Chapter 5

6 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Balak kong magluto ng sariling almusal. Sanay ako sa mga gawaing bahay kaya hindi na bago ito sa akin. Mamaya ay magbubudget ako ng pera. Ginusto kong mamuhay mag isa, kaya dapat ay maging responsable ako.

Naghanda lamang ako ng kaunti at simpleng almusal.

Kahit kailan ay hindi ko nakasabay kumain ang mga magulang ko sa hapag. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko para bigla na lamang sumulpot at sumabay sa kanilang pagkain.

Pinagmasdan ko ang peklat sa aking mga kamay.

Halos manginig ako nang maramdaman kong dumampi ang mainit na tubig sa aking mga kamay. Gusto kong magwala sa sakit ngunit hindi ko ito magawa.

"Ha tama lang sa iyo yan! Napaka tonta mo talaga! Hindi mo ba naisip na napakahalaga ng mga papeles na binasa mo? Kung iyon ay natapunan mo ng kape, ikaw ngayon ay tatapunan ko ng mainit na tubig!" Sigaw ni mommy at ibinato sa akin ang mga basang papeles.

Hindi ko maintindihan! Wala akong pinapakialaman kahit isa sa mga gamit nila! Ni hindi nga ako pumapasok sa kwarto opisina man lang nila!

"My hindi ako ang gumawa niyan!" Kahit nanghihina ay kinaya ko pa rin ipaglaban ang sarili ko.

"At may gana ka pang magsinungaling! Walang hiya ka! Hindi ka namin anak! Lumayas ka dito!"

Mga salitang madalas kong marinig sa tuwing ako ay nagkakamali. Ngayon ay nagkatotoo na. Hindi na ako nakatira sa aking mga magulang ngunit nakatira naman ako sa condo na kanilang bigay. Ang kapal naman talaga ng mukha ko.

Kapag nakaipon ay maghahanap siguro ako ng apartment na matitirahan. Ngunit nasisiguro ko na hindi nila iyon hahayaan. Syempre! Ano nga naman ang sasabihin ng ibang tao?

Habang kumakain ay nakarinig ako ng pamilyar na boses mula sa telebisyon.

"Yes, we did buy a condo unit for our lovely daughter Asena. She turned eighteen at ayaw niya ng handaan, mas pinili niya ang condo unit na matagal na niyangbpinapangarap. And nakakalungkot na kahapon lang ay umalis na siya sa aming bahay kahapon lang. She wants to live on her own." Aniya habang kunwaring nagpupunas ng luha.

I smiled bitterly. Mabuti pa sa camera ay may pakialam siya sa akin.

Matapos kumain ay nagligpit ako ng kusina. Pagkatapos ay naligo ako. Mahaba pa ang oras bago mag alas tres. Tinignan ko ang orasan at ang mabagal na pag ikot ng mga kamay nito.

Tumunog ang campus bell hudyat na tapos na ang mga klase para sa araw na ito.

"Class dismiss." Sambit ng aming guro. "Asena come here." Napatigil ako sa pag aayos ng gamit dahil sa tawag ng aking guro.

"Yes ma'am." Sabi ko at naglakad patungo sa kanya.

"You failed your Math exam." Tumigil siya saglit at napayuko ako.

Kasalukuyan akong nasa senior high school ngayon. Hindi ko rin mawari kung bakit hirap na hirap ang sa subject na ito.

"Alam mong magagawan ko ng paraan ito. I can give you another exam dahil kung tuluyan kitang ibabagsak ay kami ang papagalitan ng mga opisyal."

Nakahinga ako ng maluwag doon. "But how about your parents? I'm sure malalaman nila ito. Sigurado ay gigisahin ka na naman ng mga iyon." Siya ang tanging nakakaalam ng aking mga problema.

"Hindi ko po muna siguro sasabihin hanggang sa makapag take ako ng panibagong exam."

Napabuntong hininga siya. "O sige, pero sana ay walang makaalam nito, Asena maraming koneksiyon ang pamilya mo. Hindi malabo ma makarating agad sa kanila ang balitang ito."

Tumango ako.

At ganon na nga ang nangyari. Sampal ang inabot ko kinabukasan noon.

Bumalik ako sa realidad nang tumunog ang aking door bell. Wala akong inaasahan bisita ngunit sa tingin ko ay alam ko na kung sino ang nasa labas.

There he is, the man who always wear a creepy smile. The man who owns the eyes I admire.

"Are you busy? May gagawin ka?" Tanong niya matapos ko siya papasukin. Dumeretso siyang muli sa kusina para maghanap ng pagkain.

Talagang maghihirap ako dahil sa lalaking ito.

"May kikitain lang akong kaibigan mamaya." Napatigil siya sa kanyang ginagawa at humarap sa akin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Ilang pulgada lamang ang layo namin sa isa't isa! Kung mamali ako ng galaw ay maaring mahalikan ko siya.

"May I know who's this friend?" Tanong niya habang ganon pa rin kalapit sa akin. Halos maduling na ako sa kanyang ginagawa but I managed to stay calm.

Naramdaman kong kakaiba bigla ang tibok ng aking puso. Hey heart, what's your problem? Okay naman tayo diba?

"Uhm, none of your business." Hindi ako makatingin ng deretso sa kanyang mata dahil natatakot ako. Natatakot na mahulog, malunod at hindi na muling makaahon.

Ngumisi siya. "Really? So what will I do to make it my business?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Confirmed! Baliw nga ang isang ito. I gathered all my strength para maitulak siya. Hindi naman na siya nagpaawat at nagpapasalamat ako roon.

Bigla siyang umalis sa kusina na lakad talon ang ginagawa at dinagdagan pa ng pag gewang ng ulo. What a child!

"Anong oras ka aalis?" Tanong niya pagkalabas ko ng kusina.

"Mamayang alas tres."

"I see." Aniya at tumitig sa tv. Umupo ako sa isa single couch at naisipang umidlip.

From his looks, hindi naman gagawa ng masama ang isang ito. Magkalat pwede pa. Isip bata eh.

Nagising ako dahil sa kiliting nararamdaman ko sa aking tenga. Halos mapatalon ako dahil pag mulat ko ng aking mata ay nakita ko agad na sobrangblapit sa akin ni Milo. Napahawak ako sa dibdib ko dahil nag iiba na naman ang tibok nito.

"Ano ba! May balak ka bang patayin ako?" Bulyaw ko sa kanya. Ngumisi na naman siya

"Oo, sa pagmamahal." Kinilabutan ako sa paraan ng pagkakasabi niya noon. Para bang seryoso talaga siya.

"Leche ka! Ginugulo mo ang nanahimik kong buhay!" Sabi ko sabay tayo. Tinignan ko ang orasan at nakitang mag aalas tres na pala!

"Ayaw sana kitang gisingin, you look like princess sleeping in the couch pero sabi mo may lakad ngayon kaya..." Nagkibit balikat siya.

Okay? So should I thank him?

"Thank you." Dumeretso ako sa aking cr at naligong muli. Pumili ako ng damit na babagay sa aming pupuntahan. Sa pagkakaalam ko ay food park ang aming pupuntahan.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin. I don't look like them. Kung sa side ni mommy ay pwede pa dahil sa akin mga mata. Ngunit alam kong magkaibang magkaiba ito.

Nagsuot ako ng simpleng maong shorts, white shirt at combat boots. This is my style, I can be girly and boyish at the same time. Isa rin sa dahilan kung bakit ako inayawan ng aking pamilya.

Lumabas ako at nadatnan na naroon pa rin si Milo. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Parang gusto ko na lang pumasok mulibsa kwarto at hindi na lumabas pa.

"Uhm aalis na ako, uwi ka na." Nginitian ko siya.

"Sasama ako." At nauna na siyang lumabas.

Pagkasara ko ng pinto ay hinabol ko siya. "Hey Milo, I'll be meeting my friend, we'll talk about work. I don't think you'll enjoy." Sambit ko nang maabutan ko siya.

"Is that so? Lalo akong mag eenjoy niyan." Aniya. "Ay hindi pala! Hindi ako mag eenjoy dahil diyan sa suot mo! Hindi naman kita pwedeng piliting magpalit dahil iyan naman ang gusto mo. So babantayan na lang kita."

Ibang klase!











Escape In YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon