She woke up in a dark and empty room. It took a while until her eyes fully adjusted to the darkness. She slowly sat up. She could feel pain all over her body. Hindi niya napigilan ang bahagyang mapangiwi sa sakit na nararamdaman sa simpleng paggalaw lang.
Bigla niyang naalala ang lahat nang nangyari bago siya nawalan ng malay. Mabilis niyang dinama ang mga parte ng katawan niyang napuruhan. She was surprised nang mapansing nagamot na pala siya. May mga band aid at bandage na rin ang mga sugat at pilay niya.
Inilibot niya ang paningin sa kwartong kinaroroonan. The room looked familiar. She'd been here before. The door suddenly opened and all her questions were answered right away.
"Good Morning Miss. Breakfast in bed is ready." ani Fleur matapos ilapag ang tray sa bedside table.
"T-thank you po. N-nasaan po si Zach?" tanong niya.
"Pumasok na sa school. By the way, if may kailangan ka, pindutin mo lang ang blue button malapit sa headboard." anito na nagsimula nang tumalikod.
"Ahhmm... Miss Fleur." tawag niya dito. Napahinto ito at napalingon.
"P-pwede na po ba akong umuwi pagkatapos kong kumain?" tanong niya.
"Sige. Ipapahatid kita sa driver." anito.
"Naku, huwag na po. Kaya ko naman po." aniya.
"I insist. Ibinilin ka samin ni Señorito Zach. Just push the button when you're done." anito at tuluyan na ngang lumabas ng kwarto.
Mabilis niyang naubos ang almusal na inihanda ni Fleur. She was very hungry. Nang matapos, dali dali siyang nag-ayos para makaalis na. She didn't bother pushing the button. Hindi siya pwedeng umuwi na ganito ang itsura. Her lips were still swollen at andami niyang galos. Mag-aalala ang pamilya niya at sigurado siyang hindi siya titigilan ng mga ito hanggat hindi siya nakakapagbigay ng valid reason kung bakit ganun ang sitwasyon niya.
She was glad na nakarating siya ng main door na walang nakakapansin sa kanya. Mabilis siyang nakalabas kahit paika-ika ang lakad niya. She smiled at the guard nang makarating sa gate.
"Uwi na po ako kuya." aniya.
"Walang maghahatid sa'yo?" nakakunot-noong tanong nito.
"Naku huwag na po. Kaya ko naman pong umuwi ng mag-isa." aniya.
"Delikado at malayo ang main entrance ng subdivision. Sandali lang tatawagan ko si Fleur para maihatid ka." anito na mabilis nang nakapasok sa guard house.
Sinamantala niya ang pagkakataon. Mabilis siyang lumabas ng gate at tumakbo. Her heart was beating so fast. Natatakot siya maabutan. She ran mindlessly. Ang gusto lang niya ay makalayo sa bahay nina Zach. Kahit may sakit na iniinda, nagawa niya pa ring marating ang main entrance ng subdivision.
Ilang minuto na siyang nakatayo pero wala pa ring sasakyang dumadaan. Palinga linga siya dahil baka sinundan siya ng driver nina Zach. She suddenyl remembered Addie kaya mabilis niya itong tinawagan.
"Hello?" sagot nito.
"Addie!" tawag niya.
"Gab? Where are you? Bakit absent ka?" sunud-sunod na tanong nito.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo. Can I ask you a favor?" tanong niya.
"Sure! Ano ba yon?" anito.
"Pwede ba akong makitulog sainyo? Kahit ilang araw lang. Please." pakiusap niya.
"Huh? Bakit? Naglayas ka ba?" tanong nito.
"Hindi. I just need———"
"Where the hell are you?" anang galit na tinig na biglang umagaw sa kabilang linya. Biglang kumabog ang dibdib niya nang makilala ang boses.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang