrang lapit kona sa room na tinutukoy ni dave.. pero shet! Kabang kaba na talaga ako! Sa sobrang kaba ko parang may sariling buhay yung paa ko, mauunahan pa ako ng pagong eh! Sobrang bagal kong mag lakad sa hindi malamang dahilan. Dyuskuh!

At ngayon nakaharap na ako sa pinto..  huminga ako ng malalim Bago binuksan ang pinto ng room. As in open wide. Narinig ko panga ang pag kakatama ng pinto sa dingding eh.

Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Isang babaeng nakasandal sa dingding medyo gulo ang buhok at gulo ang damit nya sa pang itaas. Gulo ang neck tie nya. At bukas den ang ilang butones sa pang itaas nyang damit. Nakita ko ang gulat sa mga mata nila nung nakita nila ako.

Napalunok ako ng ilang beses. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at tumungo. Pinipigilan ko ang mga nag babadya kong luha. Ayokong makita nila na nasasaktan ako sa mga nakita ko. Kelangan kong humingi ng tawad sa pang gugulo ng moment nilang dalwa pero alam kong sa sarili ko na kapag nag salita ako ay tuluyan ng tutulo ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Napangiti ako ng pilit. Kelangan kong mag sorry sa kanila.

"S-Sorry, if i b-bothered the both of you" at don tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ko narin napigilan ang paghikbi ko kaya naman napa taklob na lang ako sa bibig ko upang pigilan ito. Ansakit.. ansakit sakit

At tuluyan na akong umalis sa loob ng room nayun. Tumakbo ako ng tumakbo. May tumatawag sa aken pero hindi ko ito nililingon kase alam kong si dave yon. Nagulat ako ng biglang may humawak sa braso ko.. dali dali nya akong hinila papunta sa isang bakanteng room. Patuloy parin ako sa pag iyak.

I dont want to feel this pain again. Pero nung nakita ko ulit sya. Lahat bumalik, lahat ng sakit.

Sinarado nya bigla ang pinto. Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, pipihitin kona sana ang doorknob ng bigla nya akong hilain at yakapin. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Nag pumiglas ako, sinubukan kong umalis sa mga bisig nya pero ang higpit higpit ng pag kakayakap nya.

Stop this dave.. mas lalo lang akong nasasaktan..

"No. Dito kalang please.." at tuluyan na akong nanghina. Ni hindi na ako makapiglas sa yakap nya. Tanging iyak ko lang ang naririnig ko sa apat na sulok ng room natoh.

"Why are you doing this?" Mahinhin nyang saad. Pinakinggan ko lang sya habang patuloy ako sa pag iyak.. marinig ko lang ang boses nya ang lakas na ng tama saken.

"Why are you making me so damn crazy?"

"Bakit kelangan mong ngumiti kahit na sasaktan kana?"

"Bakit..." huminga sya ng malalim na para bang may pinipigil.. hanggang sa isubsub nya ang ulo nya sa mga balikat ko.. at don ko naramdaman na naiyak sya. Naiyak sya dahil saken.. mas lalo lang akong nasasaktan..

"Bakit... hindi mo nalang aminin na may gusto ka parin sakin? Na hindi moko kayang mawala, na nasasaktan ka kapag may kasama akong iba?" Mas lalo akong napa hagugol sa iyak sa mga salitang binitawan nya.

"Bakit kelangan mo pang magpanggap na hindi ka na sasaktan?"

"Bakit palagi mo nalang pinag didiinan na maid lang kita?"

"Alam mo bang nasasaktan ako? Nasasaktan ako tuwing ginagawa mo yun. Lagi mo nalang pinag didiinan na maid lang kita at susundin mo lahat ng mga utos ko. Nasasaktan ako nung nag sorry ka sakin kanina. Nasasaktan ako tuwing ngumingiti ka paren sa harapan ko kahit ako yung prinoproblema mo. Nasasaktan ako kase hanggang ngayon mahal na mahal parin kita"

"Dave! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Mahal na mahal mo ako?! Kung mahal mo ako hindi moko lolokohin! Kung mahal mo ako hindi moko sasaktan ng geneto!" Bulyaw ko sakanya

Sinubukan kong kumawala sa yakap nya pero ayaw nya parin akong pakawalan.

"Natatakot ka.." bulong nya.

Nagulat ako sa sinabi nyang yon. Parang alam kona ang mga susunod nyang sasabihin.

"Aminin mo na zhiana.. natatakot kang mag mahal ulit" mahinahon nyang saad.

"Yes! Im F*cking scared! Ayoko ng masaktan! Natatakot akog muling mahulog sayo! At yung kinatatakutan ko ay nangyare na! Nahulog ako ULIT sayo! Pero eto nanaman! Paulit ulit nalang! Paulit ulit nalang akong nasasaktan! Ayan oh! Kitang kita na ng dalawang mata ko! Kitang kita ko ang itsura ng babae kanina! Halos mahubaran na sya! Ayun na yun oh! Hulog na hulog na ako sayo! Tapos mangyayare nanaman ang genetong ekse-"

"I love you" tapos naramdaman ko yung mga labi nyang dumampi sa noo ko.

"Im f*ucking in love with you Zhiana Kath Ortega.. at mababaliw ako pag nakawala ka nanaman saken. Im sorry for everything."

Umiling ako.. ayoko.. natatakot akong masaktan.. ayoko nang masaktan. Umagos nanaman ang mga luha ko.

"Shh..." pinapatahan nya ako habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sa isang relasyon hindi mawawalan ng problema.. pero please zhiana.. hayaan mokong ipakita sayo na nag bago na ako, hayaan mokong mahalin ka.. hayaan mong mag mahalan tayo. Please zhiana.. i want you back. Hindi kona alam ang gagawin ko pag nawala ka pa.. just..." bumuntong hininga sya.

"Just give me a chance. Please.."

Tapos pinunasan nya ang mga luha kong kanina pang tumutulo.. wala atang katapusan ang pag iyak ko dito.

"Please?.." pagmamaka awa nya..

Pumikit ako ng mariin.. ramdam ko ang pamilyar na paghaplos nya sa pisnge ko.

Napakinig ko namang nag buntong hininga sya.. para bang nawawalan na sya ng pag asa.. at dahil don napa mulat ako..

"K-kung wala na talaga akong p-pag-asa..." nakita ko.. nakita kong nasasaktan den sya. Tila ba nahihirapan syang i dugtong ang mga salitang gusto nyang sabihin sa aken..

"B-basta lagi mong tandaan na nandito parin ako nag hihintay sayo." At unti-unti nyang inalis ang mga kamay nya sa may pisnge ko.

Unti unti na syang tumatalikod saaken. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong napapaiyak nung unti unti syang umalis. Nasasaktan ako.. unti unti na nyang binubuksan ang door knob.. mabilis akong tumakbo at mabilis ko syang niyakap sa likuran..

Wala na akong pake alam kung masaktan man akong muli. Basta ang mahalaga sa akin ay yung bumalik na ang dati. Yung mag mahalan nalang ulit kame. Kase hindi ko kakayanin pag isang araw may kasama na syang iba, because im f*ucking In love with this guy.

Humarap sya sa aken at ngumiti. Niyakap nya muli ako at niyakap ko syang pabalik.

"I love you." bulong nya tapos hinalikan nya ang ulo ko. "Thank you zhiana."
============
Elyssa42

Sorry po kung nabitin ko kayo dun sa last update ko.✌
Vote and comment po! Thanks!❤😘

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon