Lumalalim na ang gabi at unti-unti na ring nababawasan ang mga tao. Zach and his group were nowhere to found habang siya, unti unti na ring nahihilo sa dami na ng nauubos niyang baso ng wine. She's on her 6th glass already.
Nasaan kaya sila? Bakit bigla na lang silang nawawala?
She decided to go to the comfort room. She bet she would feel better once she peed. When she's done, sandali niyang tiningnan ang sarili sa salamin.
Hindi ako to. Hindi si Gab to.
She looked really different lalo pa ar bahagya na siyang namumula at namumungay ang mga mata niya. Napabuntong hininga na lang siya sa naisip. Akmang lalabas na siya ng pinto nang mamataang papasok si Eliz. She immediately ran inside the farthest cubicle. Ayaw niyang makasalubong ito lalo na at walang tao sa CR. Mukhang sasabunutan pa naman siya nito kung makatingin. She hid inside pero hinayaan niyang bahagyang nakaawang ang pinto para akalain nitong walang tao.
Ilang sandali pa, dinig na niya ang tunog ng takong ng sapatos nito. Mukhang nagmamadali ito. She even closed and locked the door.
Shit!
"I knew you couldn't resist me." anito na tila may kausap.
Oh my gosh! Mukhang dito pa gagawa ng milagro ang babaeng ito.
"What is it Eliz?" anang pamilyar na tinig.
Zach?!
Hindi na niya napigilan ang bahagyang sumilip. Si Zach nga ang kausap ni Eliz! Nanlaki ang mga mata niya ng hawakan ni Eliz ang kwelyo nito. She was about to kiss him pero mabilis itong umiwas.
"Talk. I don't have time." malamig nitong tugon na ikinapatda ng babae.
"Why are you being so cold? You did enjoy our little wild library adventure, didn't you?" she said in her irritating husky voice. It didn't take long bago niya ba realize ang sinabi nito.
Oh my gosh! Si Eliz pala yung kalampungan niya sa library! That's why she looks familiar!
Si Eliz pala yung cheerleader na si Elizabeth. Hindi niya ito namukhaan agad kasi nakaayos din ito. Hindi niya akalin ito pala yun. Kaya pala matalim ang mga tingin nito sa kanya. Ito pala ang current fling ni Zach.
She waited for Zach to answer but he didn't. Tahimik at malamig lang na nakatingin ito sa babae. Mukhang nainsulto naman ang babae nang hindi agad sumagot si Zach.
"You didn't?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Dammit! Answer me Zach! Kaya ka ba umalis agad?" naiinsultong tanong nito.
"I don't have time for this." nakakunot noo at malamig na tugon ni Zach sabay talikod.
Akmang pipihitin na nito ang seradura ng pinto nang yakapin ito ni Eliz mula sa likod.
"Don't leave me Zach! Please... please... I'll do whatever you like. Just don't end this." pagmamakaawa nito pero marahas na tinanggal ni Zach ang mga kamay nitong nakapulupot sa baywang ng binata.
"You know the rules. Goodbye Eliz." anito bago tuluyang binuksan ang pinto at lumabas.
"Bakit?! Dahil may bago ka na?! Mas magaling ba ang Ella na yan sakin?! Ha Zach?!" pahabol na sigaw pa nito pero parang walang narinig na hindi na ito nilingon ng binata.
"Dammit!" malakas na mura ni Eliz bago tuluyang lumabas ng CR.
Ilang sandali din ang pinalipas niya bago lumabas ng cubicle. She was a bit shaking. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig. It was obvious na may relasyon ang dalawa. Ang hindi niya maintindihan ay ang rules na sinabi ni Zach. Hindi niya alam kung maaawa ba siya kay Eliz o hindi.
YOU ARE READING
Callous Heart
Literatura FemininaHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang