Chapter 2

21 1 2
                                    

Hindi ko malimutan ang mga mata ng lalaking iyon.

From his eyes, I felt escape. Sa isang tingin ay malulunod ka sa hindi malamang dahilan. I admire his eyes even though he's weird.

Iminulat ko ang aking mga mata. Ito na naman. Ayaw ko mang bumangon ay kailangan dahil baka kung ano na naman ang maisumbat sa akin ng aking mga magulang.

Bumangon ako ngunit nanatiling nakaupo sa aking kama. Napatulala ako sa isang sulok ng aking kwarto.

This place, ito ang saksi sa lahat ng lungkot na dinanas ko. Ang apat na sulok ng silid na ito ang tanging nakarinig ng mga hikbi ko, na kahit sino ay hindi maririnig.

It pains me, dahil kahit isa walang nakapansin ng lungkot na aking dinadala. Sa araw araw na pakikisalamuha ko sa kanila, ang tanging napapansin nila ay ang pekeng ngiti sa aking mga labi.

I smiled bitterly, Asena grow up! Palalayain mo na ang sarili ko hindi ba?

Tuluyan akong tumayo at naligo sa banyo. This is the day. Magiging malaya na ako mula sa hawlang pinagkulungan sa akin sa loob ng ilang taon.

Pagkatapos maligo ay nag umpisa na akong  mag empake ng gamit. Alam kong mamimiss ko ang silid na ito ngunit alam ko rin na may magandang maidudulot ang pag alis ko dito. Those sad memories should be left inside this room, inside this house.

Bumaba ako bitbit ang aking mga maleta. Narinig ko ang mga tunog ng kubyertos mula sa kusina. Kahit kailan, hindi nila ako tinawag upang sumabay sa agahan.

Huminga ako ng malalim at dumeretso sa kusina.

"Aalis na po ako."

Nag angat ng tingin ang ate ko at kumunot ang noo. "Why?"

"I planned to live alone, all by myself." Humalakhak siya.

"Are you out of your mind? Sa tingin mo kaya mong mabuhay ng mag isa?"

Yumuko ako. Oo kaya kong mabuhay mag isa. Nasa tamang edad na ako at may tamang ipon pangtustos sa aking pag aaral, salamat sa kanila dahil malaki ang inilalagay nila sa aking bangko at inililipat ko naman to sa ibang account.

''Hayaan mo siya Alicia, magaling na ata yang kapatid mong iyan. Baka may gustong ipagmalaki." Sabat ni daddy.

Nag uunahang lumandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Kung sino pa ang pinaka mamahal mo ay sila din ang mananakit sa iyo.

Pinalis ko amg luha sa aking mata at tumingin sa kanila. Yes they are my family. Dapat ay magpasalamat ako dahil binuhay nila 'ko. Ngunit ang pang iinsulto gaya nito ay hindi ko na kaya.

"Mom, dad, ate thank you po sa lahat." I smiled at them then turned around. Alam ko na paglabas ko ng bahay na ito, maiiwan ko sila, nakakalungkot isipin yon dahil mahal ko din naman sila kahit anong mangyari, pamilya ko pa rin sila. Ngunit masaya sa pakiramdam dahil alam ko rin na sa paglabas ko ng bahay na ito ay magiging malaya na ako.

Dumating ako sa isang kilalang condo sa Makati. Ito ay binili sa akin bilang regalo ngayong 18th birthday ko. Kahit paano pala ay may naalala sila sa akin, kahit paano pala ay may halaga ako. Pero nakakalungkot dahil hindi man lang nila naisipan na ipaghanda o samahan man lang ako sa kaarawan ko.

I understand that they're both busy ngunit bakit 'pag si ate ay lagi nilang naipaghahanda?

Habang naglalakad ako patungo sa aking unit ay may napansin akong pamilyar na lalaki.

He's wearing a very creepy smile while staring at me. Ayan na naman ang mga mata niyang nagpapawala sa ulirat ko. May sa demonyo ba ito?

Papalapit na ako sa kanya kaya't iniisip kong  tatabi siya upang padaanin ako ngunit nanatili siyang nakatayo sa kanyang kinaroroonan habang nakangiti.

"Uhm excuse me, dadaan ako." Sabi ko nang makalapit sa kanya.

Hindi pa rin siya tumabi kaya minabuti kong dumaan na lamang sa kanyang gilid ngunit humarang siyang muli. Bumuntong hininga ako. "What do you want?"

"Don't you remember me?" Tanong niya habang nakangiti pa rin.

"How can I forget you? Ikaw yung baliw na lalaking naghahanap ng lugaw doon sa fast food."

"As I expected." Aniya. Tinignan niya ang mga dala kong gamit at kumunot ang noo.
Napansin ko ang kabuuan niya. From his hypnotizing eyes, thick eyebrows and eyelashes, red lips, and perfectly angled jaw. Pansin ko rin ang katangkaran niya, hanggang tenga niya lamang ako. He's perfect! Isama mo pa ang malapad niyang pangangatawan, kahit nakadamit ay alam mong may itinatago itong monay.

"Why are you carrying those?"

"Isn't it obvious, lilipat ako sa isang unit dito." Bigla na lamang niya kinuha ang mga maleta mula sa aking kamay at ngumiti muli.

"Saan ang unit mo?" Aagawin ko sana ulit ang aking mga gamit ngunit agad niyang iniwas ang mga iyon. "Sabi ko saan ang unit mo?" Wala na akong magagawa kaya inunahan ko na lamang siya maglakad upang igiya sa aking unit.

Hinarap ko siya at kinuha ang aking mga gamit. "Thanks for your help, naappreciate ko." Sabi ko sabay ngiti.

Umiling siya at muling ngumisi. "I know na marami ka pang dala sa kotse mo." Kumunot ang noo ko.

"How did you-" Hindi na niya ko pinatapos at inilagay ang hintuturo sa aking bibig. Humalakhak siya at agad rin naman huminto.

"Secret, I just know." Sabi niya habang nakangisi na naman. He's so weird. And don't tell me he's my neighbor?

''Yes I am your neighbor, and I'm not weird, I'm unique." Nalaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Oh God, ito ba ang parusa sa paglalayas ko?




Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon