Chapter 7

5 0 0
                                    

Pagkatapos kumain ang nag aya si food park na kanyang tinutukoy, gabi pa daw ang bukas non kaya maglibot daw muna, gusto ko sanang tumanggi dahil alam kong naiinip na si Milo pero sabi niya ay okay lang daw.

"Basta kasama kita hindi ako maiinip." Sambit niya na naging sanhi ng pagyugyog sa akin ni Dimitri.

"Girl magkuwento ka naman! Kamusta sila tita?" Tanong ni Dimitri habang naglalakad lakad.

Kahit na naglayas ako ay kailangan ko pa rin pagtakpan ang pamilya ko. Tinitingala ang mga Reyes at Chen, alam kong mayroon silang pangalang pinahahalagahan.

"I think it's time to live by myself, matagal ko na plano ito dahil I'm in legal age na rin naman."

Mukha naman naniwala siya sa sinabi ko kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nagpaalam ako sa kanila na magc-cr ako saglit, pumayag din naman si Dimitri dahil naiihi na rin daw siya. Si Milo naman ay maghihintay na lang daw sa amin sa labas.

Walang tao nang pumasok ako sa isang cubicle. Bubuksan ko na dapat ang pintuan para lumabas ngunit may narinig akong yapak.

"Yes she's here, nawala lang siya saglit sa paningin ko but I promise mahahanap ko rin siya." Tumigil siya saglit, wari ko'y pinapakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Yes ofcourse ako lang ma isa dito. Makukuha natin siya in no time I swear, at sa atin naman talaga siya noon pa." Dinig kong sabi ng babae sa labas. Pinakiramdaman ko muna at hinintay siyang makalabas bago ako.

Bakit iba ang pakaramdam ko sa boses na iyon? Pinilig ko ang ulo ko at inalis ang mga iniisip. Naalala ko na may naghihintay nga pala sa akin.

"Hi." Bigla na namang sumulpot si Milo sa aking gilid habang nakapamulsa at nakangiti

"Nasaan si Dim?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam siya saglit, may bibilhin lang daw siya, sabi niya magkita na lang daw tayo sa tapat ng fountain." Hinanap ng mata ko ang fountain, nahagip ko iyon sa hindi kalayuan.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Milo ang aking kamay, he intertwined our fingers then he smiled widely. May kakaibang kuryente na naglakbay mula sa aking batok patungo sa iba't ibang parte ng aking kamay. Dahil doon ay tinangka kong bawiin ang kamay mula sa kanyang pagkakahawak ngunit hindi ako nagtagumpay.

He looked into my eyes, nag iwas naman ako ng tingin. I can't, hindi ko kayang tumaya dahil sa ginagawa niya alam kong isang tingin ay mahuhulog ako.

Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko at ako naman ay panay iwas ngunit sa huli diya ang nag tagumpay.

I can see butterflies making its way throughout the cage. Flying freely after being caged for years, found their real home on the outside.

Once again I drowned. My breathing hitched at hindi ko ito namalayan. Bumalik lamang ako sa aking ulirat ng haplusin niya ang mukha ko.

"Asena, I wanna know you. I can see loneliness and sorrow in you eyes. I wanna change how they look. I will turn your sadness into happiness dahil hindi bagay sa mga matang iyan ang maging malungkot." Ngumiti siya at lalong nagningning ang kaniyang mga mata.

I really admire his eyes, kung maaari lamang kunin ito at pagmasdan na lamang ay gagawin ko.

Naupo kami sa isang bench malapit sa fountain. Dito na lang namin hihintayin si Dimitri.

"Do you have a bucket list?" Tanong bigla ni Milo.

"Bakit naman? Kailangan ba non? I'm not dying." Sabi ko at bahagyang natawan

"Hindi lang naman para sa mga mamatay iyon. Ang bucket list ay gabay sa mga bagay na gusto mong gawin. You know life is short kaya dapat ngayon pa lang ay inuumpisahan mo na ang mga yan." Aniya na parang nang aasar.

I stretched my legs dahil nangawit ako sa pag upo. Napatingin siya rito at tinampal iti ng bahagya. Tinignan ko siya ng masama.

"Don't stretch your legs! Naka shorts ka, gusto mo bang mapaaway ako?"

"Inaano ka ba ng legs ko?" This time ay natawa na talaga ako sa kanya. Ibinalik ko sa dati ang aking upo.

"Sa haba at kinis ng legs mong iyan sa tingin mo walang naakit na lalaki?" He said.

Hindi ko alam kung bakit sa maikling panahon na nakasama ko si Milo ay magaan na agad ang loob ko sa kanya. Ang ayaw ko lang ay sa tuwing titigan ko ang kanyang mga mata, iba iba ang aking nararamdaman at sinasabayan pa madalas ng pagiging abnormal ng puso ko.

Hindi nagtagal ay dumating na si Dimitri. Alas otso na rin kaya nag aya na siyang umalis. May dala siyang sariling kotse kaya naghiwalay na kami sa parking lot.

"Sakto at may banda daw na tutugtog ngayon dito!" Bungad sa amin ni Dimitri pagkadating namin sa the yard.

Mga pagkain, usok, ilaw at maingay ang sumalubong samin sa loob. Nakaramdam ako bigla ng gutom dahil hindi pa rin pala ako naghahapunan, tingin ko'y ganon din si Milo.

Naghanap muna kami ng upuan tsaka nagpasyang bumili ng pagkain. Naiwan si Dimitri doon dahil baka daw wala na kaming balikan kung lahat kami ay aalis. Nagpabili na lamang siya ng gusto niyang pagkain.

Nauuna ako sa paglalakad, nasa likuran ko naman si Milo habang naglalakad ng nakapamulsa. Binagalan ko ng kaunti ang paglalakad para masabayan siya.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Lumingon lingon siya sa paligid at naghanap ng maaaring kainin.

"Gusto ko ng tempura tsaka ng pizza, ikaw what do you want?" I also want tempura so siguro iyon na lang din.

"Tempura na lang din siguro. Kaso bibilihin ko muna yung sizzling na pinabibili ni Dimitri." Tumango siya at ngumiti, muli ay hinawakan niya ang aking kamay at naramdaman ko na naman na nakuryente ako.

Matapos maorder ang gusto ni Dim ay dumeretso kami sa stall na gusto niya. Una ay sa mga drinks, bumili siya ng isang tower ng iced tea sabi ko ay ako na ang magbabayad ngunit hindi siya pumayag.

Nang mapansin niyang tempura lang talaga ang inorder ko ay bumili pa siya ng mas marami, sinamahan niya pa ng takoyako at iba pa.

Sa dami ng nakahain sa lamesa ngayon ay namomoroblema ako kung paano namin ito uubusin gayong tatlo lamang kami.














Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon