CHAPTER 24

1.2K 35 1
                                    

A/N
NYAPI NYAPI 40K EBRIBADI! (happy happy 40k everybody) thank you poooooo😘🎉

Zhiana's POV

Sumama ako kay papa. Sumama ako sakanya para makipag usap ng maayos. Ayokong may makakita samin sa school. Hindi pwedeng malaman ng mga kaibigan ko na nandito ang taong patuloy akong sinasaktan. Hindi dapat nila alam ang tungkol dito lalong lalo na kay dave. Ayokong maging pabigat sakanila. Kikim kimin ko nalang ito hanggang sa aking makakaya.

Nakasakay ako sa magarang kotse ng aking ama. Papunta na kami ngayon sa bagong bahay nya kasama ang kanyang bagong pamilya.

Psh. Bagong pamilya. Napapa irap nalang ako sa salitang yan. Hanggang ngayon hindi ko parin tanggap ang salitang yan.

Sa sobrang dami kong iniisip hindi ko na malayang nandito na ako sa bahay ni papa.

Ang ganda, halos sinlaki toh ng bahay nina dave. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang bahay namin noon. Ang bahay namin noon? Maliit lang. Sapat na para mabuhay ang tatlong tao. Sabi nga ni papa sakin noon eh "itong maliit na bahay natin ang magiging saksi sa pagiging masayang pamilya natin." . Hindi ako na inform na masasaksihan din pala ng maliit naming bahay kung gano kami kawasak ni mama nung iniwan nya kami.

paakyat kami ngayon sa hagdanan. Papasok na sana kami sa office daw kuno ni papa ng may biglang..

"Mahal.. siya ba si zhiana?" Tanong ng isang babae. Napalingon ako sa babae. Nakangiti sya.

Inang ina ang itsura nya pero ang ganda nya parin.. may katabi syang dalwang bata. napaikom naman itong kamay ko. for sure mga kapatid kotoh. Pinipigilan kong umiyak sa harapan ng kabit ni papa. Sa sobrang inis ko parang gusto ko nalang umiyak. Juskuh naman zhiana ilang taon na ang lumipas hindi mo parin tanggap na may bagong pamilya na yung ama mo.

Tumango lang si papa at pinapasok na nya ako sa loob ng office nya. Pag kasarang pag kasara niya ng pinto ay agad nanaman nya akong niyakap. Naka istatwa lang ako. Unti unti nanaman tumulo ang luha ko. Binitawan nya ko.

"Miss na miss na kita anak." Saad nya habang lumuluha.

"Bakit? Bakit ngayon mo lang ako nakita? Bat mo kami iniwan? Mahal moba kami ni mama? Bat mo ginawa samin yun?" Saad ko habang lumuluha.

Pinaupo nya ako sa sofa.

"Anak.. anak patawarin mo ako. Mahal kita.. patawarin moko anak.." saad ni papa.

"Eh si mama mahal nyo po ba sya? Minahal nyo po ba sya?" Saad ko.

Tahimik lang si papa. Bat hindi sya makasagot? Hindi nya ba minahal si mama? Bakit? Sa mga iniisip kong toh mas lalo pa akong nasasaktan eh. Bakit ganun?

"Alam nyo ba papa.. yung maliit na bahay natin na punong puno ng kasiyahan, napaltan eh..napaltan ng kalungkutan. Simula ng iniwan nyo kami parang nawalan na ng buhay si mama. Hindi sya nag sasalita, hindi sya kumakain lagi syang tulala. Parang wala na akong ina nung araw nayun papa! Lalo akong nasasaktan pag nakikita ko si mama na umiiyak gabi gabi at mas lalo akong nasasaktan na bente kwatro oras syang nakabantay sa pinto na nag babakasakaling babalik ka! bakit nyo ba kasi kami iniwan.. mahal na mahal ka ni mama oh! Mahal na mahal kanamin papa!"

"Anak mahal na mahal ko kayo ni mama--"

"EH BAT NYO NAGAWA YUN?! bat nyo kami iniwan?.." saad ko.

"Anak.... hindi mo pa ma aaring malaman ngayon.. hindi pa ito ang tamang panahon."

"hindi pa ito ang tamang panahon? Ang sabihin nyo nalang kase! May kabit kayo! Kaya nyo kami iniwan!" Hindi kona mapigilang hindi mapasigaw sa galit! Hindi pa ito ang tamang panahon? Ano toh? Mag dadrama muna sya bago nya sabihin sakin na may kabit sya kaya nya kami iniwan? Jusmiyo naman!

"Anak--" hindi kona sya pinatapos. Gusto kong marinig nya lahat ng pag hihirap namin ni mama nung iniwan nya kami. Gusto kong malaman nya kung gaano kami nasaktan sa pinag gagawa nya.

"Alam nyo ba papa? Nung bumalik na si mama. Nung naging ayos na sya lagi nyang sinasabi sakin na wag akong magagalit sayo.. na pag nagkita daw ulit tayo wag daw kitang sisigawan ng masasakit na salita dapat daw patawadin kita agad at na ngako ako kay mama na gagawin ko lahat yun. Pero pa.. sobrang sakit eh.. hindi ko mapigilang hindi ka sigawan! Nagagalit ako sayo. Galit na galit ako sayo na mismo itong ugali ko nag babago nung nakita kita."

"Hindi kita mapipigilan anak.. yun lang ang dapat sakin yung sigawan.. tatanggapin ko lahat ng sakit anak mapatawad molang ako.."

"Bakit ba kasi nag mahal si mama ng isang katulad nyo?" Bulong ko. Alam kong pakinig nya pero wala akong paki alam. Wala akong paki kung masaktan sya.

"Patay na si mama.. alam nyo bayun? Nabalitaan nyo po bayun papa?" Saad ko. Ang nakakagulat ay ang pag tango nya. Bat ganun? Sobrang iyak nako dito.

"Eh papa alam nyo pala eh! Nabalitaan nyo naman pala eh! Pero bat ganun papa?! Bat ka ganon?! Bakit hindi ka pumunta sa burol ni mama! Bat hindi moko binalikan! Bakit papa?! Bat nyoko iniwang mag isa don! Bakit pa? Namuhay ako sa mundong ito mag isa! And the worst? Palagi ko kayong hinihintay tuwing birthday ko! Palagi akong umaasa na babalik ka!" Saad ko.

"Anak im sorry.. patawadin moko.. anak mahal na mahal kita.." saad nya.

"Papa... gustong gusto kitang patawadin pero may galit pa dito sa puso ko.. pasensya na po." Saad ko at derederetsyo na akong umalis sa kwartong iyon. Pero bago pa ako maka baba sa hagdan..

"Gagawin ko lahat anak para mapatawad moko. Salamat anak.." saad nya at niyakap nya ako ng mahigpit. Pinunasan nya ang nag papatakan nyang luha.

"Uhmm aalis kana agad? Kain muna tayo? May mga inihanda akong pagkain. Niluto ko rin yung paborito mo." Saad nya.

"Hindi na ho. Uuwi napo ako." Saad ko habang nababa sa hagdan.

"A-ano.. sige sige. Ipapahatid na kita sa driver ko--"

"Hindi na po. Aalis na po ako." Saad ko at tuloy tuloy na akong lumabas sa bahay  nila. Nakasunod parin sya sakin kahit nasa labas na ako ng gate. May nakita agad akong taxi agad ko itong pinara.

"Ingat ka anak. Bukas nalang uli--" hindi ko na sya pinansin at agad na akong sumakay .

Unti unti nanamang nag laglagan ang mga luha ko.

Nakakaiyamot! Nakakagalit! Galit na galit ako sa sarili ko! Antanga tanga mo zhiana! Ang bait bait ng ama mo tas genyan ang trato mo sakanya! Nakokonsensya ako! An tanaga tanaga ko! Bakit ako nag ka genon! Na aawa ako kay papa! Pero hindi ko talaga maiwasang hindi magalit sakanya. Ang shunga shunga ko! Ang bastos ko sa aking ama!

Kinuha ko sa bag ko ang picture naming tatlo nina mama. Pinag katitigan ko ang itsura ni mama..

"Ma... sorry hindi ako tumupad sa usapan. Sorry mama na galit ako sakanya at nasigawan ko sya.. mama hindi ko sya napatawad agad. Patawarin nyopo ako." Saad ko habang umiiyak.

Tinitigan ko naman ang itsura ni papa.

"Sorry papa naging bastos ako sainyo kanina. Mahal na mahal ko po kayo.. hindi ko lang po talaga matanggap na may iba na kayong pamilya.. sorry papa.."

Nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko..
=============
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon