She already made up her mind. Uuwi na siya ngayon. Tutal hindi na naman masyadong halata yung mga galos niya sa katawan. Miss na miss na niya ang pamilya niya at isa pa, ayaw na niyang makitulog kina Zach. Kahit alam naman niyang walang may nakaka-alam maliban sa kanilang dalawa, nahihiya pa rin siya sa sarili niya.
Matapos magpa-alam kay Addie, dumiretso siya kung saan naka park ang bike niya. Ilang araw din niyang hindi nagamit ito. Akmang sasakay na siya nang may mapansin.
Shit! Flat!
Biglang siyang nanamlay sa natuklasan. Wala siyang ibang choice kundi ang maglakad. She sighed bago inumpisahang itulak ang bike niya. Mahaba habang lakaran ang gagawin niya.
Malapit na siya sa gate nang makasalubong ang grupo nina Raven. Sa pagkakatanda niya, lahat ng mga ito ay football players. Hindi niya alam kung mga Alphas din ang mga ito pero since kasama ng mga ito si Raven, there's a big chance that they're also part of the group.
Nakayuko niyang sinalubong ang mga ito. She didn't want them to recognize her lalo na at sub siya ng mga ito. Pigil ang hininga niya hanggang sa makalampas siya sa mga ito.
Nakahinga siya nang maluwag nang finally hindi siya napansin ng mga ito. Mukhang may importanteng pinag-uusapan ang grupo.
"So Raven, how was your plan on Zach and his group?" tanong ng isa sa mga kasama nito. Biglang nagpanting ang tenga niya nang marinig ang pangalan ni Zach. Hindi niya napigilan ang mapahinto.
"I already had a plan but I found out something more interesting and I guess, I'm changing my plans." ani Raven.
"Your revenge is already long overdue Rave. Mas lumalaki na ang lamang sa'yo ng Zach na yun. Even your father... mas nauungusan na siya ni Tito Ramon sa grupo. Hindi na kami magugulat pag yung daddy ni Zach na yung mamumuno sa'tin." anang kasama nito.
"That wouldn't happen. I'll make sure of that." sagot ni Raven na bahagya na niyang narinig dahil palayo na ng palayo ang mga ito.
Mabilis siyang naglakad palabas ng school gate nang tuluyang makalayo ang grupo nina Raven.
Habang naglalakad, hindi maalis sa isip niya ang mga narinig kanina. Parang may binabalak na masama sina Raven kay Zach. Napaisip tuloy siya kung sasabihan ba kay Zach ang narinig o hindi.
"Pakialam mo naman? Concern ka sa kanya? Hold yourself, Gab! Huwag ka nang sumali sa gulo nila." sigaw ng isip niya na tila pinapagalitan siya.
"Gab!" tawag ng kung sino sa likod niya. Mabilis siyang lumingon.
"Lemuel! Kumusta ka na?" tanong niya dito nang mapansin ang naka cast na braso nito.
"I'm fine. Healing, I guess. Ikaw?" balik tanong nito na nakatitig sa papagaling na din na sugat niya sa mukha.
"Heto, hindi alam kung anong sasabihin sa mga magulang ko kapag nakita nila ang mga pasa ko." aniya. Napakunot-noo ito.
"Bakit? Hindi ka pa ba umuuwi mula pa nung isang gabi?" nagtatakang tanong nito. Nagsimula silang maglakad lakad habang nag-uusap.
"Ah eh, s-sa bahay ako nina Addie natulog. Ayoko kasing makita nila akong may mga pasa at galos." aniya. There's no way na sasabihin niya ditong kina Zach siya natulog.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang