"Class dismissed." anunsiyo ni Miss Flame.
Sabay sabay na nagsitayuan ang mga estudyante including her and Addie. Naunang lumabas ng classroom si Miss Flame. Sumunod naman agad ang ibang mga estudyante.
"Gab, I need to go ahead. Kanina pa tumatawag si Daddy. May emergency yata." ani Addie na panay ang pindot sa cellphone nito.
"Sige. Mauna ka na. Kailangan ko pa kasing dumaan sa library." aniya.
"Sige. Ingat pauwi." anito na nagsimula nang maglakad papunta sa pinto.
"Ikaw din. Ingat." aniya. Kumaway ito bago tuluyang nawala sa paningin niya.
She looked around. Konti na lang sila ang naiwan sa classroom. Nilingon niya ang upuan ng mga Alphas. Nagulat pa siya nang makitang nandun pa ang mga ito. Mukhang busy sa kung ano mang pinag-uusapan.
Dahan dahan niyang isinuot ang backpack para hindi siya mapansin ng mga ito. Then, she slowly headed towards the door. She was about to step out nang biglang may malakas na humila ng backpack niya. Dahil sa hindi kamahalan, mabilis na bumigay ang strap nito.
"Ano ba?" hindi niya napigilang singhal sabay lingon sa nakangising lalaking may hawak ng bag niya.
"Ikaw na naman?" naiinis niyang tanong. Ito na naman kasi ang lalaking may hawak din ng bag niya kahapon.
"Ang tapang pala ng bago nating sub ah." anito na bahagyang nilingon ang mga kasama. She tried to snatch her bag away from his hand pero mabilis nitong naiiwas iyon bago pa man niya mahawakan.
"Not so fast." anito na halatang nag-eenjoy na pahirapan siya.
"Ano ba? Ibalik mo na sakin yan. Bakit ba ang hilig mong manguha ng bag ng iba? Klepto ka ba?" naiinis niyang pahayag. She wanted to piss him off at mukhang nagtagumpay siya kasi biglang dumilim ang mukha nito sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?" tanong nito. Hindi niya napigilan ang bahagyang kabahan. Nanlilisik ang mga mata nito at bahagyang humigpit ang hawak sa bag niya. Nilakasan niya ang loob na salubungin ang nagbabagang tingin nito.
"Ang sabi ko, klepto ka! Mahilig kang manguha ng hindi sa'yo!" matapang niyang sagot. Napasubo na siya kaya paninindigan na lang niya ang katapangan kahit na kanina pa niya gustong tumakbo palayo.
"Ang tapang mo rin ano? Ang lakas ng loob mo. At sino naman magkakainteres sa basurang to?" anito sabay taas ng bag niya. Tinawag na naman nitong basura ang bag niya.
"Ano? Sagot!" singhal nito nang hindi agad siya kumibo. Hindi niya napigilan ang mapapiksi sa lakas ng boses nito.
"Ayaw mong sumagot? Kasi wala naman talaga. Walang magkakainteres sa basurang ito!" sigaw nito sabay bato ng bag niya sa whiteboard sa harap ng classroom.
Muntik na siyang mapasigaw dahil sa lakas ng impact. Kung hindi lang nakasara ang zipper ng bag niya baka nagkalat na ang mga gamit niya sa sahig. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya dito. Akmang magsasalita pa siya nang bigla siya nitong hawakan sa kwelyo ng shirt niya gamit ang isang kamay. Kitang kita din niya ang pagkuom ng kamao nito sa kabila.
Gad! Susuntukin ba niya ako?
Sa sobrang takot, napapikit na lang siya at hinintay na dumapo ang kamao nito sa mukha niya. Ilang sandali na siyang nakapikit pero wala pa rin siyang nararamdamang pwersa o sakit sa mukha. Nagulat pa siya nang bigla na lang siya nitong itulak. The force was strong enough para kasama niyang bumulagta sa sahig ang ilang upuan. Napangiwi siya sa sakit nang tumama ang pwet niya sa sahig. Mukhang nabalian yata siya ng tadyang. Ramdam din niya ang sumisigid na kirot sa balakang niya.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang