Subservient

884 48 44
                                    

"Paano na yan Gab?" nag-aalalang tanong ni Addie.

"It's ok. Ang mabuti pa, mauna ka na sa klase. I'll just get my bag. Susunod agad ako." aniya na nagsimula nang tumakbo pabalik sa direksyon ng cafeteria.

"Wait! Gab!" tawag sa kanya ni Addie. May iba pa itong sinasabi pero hindi na niya masyadong narinig kasi malayo na siya dito.

She was panting nang finally marating ang entrance ng cafeteria. Hindi muna siya pumasok. She peeked through the glass door. Mabilis na nahagip ng mga mata niya ang bag niya na nakalapag pa rin sa isa sa mga upuan doon. Andun pa rin ang apat na lalaki sa table nila kanina. They were eating like gods. She could tell na kahit yung ibang mga estudyante ilag din sa mga ito although mas marami ang nakikita niyang kinikilig.

"Ang yayabang. Akala mo naman kung sino." naiinis niyang bulong.

"Step aside." anang baritonong tinig mula sa likod niya. Mahina pero mariin ang pagkakasabi nito. Sapat na para bigla siyang mapalingon.

And the moment she did, her world seemed to stop for awhile. A pair of dark eyes met hers. They were beautiful, expressive, and piercing through her soul. She couldn't help but notice how he looked like a man who just came out from a magazine cover. His facial features are very prominent; from his eyes, nose, jawline, and skin. He's also tall and lean. He literally looked perfect from head to toe. She could even swear that he's the most handsome guy she ever saw in her 16 years of existence in this world.

 She could even swear that he's the most handsome guy she ever saw in her 16 years of existence in this world

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Done checking me out?" yamot nitong tanong. He looked bored and pissed. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

"H-ha?" gulat niyang tanong.

"Stupid." anito na kahit mahina lang, dinig na dinig pa rin niya. Biglang uminit ang ulo niya.

She was about to say something nang bigla na lang siya nitong lagpasan. Walang lingon-likod nitong itinulak ang glass door para pumasok sa cafeteria. Mabilis siyang sumunod dito. Dahil sa pagmamadali, hindi niya napansin na binitiwan na pala nito ang glass door. Before she knew it, malakas na humampas sa noo niya ang babasaging pintuan. The impact was a bit strong that she almost fainted. She literally saw stars dancing around her head. Napaupo siya habang sapo sapo ang nasaktang noo.

Natigilan din ang lalaki sa kabilang pinto. He was stunned for a moment. Nag-angat siya nang mukha at nagkasalubong ang mga mata nila. For a moment, she saw his expression soften pero mabilis ding nawala. Now, she couldn't read his eyes. Hindi niya alam kung nagsisisi, nakokonsensiya, nagagalit o naaawawa ba ito sa kanya. Blanko ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya.

She was waiting for him to help her. Technically, ito ang naka disgrasya sa kanya, sinasadya man nito o hindi. Ilang segundo din silang nanatiling nakatitig lang sa isa't isa bago ito bigla na lang tumalikod at naglakad palayo na parang wala lang nangyari. Napaawang ang bibig niya sa inakto nito. Hindi siya makapaniwala na ganoon ito kawalang modo!

Callous HeartWhere stories live. Discover now