• Rule #2
You're not allowed to insult or curse any of the Alphas.Penalty: 24-hour slavery to whoever you cursed or insulted.
***
"How are you? Sumasakit pa ba ang katawan mo?" tanong ni Addie.
Vacant nila nang mga oras na yun kaya nasa library sila, gumagawa ng assigments habang hinihintay ang last subject nila sa araw na yun. Tahimik ang araw niya dahil absent ang mga Alphas. Nakapag concentrate siya sa pag-aaral.
"Feeling better." aniya sabay buntong-hininga.
"Buti naman. Hayaan mo, wala namang mangyayaring masama sa'yo basta sumunod ka lang sa mga utos nila." anito na bakas ang pag-aalala.
"Yeah. I'll remember that. Thanks." aniya sabay gagap ng kamay nito. Addie's presence as her friend has been really a great help. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nakakaya niya ang mga pambubully sa kanya sa paaralan.
"We don't have a class in History." ani Jeremy na bigla na lang sumulpot sa kung saan at umupo sa table nila ni Addie.
"Really? Cool!" masayang turan ni Addie kasi ibig sabihin, pwede na silang umuwi.
"Tapos na ba kayo sa assignment natin?" tanong ni Jeremy.
"Yup, kaya pwede na kaming umuwi." aniya na nagsimula nang magligpit. Excited siya kapag uwian ang pinag-uusapan kasi kung pwede pa lang, ayaw na ayaw niyang nagtatagal sa paaralan na yun. Akmang tatayo na siya nang pigilan siya ni Jeremy.
"Huwag ka munang lumabas Gab." anito na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Huh? Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong. Bigla silang nagkatinginan ni Addie.
"Narinig ko kasi kanina sa labas na gusto kang i-bully ng isang grupo ng mga kalalakihan. Yung mga frustrated Alphas." ani Jeremy.
"Frustrated Alphas?" nakakunot ang noong tanong niya dito. Marahang tumango ito.
"Sila yung mga gustong pumasok sa grupo ng Alphas pero hindi nakapasa kasi hindi sila pumasa sa standards." si Addie ang sumagot.
"Wow! May pa-quality check pa talaga ang mga Alphas ha." nakaismid niyang komento.
"Shhhh... hinaan mo ang boses mo. Baka may makarinig na pinag-uusapan natin sila." saway ni Jeremy sa kanya.
Mabilis naman niyang inilibot ang mga mata kung may nakarinig nga. Mukhang wala naman kasi nasa corner ng library ang table nila at konti lang ang mga estudyante sa library ngayon.
"Sino ba kasi ang mga frustrated na yun? Bakit nila 'kamo ako ibu-bully? Anong kasalanan ko sa kanila?" pabulong niyang tanong sa dalawa.
"As what I've said, sila yung mga hindi nakapasa sa standards para maging members ng Alphas. Yung frustrations nila, ibinubunton nila sa mga subs. Kapag wala o absent yung mga Alphas, nagfi-feeling Alphas sila. Binubully nila ang mga subs." paliwanag ni Addie.
"What? Jusko. Anong klaseng paaralan ba to? Akala ko tahimik na ang buong araw ko dahil absent yung mga diyos diyosan dito sa paaralan. May mga substitute pala sila." reklamo niya sa dalawa.
"Kaya nga huwag ka munang lumabas. Mga halang ang mga bituka ng mga yun. Sobra pa nga yung ginagawa nila sa mga subs kesa sa mga Alphas mismo." ani Jeremy sabay iling iling.
"Palibhasa mga "rejected" sila kaya mga bitter sa mga life nila." ani Addie na sadyang diniinan ang salitang rejected.
"Bakit nga pala hindi sila nakapasa sa standards? Ano ba ang qualifications para maging Alpha?" curious niyang tanong.
YOU ARE READING
Callous Heart
ChickLitHe's rich, popular, and drop dead gorgeous. He's every girl's dream in the university but he's also everything she hates; rude, arrogant, and cold-hearted. Characters: Zachary Alexander dela Costa Gabriella Isabel Silang