Chapter 1

35 1 0
                                    

Pinagmasdan ko ang alak na nakahain sa aking harapan. I have never been this free and I have to admit it, this feels great.

Hindi ko makita ang sarili ko na nagpaparty sa ganitong klase ng lugar. Lumaki ako sa isang respetadong pamilya, tinitingala ng lahat at kinaiinggitan ng marami. Ngunit ngayon, panahon na upang maging malaya ako.

Mula pagkabata ay minamanipula ako ng aking mga magulang. Never did I have the power to choose what I like nor what what I love.

"Asena Dian Reyes!" Nilingon ko ang aking kaibigan na kanina pa pala ako tinatawag.

"Akala ko ba nandito ka para mag enjoy?" Aniya habang inaabutan ako ng isang shot ng pamilyar na inumin.

Tama nga naman. Ngumiti ako at tinanggap iyon. Isang lagok at naramdaman ko ang hapdi nito sa lalamunan.

Tinanggal ko ang mga problema sa aking isipan. Loosen up Sena! You're here to enjoy!

"Lizzie tara sa dance floor!" Lumapad ang ngisi ng aking kaibigan.

"That's what I'm talking about!" Aniya at humalakhak.

For 18 years, naging robot ako na sunud-sunuran sa kanila. Sa lahat ng bagay ay sila ang nasusunod. Noong una ay hinayaan ko lang, umaasa na matutuwa at ipagmamalaki nila ako. Ngayong nagkaroon na ako ng tamang pag iisip, hindi ko na hahayaan iyon.

Habang papunta sa dance floor ay may iilang kakilala na nag aabot sa akin ng baso na naglalaman ng kung anong alak. Walang akong pakialam kahit ano ang laman noon basta ininom ko na lang.

This is what you want Sena right? To be free. Free from your parents, free from the jail they locked you in since you're a child.

Hindi ko namalayan na nawala na pala ang magaling kong kaibigan na si Nova. Well it's okay, malaki na naman ako, kaya ko ang sarili ko.

Sinabayan ko ng indayog ang maingay na musikang tumutugtog sa loob nitong bar. Neon lights are hurting my eyes, sinasabayan pa ng kaunting pagkahilo dahil sa mga nainom, but like I care?

Naramadaman ko na may sumasayaw sa aking likuran kaya lumayo ako ng bahagya. Oh Lord! I'm not here to flirt!

Ng makaramdam ako ng sobrang pagkahilo ay agad akong naghanap ng paraan para makatakas sa crowd. Laking pasalamat ko nang may nakita akong kaunting masisingitan at doon ako tumakas.

Hinanap ko ang aking kaibigan ngunit wala akong makitang bakas niya. Hindi ko na kaya ang nararamadaman kaya naisipan kong lumabas.

Saktong pagkalabas ko ay sumakit ang paa ko. "Aray!" Hinubad ko na ang aking stilettos at hinilot ng kaunti ang paa ko. What now? Maling mali pala ang pagpunta ko dito. Parang gusto ko na lang maging utusan ulit sa mga magulang ko ah!

Napangiti ako sa aking iniisip. Baliw ka ba? Kaya nga narito dahil ayaw mo nang maging robot!

I have no choice but to walk with bare feet towards my car. Malapit lang din naman ang kotse ko ngunit di ko kinaya ang paltos sa aking mga paa.

Hinalungkat ko ang aking bag para sa aking susi. Medyo nakaramdam din ako ng gutom kaya kung may madadaanang kainan ay hihinto siguro ako.

Buhay na buhay ang gabi dito sa Makati kaya't hindi rin ako mahihirapan sa paghahanap ng kainan. May nakita akong isang fast food, itinigil ko ang aking sasakyan sa parking nito at bumaba.

Pagpasok ko pa lamang ay pinagtitinginan na ako ng mga tao. Siguro dahil sa suot ko.
Ngunit hindi ko pinansin iyon. Ang mahalag ay gutom ako at gusto kong kumain.

Habang nasa pila at nag iisip ng pwedeng kainin ay may lalaking sumigaw sa harap.

"Tinatanong ko kung may lugaw ba kayo dito?" Napangiwi ako sa sinasabi ng lalake. Maybe he's retarded.

"Wala nga po sir, kung gusto niyo po baka sa labas meron." Ani ng isang kahera.

"May I take your order ma'am?" Ako na pala ang sunod.

Sinabi ko ang aking order at nagbayad. Habang naghihintay sa tabi ay pinagmasdan ko ang nagwawalang lalaki.

"Sure kayo wala kayong lugaw?" Dinig kong sabi niya. Napangisi ako, he's funny. Based on his looks hindi naman siya baliw, actually mukha siyang mayaman. He's gwapo.

"Miss here's your order po." Nginitian ko siya at kinuha ang order ko. Mabuti at gabi na kaya maunti lamang ang tao, madaling makahanap ng upuan.

Naalala ko ang kaibigan ko! Naiwan nga pala siya sa loob ng bar! Agad kong inilabas ang cellphone ko at idinial ang number niya.

"The fuck men? Bigla ka na lang nawawala!" Aniya pagkasagot.

"Ikaw nga 'tong biglang nawala sa dance floor eh, anyways nandito ako sa isang fastfood near that bar, umuwi ka na ganon din ako, kakain lang."

We bid our goodbyes then ended the line. Nanlaki ang mata ko nang mapansin na nakaupo na sa harapan ko yung lalaki kanina.

"Uhmm, sorry I didn't know you're sitting here." Sabi ko sabay tayo hawak ang tray.

"No it's okay, actually I want to eat with you." He said while still looking at his food. Weird.

Hindi ko inintindi ang sinabi niya at naghanap na lamang ng ibang mauupuan. Laking gulat ko nang sumunod pa rin siya sa akin.

"You're rude, I told you I wanna eat with you." Aniya sabay upo. "And you're weird by the way." Tinaas ko ang aking kilay. Ako pa ba ang weird?

"And why is that?"

"Ngayon lang ako nakakita ng magandang babae pero gumagala ng walang sapatos."

I felt my face heated up. Nakalimutan ko na wala nga pala akong sapatos! Ganon na ba kakapal ang kalyo ko sa paa para hindi maramdaman ang sahig?

Binaliwala ko ang kanyang sinabi at kumain na lamang. Napansin ko na ang bilis niya kumain. Gusto niya ng race?

Binilisan ko rin ang aking pagkain, alam kong mauunahan ko siya. Nang matapos ako ay agad ko siyang tinignan para sana asarin ngunit agad ko itong pinagsisihan. My eyes met his, napaawang ang kanyang bibig. Tingin ko'y ganon din ako.

His eyes, they're incredible. Isang tingin ko pa lamang ay nakaramdam ako ng kalayaan. Kalayaan na matagal kong hangad, kalayaan na gusto kong maramdaman.






Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon