CHAPTER 31

675 18 6
                                    

Zhiana's POV

Ng makauwi ako sa bahay ay agad akong umakyat papunta sa kwarto ni dave. Binuksan ko ang pinto at tatakbo na sana ako kay dave ng....

Ng makita ko siya..

nakikipag halikan kay vanessa biglang gumuho ang mundo ko. Ang puso ko ay tila bang nadudurog ng unti unti sa nakita ko. Napakasakit..

Sobrang sakit.

Durog na nga puso ko dahil sa nangyari kay papa mas nadudurog pa dahil sa nakikita ko ngayon.

Tila biglang bumalik ang ala ala kung paano nya ako iniwan. Kung paano nya ako pinaltan.

Napatawa nalang ako na dahilan kung bakit sila naistorbo sa paghahalikan.

Napatawa nalang ako sa nasa harapan ko ngayon. Unti unting tumulo ang luha ko. Paulit ulit nalang ba? Genon naba ako ka tanga sakanya? Tangina.
Ni katiting wala akong nakitang dahilan para lokohin nya ko...


Hindi nako nag salita.. Hindi nako makapag salita. Para bang ang buong sistema ko ay nawalan ng gana. Tumalikod nako sakanila at nag simulang tumakbo. Tumakbo palayo sa mahal ko na patuloy nang nag pa agaw sa iba.

Pag kababa ko ng hagdan nakita ko nagad si tita. Ang ina ng mahal ko.

"Tita bat gen---" umiyak ako sa harapan ni tita ngunit....

"PAK!"


Nagulat ako ng bigla akong sinampal ni tita. Galit na galit sya. Bakit? Anong ginawa ko?


"Ang sabi ko patinuin mo! Hindi ko sinabing maging kayo!" sigaw nya sakin.

Tumulo nanaman ang mga luha ko. Litong lito nako. Akala koba alam ni tita na kami? Na kami na ulit?

May narinig akong tawa sa likod ko na dahilan ng pag lingon ko don.

Nakita ko si vanessa at si dave. Nginitian lang ako ni vanessa na para bang walang nangyari kanina.

"Yung planong panliligaw nya. Akala mo pinayagan ko sya? Hindi! Pinilit nya lang yung planong yun! At yung maging kayo?! Mas lalong hindi ako sang ayon dun! Pinigilan ko sya sa lahat ng yon!" sigaw ni tita sakin. Tahimik lang akong lumuluha habang pinapakinggan lahat ng sinasabi ni tita.


Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang lahat ng yon.

"Hindi ka nya mahal! Jinowa kalang nya dahil na aawa sya sayo! Na aawa sya sayo kasi hanggang ngayon mahal na mahal mo pa sya! Ako ang mahal nya! ako!" sigaw sakin ni vanessa.

Natulala lang ako sa lahat ng sinabi nya. Mas may sasakit papala sa nangyari kanina. Sobra sobra na tong natatanggap ko. Ang sakit sakit na.

Unti unti akong tumingin sa taong mahal ko. Huminga ako ng malalim at nag lakas loob sabihin ang mga katagang..

"Dave totoo ba?" saad ko habang patuloy na umaagos ang aking mga luha.

Umiwas sya ng tingin at unti unting tumango. Wasak na wasak nako sa lahat ng nangyari. Parang mamaya lang ay di kona kakayanin. Ang sakit sakit na.

"oh.. By the way.. Yaya kani dave diba? Im so sorry..." saad ni vanessa at dahang dahang lumapit sakin.

"alam mo namang ayaw ko ng mga AHAS sa bahay natoh. Kaya pinapa alis nakita.. Yung sweldo mo? Nas banko mona. Im really really sorry.. Ayaw kong tag tagin ka kaso.." ngumisi sya ng bahagya.

"kaso hindi ko naman alam na magiging ahas ka e." saad nya habang nakangiti na tinapik tapik pa ang balikat ko.

"owww!!! By the way.. Im engaged! At dahil bestty tayo! Iimbitahan kita sa kasal namin! Medyo matagal pa pero since mag bff tayo ini-imbitahan na agad kita." saad nya habang proud na proud na pinapakita sakin ang maganda nyang sing sing.

Hindi kona alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ko i papasok sa kokote ko ang mga nangyayari ngayon. Ang sakit sakit na pero hanggang ngayon isa lang ang tumatakbo sa isipan at puso ko.

Ang mga salitang 'mahal ka nya. Minahal ka nya.'

Ang salitang hanggang ngayoy kinakapitan ko. Ang salitang pinaniniwalaan ko.
________________________

"GAB!" sigaw ko. Napapunta nalang ako sa condo ni gab. Eksakto naman kasi nandoon sya.

Nakaupo ako sa salas ng condo nya habang nag lalaklak ng alak. First time kong makainom.. Wala naman sigurong masama dun diba? Gusto ko lang naman makalimot kahit saglit lang.. Gusto ko lang naman mawala yung sakit kahit saglit lang..

Kaso nag kakamali ata ako.

Kasi hanggang ngayon...

"GAB! ANG SHAKIT SHAKIT! nawala shi papa! Taposh nakidagdag pa sha *hik* problema shi dave! Dyushkuh naman! Hirap na hirap nako uy! Ang shakit shakit na nga *hik* sha nangyari sha papa ko taposh mash lalong shashakit dahil iniwan ako ni dave!"

"besty! Tamana nga yan! Dito kapa nag labas ng sama ng loob sa condo ko! Kapal rin ng fes mo te!"

"WALA! *hik* wala na! Wala ng nag mamahal shakin! Mag papakamatay na lang ako! *hik* yuku na!" sigaw ko.

Hindi ko mapigilang hindi ilabas lahat ng nasa utak ko. Hindi ko mapigilan.

Gab's POV

Babaeng toh! Dito na nga tumambay ako pa ang bumili ng alak! Akin pang pera! Abuso nato ah!

"ano kaba bessty! May nag mamahal sayo! Ano tingin mo samin ng mga katropa mo?" tanong ko sakanya. Like duh! Kung di ko sya mahal baka kanina ko pa syang napalayas!

"tao? Tao naman kayo? Ano ba napaka shimpleng tanong! Di kayo animalsh! Tao kayo tao tao tao!" saad nya habang pagewng gewang at patawa tawa pa.

Laglag panga ko sa sagot nya!

LASING NA NGA!
_________________

Zhiana's POV

Nagising ako sa kakaibang amoy ng kwartong ito. Amoy.....

Amoy...

Amoy pang bakla!

Bigla akong nakaramdam ng hilo ng bigla akong bumangon. Lintek ang sakit ng ulo ko! Lumingon ako sa kama at nakita ko ang..

ISANG NAPAKA POGING NILALANG!

PERO

BAKLA.

Hays! Iirit nasana ako katulad ng mga napapanuod ko kaso alam ko namang bakla ang katabi ko ngayon sa kama e.

Agad akong napatakbo sabanyo dahil sa sobrang liyo na napapasuka nako! Omg!

OMG DONT TELL ME NA....

Gab's POV

Umagang umaga may naririnig akong iyak! Grabines lang! Nakakarinde! Naririnde cute kong tainga..

Bumangon agad ako sa kama ng makita kong gising na si zhiana. Nakaupo sya sa kama at iyak ng iyak.

Agang aga iyak ng iyak! Pwede bang later nalang.

Sinilip ko muna ang topless kong katawan. 1, 2, 3, 4, 5, 6 binilang ko ng ayos yung abs ko baka kasi kulang e.

Nilingon ko si zhiana at sa hindi inaasahan ay agad nya akong binato ng unan sa mukha. Gulat akong tumingin sa besty ko. Grabeh ang babaeng teh! Sya na nga tinulungan sya pa galit?! Hayssssnesss naman!

"WALANG HIYA KA GAB! KALA KOBA BAKLA KA! PANAGUTAN MO ANAK NATEN! WALANG HIYA KA! BINABOY MOKO!"

Lalagpanga ko sa sinabi nya. LIKE WHAT THE HECK?! Kadiriii ka girl!!!!
============
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon