CHAPTER 22

1.5K 35 0
                                    

A/N

Thank you po dun sa mga readers na hanggang ngayon ay sinosoportahan parin ang istorya ko. Maraming maraming salamat po. Napakasa ko po dahil umabot ang reads ng gento kalaki. Thank you po sa 37k reads!!

Zhiana's POV

"Are you sure?" tanong nya.

"yes." sagot ko.

Dahan dahan na akong lumabas sa kotse nya. Hindi na ako nag abalang tingnan ang papa alis nyang sasakyan. Wala na akong lakas para gawin yun.

Napabuntong hininga nanaman ako. Halos hindi ko na alam kung ilang beses kona itong ginawa. Wala na akong maramdaman. Gusto kong umiyak ng paulit ulit pero ni isang patak ng tubig mula sa mga mata ko ay wala.

Siguro pagod na ako. Pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw na toh. Punong puno na ang utak ko. Paulit ulit ko nalang na aalala ang mga sinabi ni cycie sa akin. Parang sirang plaka itong utak ko. Gusto ko nalang umuwi at magkulong sa kwarto.

Umuwi...

Dave... Itong pang yayaring itoy hindi ko kakayaning sabihin sakanya. Alam kong marami syang pinoproblema lalong lalo na sa school at sa kung ano ano pang ipinagagawa ng tatay nya sakanya. Ayoko ng dumagdag pa ako sa mga iintindihin nya..

Paano? Paano ko maipapakita sakanya na okay lang ako na masaya ako dahil nakausap ko na ang besfriend ko? Hindi ko na alam...

Ayokong maging isa sa mga proproblimahin nya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang gusto ko nalang mawala dito sa mundo. Sa sobrang dami kong iniisip parang sasabog na itong ulo ko...

Ayoko n----

"BEEEEEEEPPPPPPPPPPPPP!!!!"

isang malakas na busina ang narinig ko galing sa isang malaking truck sa tagiliran ko..

Natulala nalang ako ng tuloy tuloy itong umandar ng mabilis papunta sa direksyon ko..

Tanging nagawa ko nalang ay mapapikit hindi ko maigalaw ang buong katawan ko... Gusto kong umalis sa kinatatayuan ko pero hindi ko magawa. Para bang namanhid ang buong katawan ko..

"Ma... Mukhang magkikita na tayo diyan sa itaas.. "

Mas lumakas ang busina nito at sa oras na ito ay sasalpok na ang truck sa  katawan ko.. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.. Siguro ito na ang huli.. Mahal kita dav--

"BEEEPPPPPPPPPP!!!!!"

Paalam..

Dave's POV

Mabilis akong tumatakbo.. Hindi ko alam kung san ako pupunta.

Basta ang mahalaga ay mahanap ko siya.. Wala na akong oras...

Patuloy akong tumatakbo hanggang sa makita ko ang babaeng pinakamamahal ko.. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.. Ang babaeng aking minahal ng tunay..

Hindi ko napigilan ang mga luhang kanina pa nag babanta nung nakita ko siya..

Siyang nakatayo sa may kalsada.. Mag isang lumuluha.. Nakatulala sa kalsada, Sa sasakyang bubunggo sakanya..

Nanatali akong nakatayo hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Para bang napako na ako sa posisyong ito.. Ang sakit..

Palipat lipat ang tingin ko.. Sakanya at sa truck na bubunggo sakanya.. no please..

"Zhiana!! "

"zhiana!! "

"ZHIANA!!! "
__________
"ZHIANA!" napabangon ako sa aking kama.

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon