Chapter 11

0 0 0
                                    

Labis ang aking pangungulila noong umalis si ma'am Cervantes dito sa paaralan. Sinubukan kong kausapin ang aking mga magulang tungkol dito ngunit bulyaw lamang ang aking inabot.

Hindi ko maintindihan kung bakit napaka sama ng tadhana sa akin. Kung sino pa ang kaisa isang tao na nakakaintindi sa akin ay siya pa ang inilalayo. Wala naman akong natatandaang may ginawa akong masama para parusahan ako ng ganito.

Sumilip ako sa siwang ng kwarto ni ate. Kita ko na masayang masaya sila habang nagsusukat ng gown na kanyang isusuot para bukas. Ito ang pinaka hihintay na araw niya.

Bukas gaganapin ang kanyang ika labingwalong kaarawan kaya busy ang lahat sa preperasyon.

Bumaba ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Sinilip ko ang orasan mula rito at nakitang pasado alas syete na. Tulad ng nakasanayan ay hindi nila ako tinatawag upang sumabay sa kanila sa hapag. Wala naman akong sakit na nakakahawa kaya hindi ko alam kung bakit ayaw nila 'kong kasama.

"Manang kumain ka na?" Tanong ko sa isang kasambahay na narito. Maging sila ay mailap sa akin na labis ko pang ikinalungkot. Bakit ba hindi nila ako matrato na parang isang normal na tao?

Sa tuwing nakikita kong magkakasama sila mommy ay maayos naman sila, masaya at nagtatawanan. May mali ba sa akin?

"Okay! 1...2...3" Bilang ng isang photographer sabay click sa kanyang camera. Habang nagkakainan ang ibang tao ay kinukuhanan naman ng litrato ang mga gustong magpakuha. Syempre kasama kaming pamilya roon. Silang tatlo ay masayang magkakadikit sa gitna, habang ako ay parang multo na narito sa gilid.

"Madame, please come closer to your family." Sabi ng photographer. Lumapit ako ng kaonti, natatakot na madikit ang balat sa kanila.

"Ano ka ba Asena dear? Halika nga rito!" Ani mommy sabay hila sa akin palapit. Hindi agad ako nakapag react dahil hindi naman siya ganito sa akin sa loob ng bahay. Is this juat for show?

Ngumiti ako nang muling magbilang amg photographer. Ang tunog ng flash ng kanyang camera ay nanuot sa aking tenga, ang ilaw naman nito ay nakasilaw sa akong mata.

Nagpapasalamat ako dahil kahit minsan ay tinrato nila ako bilang kapamilya. Bilang anak. Kahit alam ko na palabas lamang ito.

Tawanan at hiyawan ang naririnig ko habang kinukuhaan ng litrato ang debutante at kanyang mga pinsan, kasama rito syempre si Milo.

"Milo ang harot mo! Umayos ka nga!" Bulyaw ng isang babae niyang pinsan. Ang saya nila tignan, parang close na close sila sa isa't isa. Lalo akong nakaramdam ng kalungkutan. Ni minsan ay hindi ko nakabonding ng ganyan ang aking mga pinsan, sa side man ni mommy o ni daddy. Si ate ang madalas kong makita na kasama nila.

"Pack up guys! It's a day! Good job everyone!" Sigaw ni Dimitri sa amin at mabilis na bumaling sa debutante.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay lumapit sa akin si Milo habang nakapamulsa. "Nag drive ka? Mag isa?" Tanong niya. My breathing hitched. Kakaiba talaga ang dulot sa akin ng kanyang presensya.

His manly scent attacked my nose. Hindi ko madalas magustuhan ang matapang na pabango ng lalaki ngunit iba kapag kay Milo. Nakakakaba, nakakaadik.

Tumango ako bilang sagot. Sa ilang araw na nakasama ko si Milo, alam ko agad na may kakaiba sa akin. Ang biglang pagbilis ng puso ko sa tuwing lalapit siya, ang pagkatulala sa kanyang mga mata, at ang pagkamangha sa kanyang mga ngiti. Banyaga ngunit masarap sa pakiramdam. Masarap at nakakatakot.

"Malapit nang dumilim, I'll drive for you." Prisinta niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya, gulat sa kanyang sinabi.

"Hindi na Milo! Kaya ko naman ang long drive." Sagot ko sabay suot ng aking back pack at nagsimulang maglakad. Kailangan kong umiwas habang maaga. Hindi ko kayamg sumugal sa ganito. Hindi pa ngayon.

Ang mga kilos at salita niya sa'kin ay may ipinapahiwatig. Ayokong mahulog at malunod sa ganito. Ang simpleng pag tanggi sa kanyang mga alok ay makaktulong sa pag buo ng pader sa pagitan namin. Hindi ko pa siya ganon kakilala, ni hindi ko alam kung may girlfriend ba siya o wala. Ngunit sa itsura niya ay siguradong mayroon.

Kung talagang mabait siya at gusto lamang tumulong ay lalayo pa rin ako dahil kilala ko ang sarili ko, mabilis akong mahulog lalo na sa mga tulad ni Milo.

His jaw clenched. Kita ang pagiging seryoso ng kanyang mukha, not the usual Milo I know.

"Maliwanag pa kanina kaya okay lang na magdrive ka mag isa, ngayon madilim na at hindi ko hahayaan iyon." Aniya at nauna nang maglakad. Binilisan ko ang aking lakad upang mahabol siya.

"Milo okay lang, kaya ko na." Hinawakan ko siya sa braso na agad kong pinagsisihan. Naramdaman kong muli ang pamilyar na kuryente sa tuwing lumalapit ako kay Milo.

Napasulyap siya saglit sa kanyang braso at sumunod ay sa akin. Siguro ay naramdaman niya rin iyon kaya siya natigilan.

"You're eighteen right?" Tumango ako. "Ibig sabihin ngayong ka lang din nagkaroon ng lisensya? Ayoko, ako ang magdadrive, baguhan ka pa lamang." Seryosong sabi niya. Nakakapanibago ang Milo sa aking harapan, hindi siya ngumingiti ngayon.

"Kaya ko-" Hindi niya 'ko pinatapos at bigla na lamang hinablot amg susi sa aking daliri at binuksan ang aking sasakyan.












Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon