PAGE 1:
The Subservient
~ prepared to obey unquestioningly
~ less important; subordinate
~ useless; slave; submissive• As a sub, you must be willing to do what the Alphas want. You must consider yourself less important than them. All commandments must be strictly followed because each of them has a corresponding penalty.
• Rule #1
Follow all the commandments from the Alphas without questions and objections.Penalty: Physical Assault inside the campus.
***
"Anak, gising na." anang nanay niya.
"Hmmm... nay, ayokong pumasok." sagot niya habang nakatalukbong ng kumot. Sumasakit ang buong katawan niya dahil sa sinapit niya sa mga Alphas kahapon.
"Wala pasok ngayon anak." anito. Bigla siyang napadilat sa sinabi nito.
Teka, hindi pa naman sabado ngayon ah.
Mabilis na hinarap niya ang nanay niya. Biglang nawala ang antok niya.
"Walang pasok?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.
"Holiday ngayon anak kaya bumangon ka na diyan at tumulong sa tatay mo dun sa talyer kasi mag-isa lang siya. Pinag-off namin si Kaloy." anito.
Si Kaloy ay ang kaedad niyang tambay sa kanto na hindi na ngayon tambay kasi binigyan na ng trabaho ng tatay niya sa maliit nilang talyer.
"Yes!" tuwang tuwa niyang sigaw.
"Susmaryosep ka namang bata ka! Aatakihin ako sa puso sa'yo." anang nanay niya na nagulat sa biglang pagsigaw niya.
"Oppss... sorry nay." aniya sabay yakap at halik dito.
"Mukhang masaya kang walang pasok ah. Nakakapagod ba sa school?" biglang tanong nito habang yakap yakap pa rin siya. Lihim siyang napabuntong hininga.
"Hindi naman nay. Masaya lang talaga ako kasi makakasama ko kayo buong araw ngayon. Sige po, pupuntahan ko na si tatay." aniya sabay kalas dito at nagsimula nang maglakad papuntang pinto.
"Kumain ka muna ng umagahan anak." habol pa nito bago siya tuluyang nakababa ng bahay.
"Good Morning Ate!" bati sa kanya ng nag-iisang kapatid niyang si Santi. Mag-isa itong nag-aalmusal.
"Good Morning Santiago." pang-aasar niya dito. Ayaw na ayaw kasi nitong tinatawag ito sa buong pangalan nito.
"Ate naman eh." reklamo nito habang kumakamot ng ulo. Naupo siya sa harap nito.
"Anong "ate naman eh"? Ang ganda kaya ng pangalan mo. Huwag mong ikahiya kasi pamana satin ng lolo at lola yan." aniya. Yung pangalan kasi nilang dalawa galing sa lolo at lola nila na sina Santiago at Gabriella.
"Ate, big boy na ako kaya Santi na lang ang itawag mo sakin para cool." anito.
"Anong big boy? Tigilan mo ako Santiago ha? Grade 7 ka pa lang kaya baby boy ka pa din ng ate." aniya. Hindi na ito nakipagtalo pero nakanguso ang bibig nito.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang