Chapter 8

2 0 0
                                    

"Ang takaw mo pala." Puna sa akin ni Milo, si Dimitri naman ay tahimik na kumakain habang nanonood sa amin. "Kanina mukhang problemado ka pa dahil sa dami ng nakahain, kaya mo naman palang ubusin."

Sa sinabi niya ay hinihiling ko na lamang na sana ay lamunin na ako ng lupa. Ganon na ba talaga ako katakaw?

"Ay nako construction worker kasi yang si Sena kaya ganyan kumain. Ikaw naman Milo, wag mo kasing ginugutom!" Sabat ni Dim at malakas na tumawa. Isa na lang babatukan ko na ang baklang ito.

"Ganon ba? Huwag kang mag alala, pag akin na siya hinding hindi siya magugutom." Sagot naman ni Milo na nagpasamid sa akin. Agad naman niya akong inabutan ng tubig at hinimas himas ang likod ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"O bakit, tinutulungan lang kita!" Depensa niya.

"Heh! Bahala nga kayo diyan!" Sabi ko sabay tayo. Dumiretso ako sa cr para maghugas ng kamay. Dumarami na rin ang tao kaya pahirapan ang paglalakad patungo sa cr.

Pagkalabas ko ay halos hindi na ako makahinga dahil sa halo halong usok na nasa paligid. Nagulat din ako na mas lalo pang dumami ang tao, nagsisimula na palang tumugtog ang banda sa harap.

Mabuti at naka boots ako kaya hindi masakit kahit nararamdaman kong naaapakan ang paa ko. Ngunit hindi maiiwasan ang matamaan ng matutulis na kuko ng mga babae lalo na't mukhang oatay na patay sila sa tumutugtog. Sino ba ang bandang iyon?

Hindi na ako nagroon ng panahon para silipin kung sino ang nasa harapan, ang tanging gusto ko ay makalabas sa dagat ng taong ito.

Biglang may humigit sa braso ko at pinrotektahan ako hanggang sa makawala sa crowd na iyon. Iniangat ko ang aking tingin at nakitang si Milo iyon, bakas ang pag aalala sa kanyang mga mata. "Are you hurt? Bakit kasi bigla bigla ka na lang umaalis?!" Bulyaw niya. Sinuri niya ako at napadpad ang tingin niya sa aking braso na hawak niya. Napansin niya sigurong namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kaya agad niya itong binitawan at hinimas.

"Nagcr lang ako, hindi ko akalain na ganito karami ang taga hanga ng bandang iyan kaya nacorner ko roon."

Nanliit ang mata niya sa isang parte ng aking braso, dumudugo iyon, siguro gawa ng mga babae kanina. Hinawakan niya ang kamay ko ngunit mas marahan kumpara kanina at hinila palabas.

"Wait, nasaan si Dimitri?"

"Nauna na dahil biglaan daw umuwi ang kanyang magulang, pasensya na raw dahil hindi siya nakapagpaalam ng maayos sa'yo." Aniya habang mabilis na naglalakad.

Dinala niya ako sa malapit na convenience store at pinaupo sa isang upuan. Umalis siya saglit at pagbalik ay may dala dalang mga band aid at alcohol.

Umupo siya sa katabing upuan tsaka nilinis ang aking sugat. Hindi naman ito malalim kaya hindi rin ganoon kasakit.

Pag angat niya ng kamay ko ay napansin niya siguro ang peklat rito kaya nangunkt ang noo niya tsaka tumingin sa akin.

Ayokong tanungin pa niya kung saan ko ito nakuha kaya nag iwas na lamang ako ng tingin.

"Sana pala ay hindi na lang ako pumayag na sumama tayo papunta dito, nagasgasan ka pa tuloy." Seryosong sabi niya.

Inilabas niya mula sa plastic bag ang isang pamilyar na inumin at iniabot sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Favorite ko 'to ah!

"Dutch mill! Alam mo bang paborito ko ito!" Sabi ko habang excited na nilalagyan ito ng straw.

Ngumiti na naman siya ng pagkalaki laki at itinaas ang kilay. "Really? Favorite ko din ito!" Sabi niya na parang bata.

Ipinikit ko pa ang aking mata habang sinisipsip ang laman ng aking inumin.

Ayaw paawat ng aking mga luha dahil napagalitan na naman ako ng aking magulang.

Narito ako sa isang upuan malapit sa faculty, babalitaan ko ang aking guro na nalaman na ng aking mga magulang ang pagbagsak ko sa isang subject.

Kanina ay nakatanggap pa ako ng sampal mula sa aking ina.

Bumukas ang pintuan ng faculty at iniluwa noon si ma'am Cervantes na may nag aalalang mukha.

"Anong nangyari sa iyo hija?" Tanong niya at hinila ako patayo.

"Na-nalaman na po nila mommy."

Nagulat siya roon. "Agad? Kakaiba talaga ang koneksiyon ng pamilya ninyo." Huminto siya saglit para suriin ako. "Sinaktan ka na naman ba nila?" Agad akong umiling.

Hindi na niya kailangang malaman pa na sinaktan na naman ako ng aking ina kanina.

Nanliit ang mga mata niya, hinawakan niya ang pisngi ko at naluha akong muli ng may maramdamang hapdi roon.

"Iyan ba ang hindi sinaktan?" Hinila niya ako patungo sa infirmary at ipinalinis ang latay sa aking mukha.

Lumabas siya saglit at bumalik na may dala dalang dutch mill, ibinigay niya sa akin iyon at naupo sa aking tabi.

"Ang kinis kinis at puti puti mo pa naman tapos lalatayan ka lamang ng ganyan! At sa mukha pa talaga? Hindi pa ba sapat na binanlian ka nila noon sa kamay?" Napatingin sa'min ang nurse dahil napalakas ang daing ni ma'am.

Tumayo si ma'am at nagpasalamat sa nurse, pagkatapos ay lumabas na kami

"Huwg kang mag alala, ako ang bahala magpaliwanag sa mga magulang mo, sasabihin ko sa kanila na marami din naman ang bumagsak, hindi lang ikaw." Napangiti ako, alam kong ginagaw niya lamang ito upang pagaanin ang aking loob.

Si ma'am Cervantes ang kaisa isang nakakaintindi sa mga problema ko ngunit pati siya ay ipinagkait sa akin.

Pagmulat ng aking mata ay nakita ko agad si Milo na nakangiti habang nakatingin sa akin. Agad akong yumuko dahil sa hiya.

Feel na feel ko yata masyado ang pag inom ng dutch mill.

"Can you tell me about yourself?" Napatingin ako sa kanya. Naka pangalumbaba siya hang nakatingin sa akin.

"My name is Asena Dian Chen Reyes. I am eighteen years old. Tao ako, babae." Sabi ko sabay halakhak.

"Wow, that's too much info." He said sarcastically. "Bakit ka umalis sa inyo?" Bawing tanong niya. Nawala ang ngisi sa aking mga labi.

"Wrong move, never mind that. Ngumiti ka na lang ulit." Aniya.

"I want freedom." Sagot ko.

"Bakit nakulong ka ba?"

"Parang ganon na nga, oh! Mas malala pa pala doon."

"I see, by the say about your bucket list. Kung wala ka nito, ano na lang yung mga bagay na gusto mong gawin?" Tanong niya muli.

Napaisip ako. "I wanna have tats. Gusto ko matuto ng archery, gusto ko rin sumali sa drifting contest. Also I want to do target shooting. More adventures din, and lastly gusto kong makatulog sa mga nangangailan." Sabi ko at nginitian siya.

Lumapit siya at hinalikan ang aking pisngi. Hindi ako nakagalaw. Ang puso ko ay niaaway na naman ako. Kung kaninang hinawakan niya ang kamay ko ay bumilis ang tibok ng puso ko, ngayon ay mas dumomble ito.

Puso, hindi ka makikipagkarera kaya wag masyadong bilisan ang pagtibok!

Milo anong ginagawa mo sa akin?










Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon