CHAPTER 12

3.4K 70 8
                                    

A/N

Happy 8k! Wahahahaha thank you po!😚

Zhiana's POV

"I love you zhiana"saad ni dave tapos lumapit sya ng lumapit saken. Inilibot ko ang paningin ko, kakaiba ang kwartong ito. Para bang kwarto sa mga hotel? What??!!!

Sobrang lapit na nya saken halos ramdam kona ang hininga nya. Hindi ko alam sa sarili ko kung baket hindi man lang ako umaatras. Shet!

Ngumisi sya. At mas lalo pang lumapit saken, hinawakan nya ang mga kamay ko at ipinulupot sa kanyang leeg. Tapos hinawakan nya ang bewang ko. Grabeh nakaka ngilabot! Palapit na sya ng palapit na mismong hininga nya ay naramdaman kona sa labi ko--

"Ttttrrrrriiiiinnnngggggggggg!!! Ttttrrrrriiiiinnnngggggggggg!!!" 

Hinayupak! Lintek na alarm clock! Yun na yun eh! Mag lalapat na! Pa bitin naman oh! (-_-)

Ay shet! Ano batong iniisip ko! Grabeh nahawa na ako sa ka berdehan ng utak ni dave! Patawarin nyopo ako lord! (T_T)

Naramdaman kong nag vi-vibrate yung cellphone ko. Agad ko itong hinablot, wala na akong pake kung sino toh, Isa pa tong istorbo! Kung sino ka man.... bahala kana sa buhay mo!

"HELLO?! Ano ba nama--" pagalit na saad ko sa kabilang linya.

"Good morning! Ang aga aga nainit na agad ang ulo mo. By the way! I miss you.." saad ni D-dave?!

Sheteng malagkit! Napaupo naman agad ako ng ma ayos. Halos umabot na sa tenga ang ngiti ko dito! Teka? Anong sasabihin ko sakanya? I miss you too? Aish! Napaka easy to get ko naman! Dapat mag pakipot muna ako ng konti. Kailangan dalagang filipina paren. Wooohh kinakabahan ako.

"Heh! Ang aga aga nang iistorbo ka! (-_-)" angal kong saad sakanya. Tumayo ako tapos pumunta sa bintana. Binuksan ko ang bintana at bumungad saken ang napakapreskong hangin. Haysshhhh ang sarap sa feeling..

"Sorry.." bulong ni dave na bigla nalang akong niyakap sa likod ko.

"Wahhh!!!!!" Irit ko. Dyuskuh yung puso ko! Tatakbo na ako palayo sakanya, shit! Pano sya nakapasok sa kwarto??!

"A-anong ginagawa mo dito?!"

"Wala lang." Saad nya. Halos mapunit na yung pisngi nya dahil sa lawak ng ngiti nya! Parang abno tong mokong na toh. Dali dali akong pumuntang banyo para mag ayos ng sarili ko. Juskuh! Pag katapos kong mag ayos ng sarili ko tatakbo nanaman akong palabas ng pinto. Muntikan na nga akong madapa eh. Dyuskuh ano bang nangyayare saken?!

Dali dali akong bumaba papuntang kusina, at dali dali ren akong nag luto para sa lintek na almusal ni dave!

"Ay!!!" Shettteeeeengggg kabuteeee!!! Nasagi ko pa yung baso, nabasag tuloy. Dahil panic na panic akong mamura ng mga yaya dito eh agad kong pinulot ang basag basag na baso. At pag minamalas ka nga naman oh! Nasugatan pa ako!

Teka bat ba ako nag mamadali? Wala namang pasok ngayon ah? Ay ang bobo k-

"Ano ba naman yan zhiana! Umayos ayos ka nga!" Sabay irap ni lena sa akin. Yung lenang yun! Kauumpisa lang nya dito bilang yaya tapos kung makapag taray wagas! Hampasin kita ng walis eh!(-_-)

"Anong nangyare?" Bigla namang sumulpot si dave. Patay!

Tumingin si dave kay lena na ngayon ay na ngangatog na pero ang pula pula ng pisnge. Unti unti naman akong tinuro ni lena.

"Sir Baby-- ay! E-este sir dave, nakabasag po kase ng baso si zhiana" saad ni lena

HANLANDIIII!!! SIR BABY MO TOH! UPAKAN KITA EH. inirapan ko nga. Dyuskuh na hi-high blood nanaman ako!

Tiningnan ko si dave na ngayon ay sinesenyasan si lenang umalis.

"Tsk" tapos nilingon nya ako, ibinaba naman nya ang tingin nya sa daliri kong may sugat. Nakita ko namang nagulat sya tapos dali daling pumunta sa dereksyon ko. Bigla naman nyang kinuha ang kamay ko para tingnan ng ma igi yung sugat ko sa daliri ko.

"Zhiana! Anong nangyare? Masakit ba? Ano? Sabihin mo saken? Tara pupunta tayong hospital ipapagamot natin yan." Saad nya. Kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata nya.

Binatukan ko nga. Hindi ko ren maiwasan ang pag tawa ko dahil sa huli nyang sinabi.

"Heh! Dave konting sugat lang yan! Talagang dadalhin mopa ako sa hospital para maipagamot yan! Ayos kapa ba dave? HAHAHAH"

Nakita ko namang nag pout sya tapos na pasimangot. ARGH! ANG HOT NA ANG CUTE PA! ano ba naman dave!

"Ayoko lang nasasaktan ka.." tapos hinipan nya ng marahan ang sugat ko at unti unting tumingin ng deretsyo sa mata ko. Halos lahat ng balahibo ko ay nag tindigan. Lalo na't sobrang lapit nya saken.

Shit feeling ko may mga insects na nag liliparan at may nag wawala sa tyan ko! (>_<)

Patuloy parin nyang hinihipan ang sugat ko habang nakatitig saken. Shet! Hindi ko rin alam kung bakit ako nakikipag titigan sa mokong na toh eh! Agad ko namang iniwas ang tingin ko sakanya. Dyuskuh masyado na nag wawala ang mga insects sa tyan ko! Naki cooperate din naman itong puso ko na kung tumibok eh mas mabilis pa sa takbo ng kabayo! 

Napansin ko namang napangiti sya sa pag iwas ko ng tingin sakanya. SHET! BAT ANG GWAPO MO?!

"Tara lilinisin natin yang sugat mo." Saad nya, wala na akong nagawa kundi ang um-oo sakanya.
________________

Heto ako nakaupo sa kama ko habang pinagmamasdan ang daliri kong may bandage. Juskuh! Nababaliw na ata ako. Para akong shonga ditong ngiting ngiti. Tapos palagi nalang nag pla-play sa utak ko kung pano linisin ni dave yung sugat ko! AHHHH!!!

Yung bigla kong ma aalala yung mga nangyare kanina tapos ngingiti ako naparang shunga tapos hihiga at mag papagulong gulong sa kama dahil sa kakiligan! Sino ba naman kaseng hindi kikiligin don!

Natigilan naman ako sa pag gulong ko sa kama ng biglang may kumatok, agad akong tumayo para buksan kung sino man toh.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay nakita ko ang lalaking nakangiti at nakabihis ng maayos. Ang lalakeng mahal ko.

"Kuhanan na ng card! Tara kunin natin yung atin!" Exited na saad nya. Napangiti naman ako kasi shet ang gwapo nya.

Todo pili ako dito ng damit! At may nahalungkat naman ako na nag iisa isang dress. Yun na ang sinuot ko tutal bagay naman sakin pati lumilitaw ang kaputian ko, nag suot naman ako ng babagay na flat shoes sa dress ko. Hinayaan ko nalang nakalugay ang buhok kong tuwid na medyo may wavy sa dulo. Konting pulbo lang tapos deretsyo na akong lumabas sa kwarto ko.

Nakita ko namang nag iintay si dave sa salas. Medyo nagulat ata sya sa suot ko. Pag kalapit na pagkalapit ko palang ay agad syang nag pout.

"Bat genyan ang suot mo!" Pagdadabog nya. Medyo natawa naman ako sakanya.

"Baket masama ba?"

"Oo! Dapat ako lang ang makakakita na genyan ang suot mo!" Saad nya habang nakasimangot. Sus!

Inirapan ko lang sya habang nakangiti. Ayan nanaman ang mga insects nag wawala nanaman! Naramdaman ko namang humawak si dave sa kamay ko. Kaya medyo nagulat ako.

"Tara na." Nakangiting saad nya. Jusme bat ang gwapo mo!
=============
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon