Chapter 10

0 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw na wala pa rin akong natatanggap na tawag mula kay Dimitri. Wari ko'y wala pa rin naman talagang kumukuha sa kanya bilang event organizer.

Ngayon, iba ang araw na ito. Pagkagising ko kaninang umaga ay nakatanggap ako ng tawag kay Dim at sinabi niyang mayroon daw isang shoot ngayon at kailangan ako roon. Nagpapasalamat ako dahil kung wala ito ay baka mabaliw na ako sa dito sa bahay.

Inayos ko ang mga dapat kong dalhin. Ang aking camera ay isinilid ko sa bag nito. Ang mga personal ko namang gamit ay inilagay ko sa isang back pack.

Binuhat ko ang aking tripod dahil hindi naman ito kakasya sa aking bag. Pinagmasdan ko ang aking itsura sa salamin, simpleng white t shirt at faded jeans lamang ang sinuot ko, sigurado ay magiging stressful ang araw na ito kaya mas pinili ko ang magsuot ng ganito.

Ang buhok kong hanggang bewang ay ipinusod ko upang hindi makasagabal sa shoot mamaya.

"Am I late?" Tanong ko kay Dimitri pag dating ko. Masyadong mahaba ang byahe mula Maynila hanggang dito sa tagaytay kaya medyo natagalan ako.

"Echosera ka, ang aga mo nga eh." Sabi niya habag nagsusulat sa isang papel. "Package ang kinuha ng debutanteng ito kaya pati photographer ay sa akin." Dagdag niya.

Inilibot ko ang aking paningin sa venue. Isa itong garden, sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang puno may nakasabit na duyan dito. Inilabas ko ang aking camera at dumeretso sa duyan.

Tahimik at payapa ang lugar, tanging huni ng mga ibon at hindi kilalang insekto ang aking naririnig. Sinubukan kong kumuha ng isang litrato at iniadjust ang aking camera.

Noong bata ako ay palagi kong pinapangarap na magkarooon ng magandang debut, pakiramdam ko ay isa kang prinsesa kapag may ganito kang birthday. Ngunit mula pagbata rin ay hindi man lang ako nakaranas ng handaan sa amin. Ipinagtataka ko kung bakit si ate ay mayron noon samantalang ako, katulong palagi ang kasama sa tuwing kaarawan.

Iniisip ko rin kung ano ang sinasabi nila mommy sa mga kaibigan niya kung wala akong celebration.

May narinig akong mga tawa sa may bukana ng gate kaya tumayo ako at sinilip iyon. Nakita kong mga kabataan iyon, sa tingin ko'y mga kaedaran ko. Maaaring pinsan o 'di kaya'y kaibigan ito ng debutante. Sinalubong sila ni Dimitri at may kung anong sinasabi.

Nagpatuloy ako sa pagkuha ng litrato dahil manghang mangha ako sa lugar na ito. Sana ay makabalik pa ako rito.

"Hi." Napatalon ako dahil may biglang sumulpot sa harapan ng aking camera. Tinignan ko kung sino iyon at nanlaki ang mata nang makitang si Milo iyon!

Ngumisi siyang muli at kunaway. Mas lalong nadedepina ang kanyang kagwapuhan 'pag siya'y nakangiti. "I didn't know you're the photographer."

For a moment I'm speechless.

"Pinsan ako ng debutante, I'm glad na kayo ang kinuha nila tita bilang event organizer."

"Oh! That's great!" Nagpeke ako ng tawa upang mawala ang awkwardness na aking nararamdaman.

"Asena, you're there! Hindi ko alam na pinsan pala ni Milo ang debutante! This is exciting! Wag ka nga lang magkakalat dahil baka magaya ka sa nauna kong photographer." Sabi niya sabay halakhak.

"Tumahimik ka nga Dim! Nasaan na nga pala ang team na sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Oh! Buti pinaalala mo, nasaan na kaya ang mga ugok na iyon." Sagot niya at nagsimulang pumondot sa kanyang cellphone.

Hinarap ko si Milo at muntikan na akong matakot dahil pag harap ko ay makangiti pa rin siya habang ang dalawang kamay ay nasa likuran.

"Milo! Tara dito!" Dinig kong sabi ng isa sa mga kasama niya. Sinulyapan lamang ito ni Milo saglit at ibinalik ang tingin sa akin. Baliw ba talaga ang isang 'to?

"Milo tara-" Naramdaman ko sa aking gilid ang kanyang pinsan. "Hey there miss, I'm Idris. You are?" Inabutan niya ako ng kamay. Aabutin ko sana ito ngunit hinarangan ito ni Milo. "Woah! Milo sino ba itong magandang binibini sa aking harapan at ayaw mong ipakilala sa akin? Is she one of your girls?" Medyo na offend ako sa kanyang sinabi. One of his girls? So ibig sabihin marami siyang babae?

"As far as I know wala ka namang pakialam sa mga flings mo ah, bakit ayaw mong magshare?" Halakhak ni Idris.

"Back off Idris, doon ka na nga sa mga pinsan natin!"

Halos pareho sila ng features ni Milo, pareho silang mukhang playboy only that mas mukhang mature si Milo kesa rito.

"Ipakilala mo muna ako sa kanya Milo! Sino ba siya?!" Bumuntong hininga si Milo, napansin kong hindi na pala siya nakangiti.

"Fine, Idris this is Asena. Asena this is Idris, kapatid ko." Pagpapakilala niya. Kaya pala magkamukha sila dahil magkapatid sila.

"Ang ganda naman ng pangalan mo, nice to meet you Asena." Nakangiti siya nang muling iabot sa akin ang kanyang kamay. This time ay naabot ko ito ng maayos at hindi pinigilan ni Milo.

"Thank you, nice meeting you too." Sagot ko. Agad naman pinaghiwalay ni Milo ang aming kamay at tinulak palayo ang kanyang kapatid.

"Asena thay're here, halika at ipakikilala kita sa kanila." Ani Dimitri. Nagpaalam ako saglit kay Milo dahil kailangan na rin nilang magpalit.

Ipinakilala sa akin ni Dimitri ang aking mga katrabaho. Dalawa lamang sila at parehong lalaki. Kaedad ko lamang sila at mga mukhang mababait.

"Nice to meet you both." Bati ko sa kanila. Pareho din silang nag iwas ng tingin at namula, ang isa ay napakamot pa sa batok.

"Ay nako, alam kong nakakailang ang kagandahan ni Asena pero sana ay maging kumportable kayo sa isa't isa magiging regular niyo na siyang katrabaho at mahirap kung may ilangan sa inyo." Sita ni Dimitri sa kanilang dalawa. Siniko ko naman siya. Bakla talaga to!

"Oo nga, dapat ay maging magkakaibigan tayo!  Zack, Kael." Tinanguan ko sila at nginitian.

"Aray mukhang ngayon pa lang basted na tayo Kael!" Biro ni Zack na nagpatawa sa aming lahat.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya nilingon ko ang pinang galingan noon. Nakita ko si Milo na seryosong nakatitig banda rito. Nahuli ko ang mga mata niya kaya nginitian ko na lamang siya at nag iwas. Hindi ko kayang tumagal sa mga titig niya.

Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon