Alphas

742 42 20
                                    

"Subservient; very willing or too willing to obey someone else." basa niya sa definition ng salita sa dictionary app sa cellphone niya.

"In short, slave." ani Addie.

"Slave? Ako? Who told them that I am more than willing to obey them? Ano sila? Mga hari?" naiinis niyang react.

Napagkasunduan nila ni Addie na huwag na muna siyang ihatid pauwi. Nag-insist kasi siya na kailangan niyang malaman ang lahat ng nangyayari kaya dumiretso sila sa bahay nito.

Napakalaki at napakagara ng bahay nina Addie. Hindi nga siya makapaniwala na nakapasok siya sa bahay ng isa sa mayayamang tao sa Pilipinas. Napakabait at down to earth ni Addie. Kasalukuyang nasa kwarto sila nito. They were both sprawled on Addie's bed habang manaka nakang kumakain ng meryenda na inihanda para sa kanilang dalawa.

"Read the second definition." udyok nito.

"Less important than something or someone else." basa niya sa ikalawang kahulugan ng salita. Nakakunot noong tiningnan niya si Addie.

"In short, useless. Yan ang tingin nila sa'yo at hindi lang nila, buong school yan na ngayon ang tingin sa'yo maliban sakin syempre." anito.

"Slave and Useless? What do you mean? Pwede mo na bang ikwento nang maintindihan ko naman ang mga nangyayari." aniya. Sandaling natahimik ito bago nagsalita.

"Those guys are members of a very dangerous frat." anito na tila nananakot.

"Frat? Fraternity?" tanong niyang nakakunot-noo.

"Yup. No one knows the official name of their fraternity but they can be identified through a symbol." ani Addie.

"What symbol?" curious niyang tanong.

"I can't really describe it pero ang alam ko parang greek letters siya. The symbol is tattoed on their bodies. Yung iba makikita mo agad pero yung iba, nasa tagong parte ng katawan nila. According to one of our classmates na may alam sa Greek, Alpha Chi Omega daw kung basahin yun kaya nga Alphas ang tawag sa kanila dito although wala pa ring confirmation kung yun nga ba talaga ang pangalan ng frat nila. Mga members lang kasi ang may alam ng pangalan ng grupo nila. Bawal daw malaman ng mga taga labas." paliwanag nito.

"Ok, pero apart from this fraternity and symbol thingy, ano pa ba ang meron sa kanila?" tanong niya.

"Hmm.... they are all rich, famous, and handsome!" kinikilig na turan ni Addie. Her eyes even suddenly became dreamy.

"Addie!" saway niya dito.

"Joke lang. I mean, it's not a joke actually. It's the truth." natatawa nitong turan. Napailing na lang siya dito. Ilang sandali pa bigla uli itong naging seryoso.

"But... kidding aside, they are dangerous Gab. Bawat salita nila, batas dito sa university. Karamihan kasi sa kanila anak ng mga investors and board of trustees ng SU kaya takot halos lahat ng mga guro at estudyante sa kanila." ani Addie.

"What? Are you serious? Kahit mga guro takot sa kanila? Teka, nasa movie ba ako? Parang napaka imposible naman yata ng mga sinasabi mo. Ano to? Meteor Garden? Boys Over Flower?" aniya sabay ismid. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.

"Kung sana nga katulad sila ng F4 pero hindi eh. Mapanganib sila Gab. Hindi lang sila nananakot at nananakit ng mga tao, pumapatay din sila." anito na ikinalaki ng mga mata niya.

"What? Pumapatay sila?!" gulat na tanong niya. Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

"Oo Gab. May mga estudyante dito na bigla na lang nawawala. Karamihan sa kanila, nakabangga ang mga Alphas." ani Addie.

Callous HeartWhere stories live. Discover now