Chapter 9

0 0 0
                                    

Niyugyog ako ng kaunti ni Milo ng mapansing hindi ako gumagalaw. Nilingon ko siya at hindi pa rin ako makahinga ng maayos.

Muli, nakaramdam ako ng banyagang pakiramdam.

Lumulutang sa isang malawak na dagat, nakakatakot ngunit masarap sa pakiramdam. Kung hindi mag iingat ay maaaring malunod. Naghahanap ng makakapitan hanggang sa may humila at ikinarga sa mga bisig.

"Are you okay?" Dinig kong sabi niya habang ako ay unti unting bumabalik sa ulirat. Marahan kong tumango siya naman ay nag aya nang umuwi.

"Nabalitaan mo yung nangyari kay ma'am Cervantes? Napatalsik daw siya dito sa school, nakikisawsaw kasi lagi sa problema ng mga estudyante." Dinig kong sabi ng ilang estudyante sa dinaraanan kong pasilyo.

Agad akong tumakbo patungo sa faculty para lamang maabutan si ma'am Cervantes na naghahakot ng kanyang mga gamit.

"Ma'am!" Nilingon niya ako habang may kaunting luha sa mata. "Sila mommy po ba ang may gawa nito?" Hinawakan niya ang aking mga kamay at nginitian ako.

"Matagal ko na ring gustong mag resign dito Asena. Magpupunta ako sa abroad, mas maganda ang sahod doon, malaki rin naman dito ngunit hindi sapat sa pagpapagamot ng aking asawa." Hinaplos niya ang buhok ko. "Magpapakabait ka Asena. Tandaan mo, maging matapang ka. Alam kong malakas ka kaya huwag mong hahayaang saktan ka muli ng iyong pamilya. Sundin mo ang gusto ng puso mo at hindi ng pamilya mo."

Nagising ako ng may luha sa mga mata, napa upo ako at napahikbi.

Madalas ay dinadalaw ako ng aking nakaraan. Pinapaalala ang mga sakit at lungkot na dinanas ko noon.

Tumunog ang doorbell kaya tumayo na ako para tignan kung sino ang tao sa labas. At tulad ng inaasahan, narito na naman ang lalaking baliw na laging nakangiti.

Binuksan ko ang pinto habang siya naman ay patalon talon na naglalakad patungo syempre, sa kusina.

Sinundan ko siya dahil hindi pa rin ako nag aalmusal. Kumuha siya ng mga pagkain pagkatapos ay lumingon sa akin. Bigla siyang nanigas at parang nakakita ng multo, nag iwas siya ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko dahil madalang siyang magbigay ng ganong reaksyon.

"Magbra ka nga!" Bulyaw niya na nagpatalon sa akin. Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib, nakalimutan kong wala nga pala aking suot na bra!

Dumating na naman ang panahon na hinihiling ko na lamang na sana ay lamunin ako ng lupa.

Dali dali akong tumalikod at tumakbo patungo sa aking kwarto. Nagsipilyo at naghilamos n rin ako dahil alam ko na mukha akong baluga kanina.

Pag labas ko ay naabutan ko si Milo na masayang tinititigan ang sandwhich na tingin ko siya ang may gawa.

Nag angat siya ng tingin sa akin habang nakangiti pa rin.

"Ano yan?" Tanong ko at umupo na rin. Binigyan niya ako ng isa at tinanggap ko naman iyon.

"I made it, grilled cheese sandwhich." Lalong lumapad ang kanyang ngisi. "Sorry I used your kitchen."

Tinikman ko ang kanyang niluto at namangha sa lasa nito. Para sa tulad niyang may sapi, hindi ko akalain na marunong siyang magluto. Oo at marunong din ako ngunit puro instant at mga prito lamang ang aking niluluto dahil mag isa lamang ako dito.

"Masarap?" Tanong niya at pinagsiklop ang dalawang kamay. Tumango ako at ipinagpatuloy ang pag kain.

Habang tumatagal ay naiilang ako sa kanyang mga titig. Ramdam ko ang paghalukay niya hanggang sa kaloob looban ng aking pagkatao.

"Stop staring, it's rude." Sita ko sa kanya.

"If staring at you is rude then I'm willing to be rude forever." Sabi niya na naging dahilan ng muling paghuhuramentado ng aking puso.

Sa kanyang sinabi ay nag umpisang malito ang aking isipan. Bakit niya sinasabi ang mga iyan? Ano ang dahilan ng mga pagtulong niya sa akin?

Maraming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Kung hindi niya ito titigilan ay maari akong malunod sa dagat na matagal ko nang iniiwasan. Dapat ay bumuo ako ng mas matibay at mataas na pader upang maging handa kung sakaling lumaki ang alon.

Tumayo siya at nagulat ako ng halikan na naman niya ako sa aking pisngi, pagkatapos ay patalon talon siyang lumabas ng aking unit.

Napatitig ako sa aking kinakain. Kung ano man itong nararamdaman ko, wala akong panahon para pagtuonan ito ng pansin. Ang tanging kailangan ko ngayon ay makapagtrabaho ng maayos at makapag tapos ng aking pag aaral. Ito ang tanging gusto ko upang hindi na ako maliitin ng aking pamilya. Baka sakaling maipagmalaki naman nila ako.

Wala akong gagawin buong maghapon dahil wala rin namang tawag si Dimitri na may shoot ngayon. Naisipan kong lumabas at bumili ng canvas board. Gagawa na lamang ako ng painting upang dito maibuhos ang halo halong emosyon na aking nararamdaman ngayon.

Pagbalik ko sa aking unit ay nilatagan ko ng plastic ang aking pag gagawaan. Ipinatong ko sa isang stand ang biniling canvas board pagkatapos ay nagsimula na akong maghalo ng kulay.

Hindi ko namalayan na hating gabi na pala. Pinagmasdan ko ang aking gawa.

It's blunt. Isang cage na hindi nakakandado. Sa labas nito ay isang maganda at malawak na hardin kung saan may mga nagliliparang paru-paru.

Kung tititigan ito ng ordinaryong tao ay magiging ordinaryo lamang din ito, walang espesyal. Ngunit iba ito para sa akin. Sa akin ay isa iting obra maestra kung saan nakapaloob ang milyon milyong emosyon.









Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon