• Rule #3
You're not allowed to disclose any information about the Alphas to anyone outside the campus especially your friends and families.Penalty: Your friends and families will be the ones to face the consequences.
***
"Anong ginagawa mo dito?" salubong niya sa bisita. Hanggang ngayon nakikita pa rin niya sa isip ang ginawang kababuyan nito at ng kalandian nito sa library.
He didn't respond. Blanko ang ekspresyong nakatingin lang ito sa kanya. Hindi mo malalaman kung galit ba ito o hindi.
"Oh anak, andiyan ka na pala. Andito si Zach." agaw ng nanay niya sa atensyon niya.
"Halika dito anak." anang tatay niya sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi nito na nakaharap kay Zach.
Napabuntong hining siya. Wala na siyang nagawa kundi ang umupo. Hindi niya alam kung ano ang binabalak ng lalaking kaharap pero base sa mga matatalim na tinging palihim nitong ibanabato sa kanya, alam na niyang may hindi magandang mangyayari kapag hindi siya sumunod.
"Anak, bakit hindi ka nagpa-alam samin? Akala mo ba hindi ka namin papayagan? Malaki ka na at alam mong malaki ang tiwala namin ng tatay mo sa'yo. Hindi ka naman namin pagbabawalan kung alam naming makakatulong sa pag-aaral mo." anang nanay niya na ikinakunot ng noo.
What?
Nagtatakang napatingin siya kay Zach pero as usual, blanko pa rin ang ekspresyon nito.
"Tama ang nanay mo. Kung hindi pa pala pumunta si Zach dito, hindi pa namin malalaman na ikaw lang pala sa mga kaklase niyo ang hindi pupunta sa group study niyo." anang tatay niya na ikinalaki ng mga mata niya.
Group study?!
Gusto sana niyang isatinig yun pero walang lumabas na boses mula sa bibig niya. Bigla para siyang napipi lalo na nung mapabaling siya kay Zach na ngayon ay nagbabanta na ang mga tingin sa kanya.
Gad! What is he up to?
"Anak, ok lang sa amin. Naiintindihan namin na sa private school ka na nag-aaral at mahalaga ang mga projects na ginagawa niyo kaya pinapayagan ka namin. Naipaliwanag na ni Zach ang lahat. Umakyat ka na at ayusin ang mga gamit na dadalhin mo." dugtong ng nanay niya na mas ikinagulat niya.
She tried to ask Zach through her eyes but he's not giving something away. His eyes remained cold.
"Sige na anak. Bilisan mo na para hindi kayo masyadong gabihin sa daan." anang tatay niya na bahagyang itinulak na siya patayo. Wala na nga siyang nagawa kundi ang sumunod.
Wala sa sariling tinungo niya ang hagdan. Palaisipan pa rin sa kanya ang mga nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang mga sinabi ni Zach sa mga magulang niya. Hindi din niya alam kung saan sila pupunta at kung ano ang gagawin nila.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan, naririnig pa din niya ang sumunod na usapan ng tatay niya at ni Zach.
"Kumain muna kayo hijo, bago kayo umalis." alok ng tatay niya dito.
"It's ok po tito. Naghihintay na po kasi yung mga kaklase namin. Sabay sabay po kaming magdi-dinner." sagot nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang magalang nitong sagot sa tatay niya.
May konting galang din pala sa katawan ang bastos na lalaking yun.
Akmang ipagpapatuloy na niya ang pag-akyat nang magulat sa sumunod na usapan ng dalawa.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang