CHAPTER 10

3.5K 90 9
                                    

A/N
Happy 5k! Grabeh thank you thank you thank you! Mwah🤗❤

Zhiana's POV

Lumabas ako ng kwarto na namumugto ang mata. Mga 3 araw akong hindi pumasok, dahil ng sakit ko pati dahil sa mga na tamo kong sugat at pasa galing kena maris. At ngayong araw ren ako papasok ulit. Hayst buhay.

Huminga ako ng malalim, eto nanaman ako mag papangap nanaman akong walang nangyare, susundin ang mga utos ni dave, ngingiti sa harap nya na para bang walang prinoproblema..

Tuluyan na akong bumaba sa hagdan para makapunta sa dining area kung san nandoon si dave.

Ngumiti ako ng malawak ng mapansin nya ang presensya ko.

"Good morning dave!" Tapos tuloy tuloy na akong umupo sa silya. Nag simula na kaming kumain. Nakikita ko minsan syang nakatingin saken pero binabalewala ko nalang. Ang tahimik ng bahay na toh. Walang nag sasalita sa amin hanggang sa matapos na kaming kumain.

"Oh." Tapos ibinigay nya saaken yung bag nya. Genyan lagi ang routine namen tuwing umaga. Alam na lahat ng mga yaya dito sa kanila na isa ren akong yaya. Ang talaganang obligasyon ko lamang ay ang pagiging yaya ni dave. At yon lang dapat ang ipakita ko sakanya.

Tuloy tuloy kaming naglakad patungo sa kotseng mag hahatid sa amin sa school.

Mga ilang minuto lang nung nakapunta kame sa school.

Nakababa na kami sa kotse at daladala ko parin yung mabigat nyang bag.

"Zhiana.." napalingon ako sakanya, tapos nginitian ko sya. Nakita ko mismo sa sarili nyang mata ang galit nung ngumiti ako. Binalewala ko yon.. ilang araw na syang genyan. At wala akong karapatan na alamin yun.

"Bakit?" Tanong ko habang naka ngiti. Nag lakad sya papalapit sa akin.

Naramdaman ko nalang na hiniwakan nya yung kamay ko.

"Hawakan mo yung kamay ko, hanggang sa makapunta tayo sa room" napa lunok naman ako. Ano nanaman ba toh?

Simple ko syang nginitian.

"Okay. After all Im your maid at wala akong karapatang humindi sa pinag uutos mo." At isang ngiti nanaman ang kumawala sa labi ko.

Naramdaman ko namang humigpit ang hawak nya sa kamay ko at don palang alam kong galit sya.

Ano bang problema ng lalaking toh?

Marahas nyang kinuha yung bag nya saakin. Tapos hinawakan nanaman nya ng mahigpit ang kamay ko. Hayst.

Nandito na kame sa hallway halos konti nalang mararating nanamin yung room namen. Gustong gusto ko nang tumakbo kaso ang problema hawak hawak parin ni dave ang kamay ko, binging bingi na nga ako sa mga istudyanteng nakaka salubong namin eh. Puro bulungan at pagpaparinig ang napapakinig ko galing sakanila. Kesyo ginayuma ko nanaman daw si dave. Dyuskuh! Sarap salpakan ng bato ang mga bunganga ng mga toh ah! At dyuskuh!! Wagas na wagas ang paniniring nila sa akin! Sana umihip ng napalakas na hangin para mag stock na yung mga mata nila sa itaas!
Kaimbyerna!

Nakarating kami sa room namen. Trinay kong alisin ang kamay ko na hawak hawak nya, pero bwiset ayaw nyang bitawan! Pumasok kami sa classroom ng mag kahawak kamay, eh ano pa bang magagawa ko? Eh utos nya yun eh.

LANGAW. Andami nanamang langaw. Makapag bulungan wagas! Eh pakinig na pakinig ko nga ang pinag uusapan nila eh!

Nag lakad kami ni dave papunta sa upuan namen. Halos mamawis na yung mga kamay ko sa tagal ng pag hahawak kamay namin eh!

Unti unti kong naramdaman ang pag bitaw nya sa kamay ko. Phew. Buti nalang.

Pag ka bitaw ni dave sa aking kamay ay ang pag pasok naman ni ma'am. Sabay sabay kaming bumati ng 'good morning' kay ma'am bale nalang kay dave.. genyan sya palagi, Sitting pretty habang nakatingin sa kawalan.

"Good morining den" nakangiti nyang saad. " i just want to remind all of you na ang kuhanan ng card ay bukas. Im happy kase matataas ang grades nyo." Napatingin naman si ma'am sa direksyon ko.

"Zhiana Kath Ortega you will be having a special exam.. kase hindi ka nakapag exam nung nakaraang araw. You should go to room 209 ngayon na." Napatango nalang ako sa sinabi ni ma'am dinala ko na ang mga gamit ko at umalis sa classroom namen.

Buti nalang na submit kona ang mga projects ko. ito nalang sigurong mga exam ko ang kulang para mabilang na ang grades ko.

Dere-deretsyo akong nag lakad hanggang sa makapunta na ako sa room 209. This is it! Kaya mo yan zhiana!
________________

Ngiting ngiti ako habang papunta sa canteen. ANG SAYA KO TODAY! kase worth it lahat ng inaral ko! Halos lahat ng inaral ko ay nandoon sa exam, kaya naman mabilis kong natapos ang mga exams ko. Yes!

Si jhanos yun ah!

Tatakbo akong pumunta sa isang table kung nasaan si jhanos.

"Jhanos!!!!" Sigaw ko sa tapat ng tenga nya. Hahahahha ang expresion baga! Pak na pak!

"Ano ba naman zhiana! Balak mo bang mabingi ako?!" Bulyaw nya sa aken

Niyakap ko sya tapos humingi ng sorry. Napakamainitin naman ng ulo nito! Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap nya.

"Kamusta ang exam?"

"Ayos na ayos. Halos lahat ng inaral ko nandoon sa exam!" Tuwang tuwa akong napangiti sa sinaad ko. Ang sarap kaya sa feeling nung genon! Yung lahat ng pinag aralan mo ay nasa exam!

"At! Pag nakasali ako sa top, ililibre kitang ice cream!!!" Exited na saad ko kay jhanos.

"Ice cream lang?" Boring nyang saad. ABAH ang lokong toh! Sya na nga ang ililibre napaka choosy pa!

"Heh wag kang choosy!" Tapos inirapan ko sya habang nakangiti.

"I have a suprise for you!" Nakangiti nyang saad.

"Pano pa yun magiging suprise kung nasabi mo na nasusuprisahin mo ako?!" Tapos binato ko sya ng tissue. Minsan talaga hindi ko alam kung baket ko toh naging kaibigan eh (-_-)

"Heh! Ingay ingay!" Tapos inirapan nya ako, tamo tong kolokoy na toh! May pag irap irap pa saken!

"Btw.. sasabihin ko sayo ang sopresa ko KAPAG!....."

"Kapag ano?" Takang tanong ko. Juskuh! Binibitin ako ng kolokoy na toh eh!

"Kapag....." nak ng teteng. Inhale.... exhale.... wohh!!!! Nang gigigil ako!

"KAPAG ANO?!" tila nagulat naman sya sa pag sigaw ko. Nakuh! Dapat lang yan sa kanya!

"Huy zhiana! Chill! Anlakas lakas ng boses! Parang hindi babae!"

Abat!

"Binibitin mo kasi ako eh! Ano na?!"

Huminga sya ng malalim... may pa genon genon pa ang kolokoy na toh. (-_-)

"Kapag naging top 1 ka." Seryoso nyang saad.

"Kdot." Tipid na saad ko.. hindi ako nag mamayabang.. kase alam kona sa sarili ko na hinding hindi ako magiging top 1. (-_-)

Biglang nag vibrate ang cellphone kong mumurahin na nag hihingalo na. Nakita ko namang si dave ang natawag.

"Hello?" Saad ko sa kabilang linya

"Pumunta ka dito sa room 308, may iuutos ako sayo." Seryosong saad ni dave sa kabilang linya, tapos bigla nalang nyang ini end ang call. Hindi ko alam kung baket ako kinakabahan.. parang may parte sa aken na nag sasabing wag akong pumunta.. pero hindi yun pwede kasi isa lang naman nya akong maid, at kelangan kong sundin lahat ng ini uutos nya.

Napatingin ako kay jhanos. Nginitian ko sya, at mukhang alam na nya na aalis ako. Bago ako umalis ay yumakap muna ako sa kanya bilang pa alam. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang pa alis ako sa canteen. Ano ba naman toh?

=============
Elyssa42

I'm the MAID of my EX!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon