Chapter 4

2 0 0
                                    

Inaya niya akong kumain sa isang malapit na restaurant. Kaya naman iying lakarin kaya iniwan na lamang namin ang aming sasakyan sa parking dahil mayroon din pala siyang dala.

"What do you want?" Tanong niya pagkaupo namin sa isang lamesa.

Binuklat ko ang menu at pumili ng magugustuhan nang may mahagip ang paningin ko.

There they are, happily eating without me. Alam kong may sinasabi si Milo na nasa harapan ko ngunit napako ang tingin ko sa aking pamilya. My mom's very happy ganoon din sila daddy.

Who am I? Kabilang ba talaga ako sa kanilang pamilya? Kahit ang mga tita ko ay hindi maganda ang pakikitungo sa akin. Ngayon ko lang natanto ang mga ito. Makes me wonder if I am really a Reyes.

Sa side ng mommy ko ay ganoon din. Hindi ako masyadong close sa kanila. The Chen's are mixed with Chinese, probably where I got my chinky eyes. Kung ikukumpara kay ate ay ako siguro ang mas nakamana ng singkiting mata ng mga Chen. Si ate ay mas nakuha ang dugo ng nga Reyes, from her pointed nose, pouty lips and white skin. Halata na agad na nagmula sa kanluran ang kanilang lahi.

Hindi ko namalayan na sinusundan na din pala ni Milo ang aking tingin. Napansin din siguro niya ang pagkatulala ko.

Bumalik ako sa aking ulirat nang biglang iharang ni Milo ang menu sa aking mata at tinawag ang waiter.

Sinabi niya ang kanyang order at ibinalik ang menu. Naglabas siya ng sleeping mask at isinuot ito sa akin.

"We will play. Habang suot mo yan ay huhulaan mo kung ilan ang nakalabas na daliri ko."

Napangiti ako. Alam kong ayaw niya lang makita ko ang pamilya ko.

"How did you know?" Naramdaman ko ang biglang pagtigil niya sa kung ano man ang ginagawa.

"I don't know what's your story but I can see pain in your eyes." Sambit niya. Tumulo ang luha ko. Mabuti ay natatakpan ng sleeping mas ang aking mata kaya't hindi niya ito nakikita.

At last! May nakapansin din!

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang aming order. He ordered for me. Hindi ako ang pumili nito ngunit tingin ko ay masarap naman ito.

"Anong course mo?" Tanong niya habang kumakain.

Okay it's time to be nostalgic again.

Isa rin sa dahilan kung bakit lalo akong ikinahiya ng pamilya ko ay dahil hindi ko kinuha ang course na gusto nila para sa akin. They wanted me to take something about business, which I don't like. It's obvious na I hate numbers and lalo na ang sales talking.

Mahiyain ako kaya tingin ko'y hindi ko ito kaya. Kumuha ako ng kursong taliwas sa gusto nila. Ayaw man nila ngunit dito ako masaya. Dito nagsimula ang aking pag aaklas. I took fine arts. Hindi nila ako binigyan ng kahit anong pera pang enroll o kahit pambaon. Mabuti at may mga pera akong naitransfer mula sa account na ibinigay nila sa akin patungo sa aking sarili.

Iyon ang ginamit ko upang makapag enroll sa kursong gusto ko. Umabot ito hanggang ngayong pangatlong taon ko sa kolehiyo. Ngayon ay pinoproblema ko kung paano ang susunod pang taon ng aking pag aaral.

"Fine arts, how about you?" I smiled at him. Nakakahawa rin pala ang pagiging palangiti ng isang ito.

"Business management." He smiled.

"Do you like it?" Tanong ko muli.

"Yes ofcourse, actually I love it."

"That's good." Atleast hindi siya pilit sa kanyang kurso.

Matapos kumain ay dumeretso na kami sa parking ng kani-kaniyang sasakyan at nagpaalam sa isa't isa.

"See you around." Aniya at naglakad ng may patalon talon pa.

Pagkauwi ay agad kong iniayos ang aking mga pinamili. May kaunting oras pa ako ngayong summer. I should be relaxing like other teens. Ngunit hindi, kailangan kong maghanap ng trabaho para may pangtustos ako sa aking mga pangangailangan. Naglayas ako kaya siguradong wala akong matatanggap na kahit ano mula sa kanila.

Tinawagan ko ang isa kong kaibigan na si Dimitri Seranilla. Isa siyang event organizer at sakanya ako ako humihingi ng sideline pag nangangailangan. Ngayon ay hindi lang side line ang kailangan ko, I need a full time job that will fit my schedule while I'm studying.

"Hi Dim! How are you?" Bungad ko agad pagkasagot niya ng telepono.

"Ito stressed, tamang tama at tumawag ka. I badly need a photographer! Akalain mo ba namang mang gulo yung photographer na palagi kong sinasama sa mga event!" Wow thank you Lord! This is such a blessing!

"Really? Actually I did call you kasi I also need a job thay will cooperate with my schedule."

"Ah! Don't worry about that, kadalasan naman ng event ko ay pumipili ng weekend shoot so wag mo na alalahanin iyon. And by the way hindi ka nag iisa, you have your team! Dahil yung main photographer lang naman ang umalis, naiwan sa akin ang kanyang mga alalay."

This is a good start!

"Sure Dimitri, I will accept that job!"

"O sige, magkita tayo sometime para mapag usapan natin ang iba pang details. Kailang ka ba available?" Aniya sa kabilang linya.

"I'm free anytime, ikaw ba?"

"Okay, tomorrow 3 pm sa the yard!"

"Surely! Thank you Dim!"

Pagkababa ko ng telepono ay siyang pagtunog ng door bell hudyat na may tao sa labas.

Binuksan ko ang monitor sa pintuan para makita kung sino ito. Laking gulat ko nang makita si Milo na nakapamulsang nakatayo sa harap ng aking pintuan. And as usual, he's wearing that creepy smile again.

Anong kailangan niya? Hindi naman sa naiinis ako sa pagsulpot sulpot niya, actually I'm enjoying his accompany. It's just that, he's weird, hindi niya pa ako kilala, ganoon din ako ngunit masyado na siya kung lumapit sa akin.

Nagtatalo ang isip ko kung bubuksan ko ba ang pintuan pero sa huli ay pinili ko pa ring buksan ito. I think it's rude kung hahayaan ko lang siyang magmukhang baliw sa labas buong araw.

Ngumisi siya ng labas ang ngipin. Napansin ko na may isa pala siyang dimple sa kaliwang pisngi niya. Masyado siyang gwapo para maging weird!

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong niya habang tinataas baba ang kilay.

Kumunot ang noo ko. "What do you need?"

"Ang sungit mo Asena! Papasukin mo na nga ako!" Aniya sabay tulak sa pinto kaya mabilis akong gumilid. Siya naman ay mabilis nagpunta sa kusina at ramdam kong naghahalukay siya ng pagkain.

At home?

"Kakakain lang natin kanina pagkain agad ang hinahanap mo?" Tanong ko at napairap.

Nahanap niya ang isang kahon ng choco mallows at isang bote ng C2. Bumalik siya sa rack at may hinanap muli. "Nasaan yung bread pan? 'Di ba bumili ka?"

Grabe ang isang ito! Pati iyon ay nalaman niya?

"Binuhat ko ang mga pinamili mo remember." Aba at nababasa niya talaga ang mga naiisip ko ha! Hindi niya na ako pinagsalita at dumeretso sa couch sa aking sala. Napailing na lamang ako ng buksan niya ang TV.

Should I go back to my family's house? Mukhang araw araw akong gagambalain ng baliw na ito.






Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon