Chapter 3

9 0 0
                                    

Matapos kong ipasok ang mga maletang dala ko ay lumabas din agad ako upang kunin ang natirang gamit sa aking kotse. At katulad ng inaasahan, nakasunod pa rin sa aking ang lalaking laging nakangiti. Habang naglalakad ay naisipan kong kausapin siya.

"My name's Asena by the way, you are?" Nilingon niya ako habang nakaplaster pa rin ang ngiti sa labi. Yung totoo, hindi ba nangangawit ang isang 'to?

"I'm Milo." Simpleng sabi niya. Napangiti ako dahil ang weird din ng pangalan niya, but I find it cute.

Nang makarating kami sa parking ay agad kong binuksan ang compartment ng aking kotse, tinulungan naman ako ni Milo sa pagbubuhat, or should I say, siya na talaga ang nagbuhat.

"Bakit hindi ka nagtawag ng boy?" Huli na ng maisip kong dapat ganon na nga lang ang ginawa ko. Masyado akong nadala sa mga nangyari kanina kaya't nakimutan ko ang mga dapat kong gawin.

"Uhm, nakalimutan ko na pwede nga pala iyon." Ngumiti siyang muli at naunang maglakad.

"Salamat ulit Milo, sobrang laking tulong na nito. Baka naman may kapalit ito?"

Inilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng kanyang pantalon habang nakangisi. "Yeah meron, pero pag iisipan ko muna kung ano iyon." Aniya at biglang tumalikod.

Isinara ko na ang pinto at naupo muna sa isang couch sa loob ng aking unit. Pinagmasdan ako ang kabuuan nito. It has a  minimal design. I like it, nakakarelax tignan, hindi masakit sa mata.

I wonder who chose this design, I guess iyong mga assistant lamang nila mommy. Well thanks to them, maganda ang taste nila.

Ipinasok ko na muna ang mga damit ko sa isang closet sa aking kwarto. Naalala ko na wala nga pala akong groceries o kahit ano man lang na nakastock dito dahil bago lang din ito. Siguro ay mamimili ako mamaya pagkatapos kong mag ayos ng gamit. Ngunit naramdaman ko na lang na bumibigat na ang aking mga mata kaya pinili ko na lamang matulog kahit sandali.

"Asena, you wake up!" Nagising ako sa sigaw ng aking ina na nakapasok na pala sa aking silid. "Ano itong nabalitaan ko? Bumagsak ka raw sa isang subject mo? Sa Math?" I can sense anger in her voice dahilan ng pagkatakot ko.

Yes it's true, bumagsak ako sa Math. Sobra akong natakot dahil alam ko na ganito ang kahahantungan nito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko ito, ngayon ay alam na nila mas lalo akong natakot.

Yumuko ako, handang tanggapin ang mga pang iinsulto galing sa ina.

"Hindi ka na talaga nahiya ano? Lahat naman ay ibinibigay namin sa'yo! Lahat ng luho ay meron ka pero bakit ang kapal pa rin ng mukha mong ibagsak ang isang subject na 'to!" Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Pinanood ko itong bumagsak sa kahoy na sahig ng aking silid.

"Alam mo walang bobo sa pamilyang ito, hindi ko alam kung bakit natatangi kang ganyan! Bakit hindi mo gayahin ang ate mo? Lahat ng ibinibigay namin ay sinusuklian niya! Kung alam ko lang, sana ay hindi na kami nag anak ulit ng daddy mo! You're a disgrace to this family!" Kumawala ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Kahit kailan hindi naging sapat ang mga ginagawa ko para sa aking mga magulang. Kahit kailan ay hindi nila ako ipinagmalaki. Nagmumukha akong basura sa tuwing kasama ko sila.

This subject, ginawa ko ang lahat ng makakaya ko ngunit talagang hindi pa rin sapat upang pumasa ako. Siguro totoo nga ang sinasabi niya na bobo ako.

Iniangat niya ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa ay naramdaman kong dumapo sa aking pisngi. Agad na namanhid iyon at mas lalong lumakas ang aking hikbi.

"You! Lumayas ka dito, hindi ka kabilang sa pamilyang ito! Wala akong anak na bobo!"

Iminulat ko ang mata ko. Agad kong napansin ang liwanag ng buwan mula sa veranda ng aking kwarto. Inabot na pala ako ng gabi sa pag tulog at hindi pa pala ako kumakain!

Pumunta ako sa banyo upang maligo at magbihis. Ngayon ako maggrocery at siguro kakain na rin sa labas dahil matatagalan kung uuwi pa ako rito para magluto.

Mabuti at may malapit na grocery sa aking condo. Siguro ay dito na rin ako mamimili sa susunod na mga lingo.

Namili ako ng mga kailangan ko sa bahay. Hindi naman ganon katagal ang pamimili dahil para sa akin lang naman ang mga iyon kaya't maaga rin akong natapos.

"Hi." Napatalon ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Milo wearing his creepy smile again.

"Ginulat mo 'ko!"

"Obvious ba?" Iba rin itong lalaking ito ano?

Naliit ang mata ko. "Sinusundabmn mo ba 'ko?"

Namulsa siya at umingkayad ng kaunti at agad din umayos ng tayo. "Ganon na nga siguro? And let me help you with that.'' Agad niyang inagaw ang mga bag ng pinamili ko sa aking kamay.

"Akin na yan, hindi naman gaanong mabigat yan." Sabi ko habang inaaabot muli ang mga pinamili.

Kumunot ang noo niya. "Bakit ba ayaw mong tinutulungan ka?"

"Eh kasi nakakahiya naman sa'yo, hindi naman tayo close tapos ikaw ang magbubuhat ng mga gamit ko."

Ngumisi siyang muli. "Edi makikipagclose ako sa'yo." Nagulat ako roon. "I can see something in your eyes. I bet ako lang ang nakakakita niyan." Aniya habang nakatitig sa aking mata.

Once again, nakita ko ang mga matang hinahangaan ko. Ang mata niyang pakiramdam ko'y puno ng kasiyahan at kagaanan.

Nauna siyang maglakad ngunit agad din huminto. "Saan ang kotse mo?"


Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon