Chapter 12

5 0 0
                                    

Akala ko ay dederetso na kami pauwi ngunit inihinto pa niya ang sasakyan sa isang malapit na restaurant.

Nauna siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Kumain muna tayo." Aniya at tangkang hahawakan ang aking kamay kaya agad kong iniwas iyon. Napaawang ang kanyang bibig. Nginitian ko siya at inilingan bilang pagtutol.

Namangha ako sa disenyo ng lugar. Magmula sa mga halaman na nakakabit sa brick wall, fairy lights, at sinamahan pa ng magandang tanawin ng tagaytay. Dahil madilim na, tanging mga ilaw at ang buwan na lamang ang kita sa labas. Mas maganda siguro kung umaga kami nagpunta dito.

May kumalabit sa akin kaya naman nilingon ko iyon. It's Milo, mas maaliwalas na ang kanyang mukha kumpara kanina.

"Upo ka na." Aniya habang naglalahad ng isang upuan para sa akin. Pagkaupo ay agad kaming nilapitan ng waiter at binigyan ng menu. Maging ang kanilang pagkain ay nakakamangha, lahat ay mukhang masarap!

"Ang dami mong inorder, ng takaw mo talaga!" Ani Milo. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nagniningning ang kanyang mga mata.

"Ikaw din eh!" Sagot ko dahil totoo naman, kalahati ng narito sa lamesa ay kanya.

Humalakhak siya. "Naniniwala na talaga ako kay Dimitri na may lahi kang construction worker."

Matapos kumain ay inaya niya ako sa labas ng restaurant. Mula dito ay mas kita ang mga ilaw sa ibaba.

"Hindi ko alam na may ganitong lugar dito." I said in an amused tone. Nilingon niya ako at ngumiti.

"Now you know." Umupo siya at sinenyasan na maupo rin sa kanyang tabi. Mula rito ay kitang kita ko ang perpektong pgkakahubog ng kanyang mukha. Ang katulad niya ay kayang magpa iyak ng babae sa isang pitik lamang.

"Malapit na ang pasukan, nakapag enroll ka na?" He asked out of nowhere. Now that he mentioned it, naisip ko kung anong year na niya at saan siya nag aaral.

"Next week pa ang enrollment sa amin. Saan ka nga pala nag aaral Milo? At anong year?" Sagot ko.

"Sa St. Agnes University. Alam mo? And I'm in third year college." Aniya at ngumiti habang sinisingkit ang mata. Malapit lang sa aming school iyon!

"Magkalapit lang tayo ng school?! Sa San Pascual University ako eh!"

"Talaga? So pwede pala tayong magsabay pumasok at umuwi?" Nalaglag ang balikat ko sa kanyang sinabi. Hindi ako sigurado doon. Dahil ngayon namumuhay ako mag isa, malamang pagkatapos ng klase ay dederetso ako sa opisina ni Dimitri o di kaya'y sumama sa kanya 'pag may shoot.

"Hindi pwede." I said in a low tone.

"Why?" Kumunot ang noo niya.

"Pagkatapos ng klase baka dumeretso ako kay Dimitri, may trabaho ako."

"Niloloko mo ba ako Asena? Your family is freaking rich, ang mga Reyes at Chen ay ipinanganak na may kutsara sa bibig, kahit humilata ka at hindi mag aral ay may pera ka. Now you're telling me you're working?" Aniya at bahagyang tumawa ng sarkastiko.

"It's a long story, hindi mo maiintindihan." Nginitian ko siya.

"Hindi ka ba nila tunay na anak? O baka naman sinasaktan ka nila? Lumayas ka?" Ang pangalawa at pangatlong sinabi niya ay totoo. Hindi ako kumibo dahil naubusan ako ng idadahilan. "Don't tell me I'm right?" Ngayon ay hinarap na niya ako.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, ang alam ko lang ay bigla na lamang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat si Milo roon kaya nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Tinakpan ko ng kamay ang aking mukha.

Hinila niya ako palapit sa kanya kinulomg sa kanyang dibdib. Dito ako tuluyang humikbi. Gusto kong pigilan ang pag iyak ngunit traydor ang aking mga mata.

Siguro'y sa tagal kong kinimkim ang aking lungkot ay naipon na ang mga ito. Ngayon narito ako, sa bisig ng estrangherong nakilala ko lamang bilang lalaking baliw at kapitbahay, umiiyak na parang bata.

"Please Asena, open up to me. Narito lamang ako, willing akong maging panyo, willing akong hawakan ka ng ganito, kahit habang buhay." Naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok. Being held by this stranger feels good, his touch feels so comforting. Para bang lahat ng lungkot at sakit na dinanas ko noon ay biglang napawi. I feel like I belong here, in his arms.

Naramdaman kong bumilis ang pagtibok ng aking puso, sa sobrang bilis ay halos sumakit ang aking dibdib. Marahan kong ipinikit ang aking mata sabay pulupot ng braso sa kanyang bewang.

Kahit ngayon lang, gusto ko siyang maramdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon